Part 4.

483 103 9
                                    

Ang tahanan ng pamilyang Matte ay medyo may kalayuan ito sa maraming tahanan sa Aleman Village.
Ilang metro ang layo sa bawat tahanang nakatayo roon.
Pinili nila ang lugar na ito sa kagustuhang mamuhay ng tahimik ay maiwasan din ang magkaroon ng aksidenting malaman ng lahat ang matagal nilang itinatagong kakayahan.
Mas minabuti nilang hindi humingi ng anumang tulong sa kanilang elder village at ipinasya nila na hanapin lamang si Cain kung nasaan ito.
Alam nila na hindi ito nakakalayo sa tahanan nila.
Wala rin silang ideya kung mayroong itong kilala na kaedad niya dahil lagi lamang ito sa loob ng tahanan o bakuran nila kasama ang alaga nitong rabbit.

Samantala sa kinaroroonan ni Cain ay hindi siya umaalis sa tabi ni tatang kasama ang alaga nitong rabbit.
Habang minamasdan ni Cain si tatang ay namangha siya sa kanyang nakita.
Ang mga sugat nito ay unti unting naghilom dahil sa dahong itinapal niya rito.
Ang mga sugat ni tatang ay tuluyan ng gumaling at senyales na rin na magkaroon ito ng malay.
Nagising na ito at agad inalalayan ni Cain upang makaupo ito ng maayos.
"Tatang,ayos lang po ba kayo?!"
"Ano po ang nangyari at marami Po kayong mga sugat?!"
Tanong ni Cain sa matanda.
Tiningnan lang siya ng matanda at maya maya ay nagsalita ito.
"Maraming salamat sa iyong tulong at paggamot sa akin iho!"
"Hinabol ako ng mabangis na hayop dito kaya ganito ang nangyari sa akin!"
"Masyado na akong matanda upang labanan ito pero masuwerte pa rin ako at nakatakas!"
"Kung hindi dahil sa iyo ay marahil namatay na ako sa kamay ng mabangis na hayop!"
Ito ang tugon ni tatang na hindi nahihirapan dahil magaling na ito.
Mabilis ito gumaling na hindi nakikita sa pagtataka sa mukha ni Cain.

Sa ganoong sitwasyon sila ay agad nagpaalam si Cain upang umuwi dahil siguradong hinahanap na siya ng kanyang ina at ama.
Binuhat na niya si pula upang umalis at bumalik sa kanilang tahanan.
"Tatang,hindi na po kami magtatagal at baka hanapin po kami ni ina at ama!"
"Ito kasi si pula bigla na lamang pumunta dito kaya hinabol ko po!"
"Pero tatang masyado pong delikado sa lugar na ito mabuti pa sumama na lang po kayo sa amin at sa bahay po muna kayo para tuluyan kayong gumaling!"
Ito ang panghiyat na sabi ni Cain dahil nag aalala siya sa kalagayan nito.
"Maraming salamat iho sa iyong kabutihan,maayos lang ako dito at malapit lang din ang aking tahanan mula dito!"
"Isa kang mabuting bata at ipagpatuloy mo ito hanggang sa iyong paglaki!"
Tumayo ito at inayos ang kanyang sarili.
"Dahil sa iyong kabutihan ay naway tanggapin mo ang aking munting regalo para sayo!"
Matapos nito sabihin ay itinutok nito ang kanyang daliri sa noo ni Cain.
Mayroong liwanag na lumabas sa kanyang daliri at pumasok ito sa loob ng noo ni Cain.
Si Cain sa mga oras na ito ay nagulat at hindi na magawang magsalita.

Ang liwanag na pumasok sa noo ni Cain sinakop ang buong katawan nito.
Isang kisapmata ay naglaho si Cain kasama si Pula at lumitaw sila malapit sa bakuran ng bahay nila.
Medyo nahilo si Cain dahil sa kanilang paglitaw.
Nagtataka siya kung paano siya nakarating sa kanila ng ganun kabilis.
Wala na sila sa Frost Forest.
"Anung nangyari?"
Tanong lamang nito sa kanyang isipan.
Ipinasya niyang pumasok sa loob ng kanilang bakuran dahil narinig niya ang tawag ng kanyang ina at ama.
Tumakbo siya papasok sa loob.
"Ama,Ina,narito na po ako!"
Sigaw ni Cain habang tumatakbo.
Agad naman siya nakita ng kanyang ina at ama.
Sinalubong siya nito.
"Saan ka ba nanggaling at kanina pa kami naghahanap sa iyo?!"
Tanong ng kanyang ina habang hawak nito ang kanyang kamay.
Nasa likuran naman nito ang kanyang ama.
"Ina,ama,patawad po pinag alala ko po kayo!"
"Si Pula kasi pumasok sa loob ng Frost Forest kaya sinundan ko po!"
Sagot ni Cain.
Nanlaki ang mata ng kanyang ina at ama dahil sa narinig nito mula sa kanya.

Hindi makapaniwala ang mag asawa sa tinuran ng kanyang anak.
Nabahala sila sa kung ano ang mangyari pero narito ito at maayos na nakauwi.
Palibhasa ay bata pa ito kaya medyo inosente pa sa ilang mga bagay.
Hinawakan ni Aling Maita ang balikat ni Cain at tiningnan ng maayos ito.
Sigurado ka ba na nakapasok ka sa Frost Forest?"
Tanong nito ng kanyang ina na mayroong pagdidiin.
"Opo,Ina ama,katunayan po ay may nakita akong matanda sa gubat na sugatan dahil si Pula ang unang nakakita nito!"
"Pagkatapos po ay ginamot ko po dahil sa dalang matulis na dahon ni Pula ewan ko po kung saan niya nakuha habang kagat nito ng kanyang bibig!"
"Itinapal ko po sa sugat ni tatang ay mabilis po itong gumaling!"
Ito ang masayang paliwanag ng kanilang anak na nagtinginan lamang ang dalawa.
Hindi na nila ito tinanong pa ang mahalaga ay maayos ito nakauwi sa kanila.
Pero sinabihan pa rin ito na huwag ng bumalik sa gubat dahil mapanganib ang lugar na iyon.
Tumango naman si Cain at sinangayunan ang sabi ng kanyang ina at ama.

Tahimik at payapang gabi ang namayani sa pamilyang Matte habang mahimbing natutulog ang mga ito.
Tanging huni ng ibong pang gabi at mga insektong ibat ibang uri ang tunog nito.
Hindi alintana ang nakabadyang mangyayari na gugulantang sa kanila.
Sa mga oras na ito ay mahimbing natutulog si Cain sa isang kwarto na nakalaan para sa kanya.
Hindi niya naramdaman ang isang anino at nagkaroon ng hugis o anyo na bigla lamang sumulpot.
Pinagmamasdan siya ng nilalang na ito at mayroong sinabi na tanging siya lamang nakakaalam.
"Magbabago ang pananaw ng lahat dahil sa iyong paglutang!"
"Magulo ang tatahakin mong kapalaran upang baguhin ang mundong puno ng panlilinlang!"
"Sa pamamagitan mo ay marami ang mawala,at uusbong ang bagong paniniwala sa mundong iyong ginagalawan!"
"Ikaw ang pag asa at ikaw din ang lulutas ng pagkabigo tungo sa tagumpay!"
"Di ka nag iisa!!!
"Makikita pa tayo hanggang sa muli!"
Bago nito lisanin ang kwarto ni Cain ay binigyan niya ito ng huling sulyap.
Isang ngiti sa labi ang sumilay sa kanya.
At naglaho ito na parang bula.

Ang nilalang na biglang sumulpot at naglaho sa kwarto ni Cain ay ito ang matandang kanyang tinulungan sa Frost Forest.
Walang pagkilanlan kung sino ang nilalang na ito.
Sa mga oras na ito ay mayroong kakaibang nangyayari kay Cain.
Nakaramdam siya ng pag iinit sa buong katawan.
Tila napapaso siya.
Hinahabol na rin niya ang kanyang hininga dahil mayroong sumisilab sa buong pagkatao niya.
Ang tibok ng kanyang puso ay mabilis ang pintig nito kaysa sa normal na tibok nito.
Sa kanyang puso ay mayroong namuong hugis bilog na unti unting nagkaroon ng liwanag.
Sa una ang mahina lamang ito pero habang tumatagal ay naging marahas ito upang nakaramdam ng kirot si Cain.
"Aaahhhh,ama!Ina!""!"
Sigaw ni Cain dahil sa kirot na kanyang nararamdaman.
Ang buong katawan niya ay binalot ng puting liwanag.

Samantala sa kabilang kwarto ay nagising ang ama at ina ni Cain dahil sa sigaw nito.
Mabilis ang naging kilos nila upang takbuhin ito papasok sa kwarto ng kanilang anak.
"Cain,anak , ano ang nangyayari!"
Ito na lamang ang nasambit nila habang papunta sa kwarto ni Cain.
Sa kanilang pagdating ay ito ang nabungaran nila sa loob.
Si Cain ay lumulutang sa itaas habang binabalot ito ng kakaibang liwanag.
Nasisilaw sila kaya napatakip na lamang ito ng mga kamay.
Kumilos si Mang Cayen upang kunin sana ito pero hindi siya makaalis at tila mayroong pumipigil sa kinatatayuan nila.
"Cain,anak ano nangyayari?"
"Maayos ka lang ba?!"
Tanong ng dalawa habang nakatingin ito sa nakalutang si Cain.
Napuno ang enerhiya sa power stone ni Cain at oras na para pakawalan ito.
"Aaaahhh!!"
Sigaw ni Cain dahil sumabog na tuluyan ang kanyang power stone.
At nagkaroon ng maraming bituin sa paligid ng kanyang puso.
Hindi mabilang ang bituin na ito dahil sa sobrang liit.
Dahil dito ay dumaloy na ang lahat ang mga enerhiya sa ugat ni Cain at nabuksan na ang kanyang kapangyarihan.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon