Chapter 29.

293 75 6
                                    

Pagkatapos maayos ni Cain ang lahat ay saka siya bumaba sa unang palapag ng gusali.
Alam niya na nasa loob ang kanyang ama at ang ilang elder kasama na doon ang kanyang Lolo Ben.
Ang kanyang Ina naman ay abala ito sa pagaasikaso sa mga trabahador at mahigpit din niya binabantayan ito.
Nakita ni Cain ang kanyang ama at isang ngiti ang ipinakita nito sa lahat.
Habang siya papalapit ay tila natulala ang lima ng makita siya.
Tila natuklaw ito ng ahas at natulala sa kanya.
"Tama ba ang ating nararamdaman?"
"Isang legends rank level 1?"
Ito lamang ang nabanggit ng kanyang ama matapos nitong malaman ang totoong antas niya.
Parang hindi ito makapaniwala.
Sino ba ang mag aakala sa maikling oras ay naabot nito ang kanyang taglay na lakas.
"Anak,tama ba ang aming naramdaman?"
"Isa ka ng legends rank?"
Ito ang tanong ng kanyang ama sa kanya.
"Opo,ama katatapak ko lang!"
Ito ang tugon ni Cain.
Bahagya namang tumango ang lima at nagalak ito sa kanilang nakita.
Alam nila na may kakayahan si Cain upang itago ang totoong lakas nito na hindi maramdaman ng kapwa niya cultivator.

Matapos nila malaman ang totoong antas ni Cain ay humantong naman sila sa pangunahing usapin at ito nga ang sitwasyon ngayon sa labas ng kanilang village na kung saan ay maraming mga tao.
Hindi nila lubos maisip kung bakit maraming mga tao sa labas ng kanilang village at ilan sa mga ito ay galing sa malalayong lugar.
Makikita din sa kasuotan nila na nabibilang sila sa mataas na angkan o clan.
Ito ang ulat sa kanila ng mga bantay sa labas ng tarangkahan.
Agad sila nagdesisyon upang harapin ang mga tao sa labas.
Wala ang ina ni Cain dahil abala ito sa mga trabahador kung ano ang dapat nilang gagawin.
Patuloy ang paghawan nila sa malabundok na bahagi ng Blueberry Forest.
Sa dami ng mga trabahador at ang ilan sa mga ito ay cultivator din.
Ang tangi hindi nila pinuputol ay ang puno ng blueberry at napanatili nila itong nakatayo sa lupain.
Hitik ito sa bunga at naaamoy nila ang halimuyak nito.
Gayunpaman ay wala ni sino ang pumitas o kumain dito dahil sa pagkakaalam ng lahat ay nakakalason ang prutas na ito.

Nakarating na ang karwahe na galing sa Haram;The Great Palace na kasama kasama ang maraming mga kawal.
Binigyan sila nito ng daanan at humawi ang maraming tao sa harapan ng tarangkahan.
Sa kanilang pagdating ay mas lalo sila napaisip kung bakit ang mga bantay sa lugar na ito ay pawang mga ordinaryong tao lamang.
Kung sakaling magkaroon ng kaguluhan ano ang laban nito sa nakikita nilang mga cultivator.
Tumigil ang magarbong karwahe at bumaba ang ministro ng palasyo pati na din ang mensahero.
Agad ipinaalam nito sa bantay ang dala nilang balita at kailangan nila makita o makausap ang namumuno sa lugar na ito.
Mabilis naman kumilos ang isang bantay at pumasok sa loob.
Sa mga oras na ito ay paalis na sina Cain kasama ang kanyang ama at ang limang Elder kabilang na dito si Lolo Ben.
Nasalubong nila ang bantay at sinabi nito na narito ang ministro ng palasyo.
At gaya nga ng inaasahan ni Cain ay mabilis ang naging tugon ng palasyo at personal pa sila pumunta sa kanilang lugar.
Ilang minuto ang lumipas sa pangunguna ng kanyang ama ay nasa likuran lamang si Cain.
Bumukas ang malaking tarangkahan at nagsimulang mag ingay ang maraming mga tao.

Hindi naging madali ang sitwasyon dahil hindi nila makontrol ang mga tao mabuti na lamang at humarang ang maraming mga kawal ng palasyo at nasa harapan sila ng malaking tarangkahan.
Agad naman nakilala ng ama ni Cain ang ipinadalang tao mula sa palasyo dahil sa uri ng kanilang kasuotan.
Agad naman yumukod ang ama ni Cain at kasama nitong Elder.
Nagbigay galang din si Cain dito.
"Magandang araw sa inyo,ako si Chief Village Cayen Matte at kasama ko ang ilang mga Elder at ang aking anak!"
"Ano ang aming maipaglilingkod sa inyo?"
Ito ang pambungad ng ama ni Cain.
At dahil sa hindi pormal kung narito sila sa labas ay agad ito inanyayahan upang pumasok sila sa loob.
Naiwan ang maraming mga kawal sa labas at nagdala lamang ito ng dalawang personal na kawal.
Binigyan ito ng daan at naunang lumakad sina Cain habang nakasunod sa kanila ang ministro at mensahero ng palasyo.
Sa kanilang pagpasok sa loob ay lalo sila napanganga sa mga nakikita.
Sobrang linis ng lugar ang ang inaapakan nila ay malapad na pabilog na mga bato na napapalibutan ng magagandang damo na kung tawagin ay Bermuda.
Ang mga kabahayan ay simple lamang pero ang napansin nila ay mga magagandang bulaklak sa harapan nito.
Sa palasyo ay may mga ganitong bulaklak din pero mas kakaiba ang bulaklak na narito.
Naamoy din nila ang mga halimuyak na tila galing ito sa isang prutas.

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad at natanaw nila ang isang malaking gusali.
Nakita din nila ang karatula sa labas nito.
"Blue Moon Hall".
Ito ang kanilang nabasa sa gusaling ito.
Maganda ang pagkagawa sa gusali at mahahalintulad ito sa mga Noble Clan.
Natanaw din nila ang napakaraming mga trabahador na abala sa kanilang ginagawa.
May mga kabataan din na patuloy sa pagsasanay.
Hindi mapigilan ng ministro at ang mensahero napabulalas ito.
"Nakakamangha!"
Ito lamang ang nasambit ng dalawa.
Halos nakapasok sila sa isang lugar ng mga Noble Clan dahil sa kabuuang hitsura nito.
Ipinagpatuloy nila ang kanilang paglalakad at pagkarating nila sa blue Moon Hall ay agad yumukod sa kanila ang bantay bago binuksan ang pintuan.
"Magpatuloy kayo aming panauhin!"
Ito ang sambit ng ama ni Cain.
Tuloy tuloy sila pumasok sa loob.
Pagkapasok nila ay lalo silang namangha sa mga nakikita.
Ang kabuuan nito ay halos kasinglawak ng hardin sa kaharian.
Bukod pa dito mayroong hagdanan paitaas na parang balkonahe.
Maraming mga maliliit na lamesa at mga upuan kaliwa't kanan.
Habang sa dulong bahagi ay isang kalakihang upuan.
Ito ang upuan ng Chief Village.
"Maligayang pagdating at ikinagagalak ko ang inyong pagbisita sa aming munting lugar!"
Ito ang pambungad na wika ng ama ni Cain.
Sinenyasan ito na magsiupo sa nakalaang upuan para sa kanila subalit tumanggi ito at nananatiling nakatayo ang dalawa sa gitna.

Isang hindi katandaang ginang ang naglalakad at tinahak nito ang daan patungo sa Blue Moon Hall.
Nakarating kasi sa kanya ang balitang mayroon silang panauhin at mula pa ito sa mismong palasyo.
Agad niya tinapos ang mga gawain at nagtalaga na lamang siya ng ilang tao upang ipagpatuloy sa kanyang mga ginagawa.
Ito ang ina ni Cain,si Aling Maita Cayen.
Nakarating siya sa Blue Moon Hall at agad yumukod sa kanya ang mga bantay.
"Master!"
Sabay nito at agad naman niya ito tinanguan at pumasok sa loob.
Sa kanyang pagpasok ay nadatnan niya kung ano ang nangyayari sa loob.
Mabilis ang kanyang mga hakbang at saka lumingon ang mga tao sa loob.
"Ina!"
Ito ang tawag sa kanya ni Cain at sinalubong siya nito.
Agad naman ito tumabi sa kanyang asawa at ipinakilala siya nito sa kanilang mga panauhin.
Hindi naman nagsayang ng oras ang ministro at agad inilabas sa kahon ang isang gintong tela.
Iniladlad niya ito paharap sa kanila at saka binasa ito.
Nakasaad na ang pagpayag ng kanilang hari sa pagpapatayo ng paaralan at binigyan sila ng karapatan sa lupaing pagmamay ari ng kaharian ng Haram.
Ipinaubaya din ito sa kanila ang pangangalaga nito.
Malugod naman nila ito tinanggap na mayroong respeto.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon