Chapter 25.

433 88 12
                                    

Ang Treasured Mountain ay hindi ito kagaya ng mga bundok na palagi nating nakikita.
Ang bundok na ito ay di naman kataasan at halos mga baging na halaman ang bumabalot dito.
May mga ilang punong kahoy ang nakapalibot at mga damong di nman kataasan.
Sa paanan ay mayroong malinis na ilog at tila galing ito sa likurang bahagi ng bundok.
Pero hindi ito binigyan ng pansin ni Cain at mabilis siya pumasok sa loob nito.
Dumaan siya ulit sa maliit na butas at pinuntahan ang mga estante na puno ng ibat ibang botelya.
Sinuri niya muna ito bago kinuha.
Inilagay niya ito sa isang lugar.
Pagkatapos ay pumunta siya sa ibat ibang sandata /armaments.
Marami ito at nakadepende ito sa kanyang uri.
Kinolekta niya ito at isinama doon sa mga botelyang kanyang kinuha.
Ang isang kalumaang libro na halos inaalikabok na ay kanya ding kinuha.
Hindi na niya ito tiningnan kung ano ito basta lamang niya ito kinuha.
Isinama nya ulit ito sa mga nakuha niya kanina.
At ngayon ang huli niya kolektahin ay ang mga perang ginto na halos gabundok ito.
Hindi niya alam kung magkano at gaano kalaki dahil kahit buong araw ay hindi mo ito mabilang.

Hindi namalayan ni Cain na umabot ng ilang oras ang pananatili niya sa Dimensions of Immortal God.
Nasa kanyang harapan ang mga kailangan niya subalit paano nya pala ito madala kung ganito ito karami.
Ang kanyang spatial bag ay hindi ito magkasya sa loob kung lahat na ito ay dadalhin niya.
Nag iisip siya ng paraan kung paano niya ito madala sa reyalidad niyang mundo.
Tiningnan niya ang buong paligid pero wala siyang makitang mga bagay na pwedeng paglagyan nito.
Napagawi ang kanyang tingin sa parang Barrier o shield(harang).
Naalala niya ito dahil noong sinubukan niya ito ay tumalsik lamang siya ng ilang metro.
Hindi niya alam kung ano ang nasa loob nito.
Dahil sa kanyang kuryusidad at ng mahawakan niya ito ay ganoon ang nangyari sa kanya.
Tumalsik.
At ngayon ay parang may nag uudyok sa kanya na gawin niya ulit ito.
Wala namang mawawala kung di nya susubukan at kailangan lang niya mag ingat sa pagkakataong ito.
Agad siya kumilos at humakbang palapit sa barrier o shield na parang salamin dahil kumikislap pa ang mga ito.

Samantala kung abala si Cain sa kanyang mga ginagawa ay isang pulutong o grupo ang kasalukuyang nasa iisang lugar.
Walang nakakaalam sa lugar na ito kundi isa lamang.
Dito niya natagpuan ang kanyang sarili at alam niya ito naging bahagi siya sa lugar na ito matapos siya mapunta sa isa pang lugar na itinuturing niyang tahanan.
Nang mapadpad siya sa lugar na iyon ay agad siya kinupkop ng isang pamilya at ang batang lagi niyang kasama ay ito ang naging master niya.
Ngayon ay nakabalik siya sa lugar na ito at dito siya magpalakas para sa kanyang master.
Ang isang kagaya niyang mythical beast ay kailangan maging malakas.
Ibat ibang mythical beast ang narito at nakadepende ang kanilang kakayahan at kapangyarihan.
Masaya siya dahil binigyan siya ng pangalan ng kanyang master.
At bilang kanyang alipin ay dapat lang niya ito paglingkuran sa hinaharap.
Halos hindi mabilang ang mga kauri niyang mythical beast at lahat sila ay pagmamay-ari ng mundong ito.
Gayunpaman di lahat ay sasailalim sa kanyang master,mayroon din dito na mapagmataas at kailangan lamang ito makontrol upang mapasunod ng kanyang master.
Naramdaman niya ang pamilyar na amoy ng paligid kaya siya umalpas sa spatial bag ng kanyang master at walang pasubaling tumakbo sa kadawagan ng gubat.
Pinilit siyang hinabol ng kanyang master subalit nakalyo na siya dito.
"Master,huwag kang mag aalala nasa mabuti ako at darating ang panahon na matutulungan kita sa hinaharap!"
Ito ang tanging nasa isipan ni Pula at nakihalubilo siya sa kapwa niya mythical beast.

Ngayon ay nasa harapan na si Cain ng isang barrier o shield.
Pero bago niya ito hinawakan ay pinakiramdaman muna niya kung ano ang nasa loob nito.
Mayroon siyang naramdamang presensya at awra pero hindi niya matukoy kung ano ito.
Mayroong mga bagay sa loob na hindi malinaw sa kanyang pandama.
Ganoon pa man ay taimtim niyang idinampi ang palad nito sa barrier o shield at pinadaloy niya ang kanyang enerhiya upang mapunta ito sa kanyang palad.
May namuong liwanag sa kanyang palad at naglabas ito ng marahas na pwersa at hangin.
Naglalaban ang dalawa at mas lalong lumakas ang depensa ng barrier o shield.
Tila mayroong pumipigil dito upang hindi ito masira.
Tumutulo na ang pawis sa noo ni Cain pero hindi siya tumitigil sa kanyang ginagawa.
Naging mabigat ang daloy ng kanyang enerhiya ay nagliliwanag ang kanyang palad.
Tila ba hindi makontrol ni Cain ang kanyang sarili at bigla niya inangat ang kanyang palad sa barrier o shield.
Kinuyom niya ang kanyang kamao at saka walang pigil na inundayan niya ng malakas na suntok ang barrier o shield.
"Aaaaahhh!"
"Ka blam!"Craaack!"
Ito ang kanyang sigaw at isang pagsabog lamang ang kanyang narinig.
Bahagya siyang umatras ng ilang metro dahil nagkabitak na tila salamin at tuluyan itong nabasag.

Dahil sa kagustuhan ay nagawang matagumpayan ni Cain ang tuluyan na masira ang harang na ito.
Dahil noon sa kanyang kuryusidad ay nagkaroon siya ng kaunting pinsala pero ngayon ay nagawa niya ito ng walang nangyari sa kanya.
Nawala na na ang barrier o shield at ito ang kanyang nakita kung ang nasa loob nito.
Ang lugar na ito ay mas maganda sa labas ng bundok na ito.
Paano pa nagkaroon ng ganitong kagandang tanawin.
Mas makapal ang enerhiya dito kaysa sa labas ng Treasured Mountain.
Wala din itong pinagkaiba dahil nagkalat lamang sa paligid ang maraming mga kayamanan.
Mayroon ding burol na kung saan ay nakabaon dito ang mga ibat ibang sandata,nakalutang na mga botelyang alam ni Cain ito ay mga potion o pills.
Mga gintong pera na naging isang bundok dahil sa sobrang dami nito.
Mga punong nagliliwanag,mga halamang nagsasayaw sa sobrang sarap ng simoy ng hangin dito.
"Anung lugar ito?"
Ito lamang ang tanong ni Cain sa kanyang isipan.
Pumihit siya sa kanyang likuran upang tingnan ito pero ganoon pa rin ang hitsura nito at walang nagbago.
Nandoon pa rin ang kanyang nakolektang mga kailangan at hindi naman ito nawala.

Ang mga bagong nakita ni Cain ay tila isang bagong mundo na ito ay mga nakatagong kayamanan.
Pinakiramdaman niya muna ang buong paligid pero wala siyang nasagap na kung anuman.
Ang mga kayamanang ito ay hindi niya sukat akalain na matatagpuan niya ito ng mabilis o sinasadya ito ng pagkakataon.
Maayos nakalagay ang mga bagay na ito sa iisang lugar lamang.
Habang ang mga botelyang kanyang nakikita ay nakalutang lamang ito.
Naglakad lakad pa siya sa ibang bahagi upang malaman niya kung gaano ito kalawak.
Simpleng tanawin lamang ang kanyang nakikita at kagaya nga sa labas ng bundok ng Treasured Mountain ay walang presensya siyang naramdaman sa paligid.
Ang hindi alam ni Cain ay maraming mga presensya ang narito at hindi niya ito maabot ng kanyang pandama dahil sa sobra pa niyang mahina.
Ang mga nilalang na ito ay magiging alagad niya sa kanyang hinaharap.
Nakarating si Cain sa apat na haliging nakatayo.
Ito ang Forbidden of God Pillars, makikita sa gitna nito ang isang di kalakihang altar.
At sa altar na ito ay makikita ang isang gintong kahon na naglalabas ng malakas na sinag ng kapangyarihan.
Hindi muna pumasok sa loob si Cain sa nakikita niyang pillars dahil alam niya na mayroong mga patibong dito.
Sa kasalukuyan niyang lakas ay maaari siyang mapinsala.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon