Chapter 20.

436 96 6
                                    

Sa Blueberry Village ay medyo humupa na ang tensyon.
Subalit ang mga hukbong sandatahan at mga kawal ng gobernador ay nasa labas at hinihintay na lamang nila ang kanilang pinuno.
Hindi naman sila gumawa ng mga hakbang dahil sa hindi sila natatakot kundi ay walang hudyat ang nakakataas sa knila.
Nakikita parin nila ang dalawang ordinaryong bantay sa malaking tarangkahan na kasalukuyang sarado pa ito.
Higit kumulang isang oras na sa loob ang kanilang pinuno pero walang senyales ang kanilang paglabas.
Nag aalala din sila baka mayroong di magandang nangyari sa loob.
Lalo't nakita nilang lahat ang isang binata na sobrang lakas nito.
Pero kahit sila ay mababang cultivator hindi parin nila matukoy kung ano ang antas ng lakas ng binatang nagpakita sa kanila ng kakaibang kakayahan.

Sumapit ang isang oras ay nakahinga ang lahat ay bumukas na rin sa wakas ang malaking tarangkahan ng Blueberry Village.
Unang lumabas ang pinuno ng gobernador na sinundan naman nitong tatlong cultivator at kasama ang pinuno ng hukbong sandatahan.
At ayon sa mga hitsura nila at tila bigo at hindi maipinta ang mga mukha nito.
Gayunpaman ay walang sinumang nangahas upang alamin kung ano ang nangyari sa loob.
Naunang umalis ang mga kawal ng gobernador at mabilis nila pinatakbo ang sinasakyan nilang kabayo.
Agad naman sumampa sa kanilang mga kabayo ang tatlong cultivator at ang pinuno ng hukbong sandatahan.
Walang kibong pinatakbo ang kabayo na sumunod naman ang mga kasama nito.
Hindi na sila nagsayang ng oras at nilisan ang Blueberry Village.
Nakaalis sila ng maaayos at walang pinsalang natamo kundi ang isang impormasyon na nakakagulat sa kanila.
Impormasyong masyadong maselan at ito ay kailangan ng pag iingat.

Samantala sa loob ng bulwagan na kung saan ay tahimik ang apat na naroon at walang kibo.
Ang ama at ina ni Cain at kasama ang kanilang Lolo Ben.
Binasag ni Cain ang katahimikan.
"Ama,hindi ko maiintindihan kung ano ang nais mo ipahiwatig sa iyong sinabi sa kanila!"
"Anung bagay iyon at tila ba nagulantang sila sa kanilang narinig!"
Ito ang tanong ni Cain sa kanyang ama habang katabi naman nito ang kanyang Ina.
Napabuntunghininga na lamang ang ama ni Cain ay oras na siguro upang malaman ang buong katotohanan na matagal na nalimot at inilihim nila sa mahabang panahon.
"Cain anak,,masaya kami ng iyong Ina dahil biniyayaan kami ng isang batang mabait at ngayon ay isa ng ganap na binata!"
"Responsible at higit sa lahat ay matulungin sa kapwa!"
"Wala na kaming mahihiling pa sa simula at sa huli!"
"Mas lalo kaming nagkaroon ng pag asa dahil sa iyong kakayahan subalit ito din ang magdadala sa iyo ng maraming pagsubok sa hinaharap!"
"At para sa iyong kaalaman, kami ng iyong ina ay nagmula sa kaharian ng Majiha!"
"Nilisan namin ang kahariang iyon dahil sa magiging banta ito ng aming buhay!"
"Noon ay isa lamang akong kawal ng kaharian at umibig sa iyong ina na isang anak ng Reyna at Hari!"
"Palihim kami nagtatagpo sa tagong lugar upang malaya namin ipadama ang aming pagmamahalan!"
"Gayunpaman sa hindi sinasadyang pangyayari ay nagkasakit ang inang Reyna at amang Hari sa di malamang dahilan at sakit!"
"Sa mga panahong taliwas at walang eksperto sa panggagamot ang mga nilalang noon."
"Ang iyong Ina ay mayroong bunsong kapatid na babae at masyado silang malapit sa isat isa!"
Naudlot ang salaysay ng kanyang ama dahil ang kanyang Ina ang nagpatuloy nito.

Ipinagpatuloy ng kanyang Ina ang salaysay sa mga nakaraan at taimtim na nakikinig sina Cain at Lolo Ben.
Sa salaysay ng kanyang ina ay sinubukan nito gamutin ang kanyang mga magulang dahil ang kanyang Ina ay isang healer.
Naniniwala ang lahat na kayang gamutin ito ng kanyang ina.
Subalit imbis na gumaling ito ay lalong lumala ang sitwasyong ng kanyang inang Reyna at amang Hari.
Mayroong bumulwak na dugo sa bibig ng kanyang mga magulang habang ginagamot ito ng kanyang ina.
Mayroong puting liwanag sa palad ng kanyang ina at nakaramdam ito ng panghihina dahil sa ginamit nitong enerhiya.
Sa panahong nasa sampung taong gulang pa lamang ang kapatid ng kanyang ina.
Marami ang naroon sa silid at nakita nila kung paano namatay ang Hari at Reyna sa kamay ng kanyang ina.
Dahil dito ay inakusahan ang kanyang Ina ng pagkitil nito sa sariling mga magulang.
Ikinulong siya nito.
Dahil isang kawal ang kanyang ama ay madali lamang niya mailigtas at mailayo ang kanyang Ina na kasalukuyan ding magdadalantao ito sa kanya.
Lalo sila nagkagulo sa kaharian dahil sa pagkawala ng prinsesa at ito nga ang kanyang ina.
At hanggang sa napadpad sila sa maliit na village sa kaharian ng Alkamia at doon namuhay sa loob ng mahabang panahon.

Sa nakalipas na mga panahon ay tila nalimot na ang buong pangyayari pero kapalit naman nito ang isang pinatibay na batas sa lahat ng kaharian na walang sinumang healer ang mabubuhay at ito ay pinalaganap buong kontinente.
At habang tumatagal ay nalimutan na nila ang pangyayari at pagkawala ng prinsesa.
Itinatak nila sa kanilang isipan na ito ay marahil namatay na.
At napagalaman ng kanyang ina na ang kanyang amang Hari at inang Reyna ay nalason ito ng kinaing prutas na hindi alam ng lahat kung ano ito.
Dahil sa kulang sa kaalaman at kakayahan ay hindi nila nasagip ang hari at reyna at sinisisi ito sa kanyang Ina.
Kaya dito nagsimula ang lahat at hanggang sa kasalukuyan ay sinusunod nila ito na mapahanggang ngayon ay maraming dugo ang dumanak saang panig ng kaharian.
Mga inosenteng walang kakayahang lumaban ay inalisan ng karapatan na mabuhay at maging malaya.

Sa loob ng mahabang panahon ay itinago ng kanyang mga magulang ang naging dahilan ng lahat.
Parehong mga healer ang kanyang ama at ina pero inilihim nila ito sa mata ng mga tao.
Dahil manganganib ang kanilang buhay kapag nalaman ito ng lahat.
At kasalukuyang namumuno sa kaharian ng Majiha ay ang kapatid ng kanyang ina.
At sa mahabang panahon ay hindi sila nagkita nito.
Lumayo at tumakas ang kanyang Ina at ama upang iligtas ang kanilang mga sarili.
Ngayon ay naramdaman ni Cain ang komplikadong sitwasyon.
At ang mga bagay na ito ay hindi basta basta mapawalang bisa dahil sa umiiral na ito sa buong kontinente.
At sakaling gagawa man ng hakbang o plano si Cain mahihirapan siyang kumbinsihin ang mga tao upang pumanig sa kanyang layunin.
Mahirap dahil isa itong hakbang bilang isang rebelyon sa bawat kaharian.
Higit sa lahat hindi isa kundi ang lahat na kaharian at mga taong naniniwala ay magiging kalaban niya sa hinaharap.
At ang tanging paraan lamang ay magpalakas siya at hubugin ang mga taong maniwala sa kanyang mga hangarin.
At isa na ang Blueberry Village.
Palakasin niya ito at turuan ang mga taong naninirahan dito.
Mga kabataang mayroong potensyal na maging isang adventurer o cultivator.
Ito ang kanyang unang hakbang para sa mga plano niya.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon