Ang pagbabago ay nangyari na.
Nagbago ang buong Frost Forest na isa ng nakakatakot na lugar sa buong kaharian ng Alkamia.
Nasaksihan ito ng lahat at labis sila nag aalala sa mga nangyari.
Ang pangyayaring ito ay lumaganap sa karatig kaharian.
Lalong lalo sa kaharian ng Majiha.
Marami ang komento ng bawat mamamayan sa bawat kaharian.
At natatakot sila sa magiging epekto nito.
Kung sila ay natatakot sa nangyari,mas lalong ang Aleman Village ang labis na naapektuhan dahil malapit lamang ito sa kanila.
Ang pangyayaring ito ay naghatid ng takot sa bawat pamilyang nakatira dito.
Marami ang nagpasyang lisanin nila ang kinalakhan nilang village at maghanap na lamang ng mas ligtas na lugar.
Ang desisyon ito ay pinaboran ng lahat at walang magawa ang kanilang Chief Village.Samantala sa loob parin ng kuweba sa Frost Forest ay nasa higaan si Cain at wala paring malay.
Nag aalala ang kanyang mga magulang sa nangyayari sa kanilang anak.
Nagkaroon ng pagbabago sa antas na lakas nito matapos tanggapin ng kanyang katawan ang buong kapangyarihan ni Lolo Jose.
Sa nangyari naman ni Lolo Jose ay tuluyan na naglaho ang katawan nito at kahit enerhiya o awra ay hindi nila ito naramdaman.
Naging palaisipan sa kanila ang mundong Galaxia.
Hindi nila alam kung saang panig ito ng kalawakan.
Wala silang kakayahang alamin ito dahil limitado lamang ang kaalaman nila.
Kung ang dating nasa Profound Rank level 9 si Cain ngayon ay naramdaman nila ang awrang bilang isang Sky Rank level 1.
Sa edad nito ay kagulat gulat pag nalaman ito ng lahat.
Hindi na rin nila naramdaman ang pagiging healer nito at tila may kung anong pumigil dito upang malaman ng lahat
Isa itong magandang balita sa kanila at malaya silang makapaglakbay na walang pipigil sa kanila.At sumapit ang tamang oras upang lumabas ng Frost Forest ang pamilyang Matte.
Sa kanilang paglabas sa kuweba ay ito ang nadatnan nila mas lalo nilang ikinagulat sa nakita nila.
Ang dating maberdeng kagubatan at mayroong malamig na temperatura ay maladisyerto at halos patay na Ang mga punong kahoy.
Binabalutan din ng kakaibang hamog ang buong lugar.
Hindi nila alam kung ano ang nangyari dahil parang kailan lang ay nasa maayos pa ang mga ito .
Pero ngayon ay tila isa ng patay na lugar na hindi maganda sa paningin nila.
Hindi na nagsayang ng oras ang tatlo at agad umalis.
Lumingon muna sa sa kuwebang naging silbi nilang tahanan sa loob ng mahabang panahon.
Hindi sila nakaramdam ng kahit anung takot dahil sa anyo ng kagubatang ito.
Binaybay nila ang daan palabas ng gubat na kung saan ang una nilang pupuntahan ang dati nilang bahay.Nakalabas na ng gubat ang tatlo habang kasama nito si Pula at tanaw nila ang berdeng mga damo sa labas at punong kahoy.
Halos matakpan na ang bukana ng gubat sa nagtataasang mga damo.
Sa loob ng sampung taon ay ganito na ang bumungad sa kanila.
Ang kanilang dating tahanan ay mistulang naging gubat na ito dahil tinubuan na ng mga damo at ilang punong kahoy ang buong paligid.
Nabulok at nasira na ang kanilang tahanan.
Nalungkot sila sa kanilang nakita.
Ang tahanan na nabuo ang pamilya nila at mga masasayang alaala.
Hindi sila nagtagal at patungo naman sila sa ibang bahagi ng Aleman Village.
Hindi rin nagtagal at narating nila ito.
Pero sa pagdating nila ay parehong itsura din kagaya sa tahanan nila.
Nagmistula gubat na rin ito at halos sira ang mga kabahayan.
"Ano ang nangyari?"
"Nasaan na ang mga nakatira dito!"
Ito lamang ang katanungan na lumabas sa kanilang bibig.
Maraming pagtataka at katanungan sa kanilang natuklasan.
Hindi na sila nagtagal sa lugar na ito at palabas na sila ng Aleman Village.
Nilingon muna nila ito at itinuloy ang paglalakad.Ang pamilyang Matte ay narating ang siyudad ng Delano na sakop ng kaharian ng Alkamia.
Maingay dahil sa maraming mga tao sa buong lugar.
Medyo nanibago sila sa kanilang nakita marahil ay hindi sila sanay tanawing nakikita nila.
Nakiumpok sila sa maraming tao sa siyudad.
Mga nagtataasang gusali,kainan,mga ibat ibang nagtitinda sa daan.
Nabusog si Cain sa mga nakikita niyang bago sa paningin nila.
Tinahak ng tatlo palabas ng Delano.
Hindi na nila mahanap ang kapwa nila villager dahil sa loob ng sampung taon marahil ay nasa ibang lugar na ito.
Narating nila ang lugar at iilan lamang ang mga kabahayan na nakatayo dito.
Hindi nila alam kung ano ang pangalan ng lugar na ito sa labas ng Delano.
Agad sila kumuha ng karwahe upang maglakbay patungo sa ibang kaharian.
At kaharian ng Haram ang destinasyon nila dahil ang kahariang ito ay malaya ang mga mamamayan.
Ito ang impormasyon na nalaman nila.Ang kaharian ng Haram ay ilang milya ang layo nito mula sa kaharian ng Alkamia.
Hindi rin naging madali ang kanilang paglalakbay dahil una hindi mawawala ang kinatatakutan ng lahat sa tuwing naglalakbay gaya ng mga mangangalakal.
Bukod sa mga bandido at assassin,hindi sila maaaring di dumaan sa kagubatan upang malagpasan nila ang kanilang pupuntahan.
Isa rin ang gubat sa iniiwasan ng lahat dahil dito rin nagtatago ang mga bandido at vicious beast na naninirahan dito.
Nadaanan nila ang isang malawak na kapatagan.
Sa sobrang lawak nito ay wala kang makikitang mga bundok kundi mga halamang tumutubo dito.
Isa itong tahimik na lugar na pwedeng magpalipas ng gabi kapag inabot ka ng ganitong oras.
Itinuloy parin nil ang paglalakbay upang marating ang mas malapit na village ng kaharian ng Haram.Ang paglalakbay ng pamilyang Matte ay inabot halos ng isang buwan, dalawang buwan at sa loob ng dalawang buwan ay narating narin nila ang pinakamalapit na village.
Ito ang Akossoho Village.
Medyo malawak ang nasasakupang lupain ng village na ito.
Nakarating sila ng maayos na walang aberyang nangyari sa daan.
Nagpasalamat din sila sa màmang kutsero dahil hindi ito nagpabaya sa kanilang paglalakbay.
Pumayag ito sa serbisyong ibinigay bastat nasa tamang presyo ang kanilang pinag usapan.
Natanaw na nila ang isang hindi kataasan na tarangkahan ng Akossoho Village at mayroong dalawang bantay dito na may nakasukbit na sandata sa tagiliran nila.
Tumigil sila sa tapat na tarangkahan at ipinaalam ng màmang kutsero na kung maaari ay makadaan sila patungo sa isang bayan o siyudad.
Hindi muna sila pinapasok at pinahintay sila para kausapin ang kanilang pinuno.
Pumayag naman sila.Ang Akossoho Village ay hindi rin masasabing maunlad na lugar pero mas nakakaangat sila karatig villager dahil sa pangunahing pamumuhay nila.
Isa na dito ang malawak na lupaing sinasaka na kung saan mas binigyan nila ng importansya ang pagtatanim ng malawak na palayan,mga prutas at mga gulay na sa kanila lamang makikita.
Dahil dito ang karatig siyudad at bayan ay dumadayo pa dito upang umangkat ng produkto.
Dito sila eksperto sa ganitong gawain.
Ang pagpapalago at pagpapaunlad ng pangunahing pamumuhay nila.
Hindi lang dito sila magaling dahil bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng ibat ibang uri ng kakayahan at kapangyarihan.
Subalit hindi malakas gaya sa inaasahan ng lahat.
Sapat na ito upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Isa na dito ang pinuno nila na isang Platinum Rank gaya sa ranggo ng mga magulang ni Cain.Sa ilang minutong paghihintay ng tatlo sa wakas ay dumating na rin ang pinuno ng Akossoho Village.
Hindi akalain ng tatlo na pinuno ay isang matanda pero nasa katanghaliang edad ito.
At base sa edad ay hindi sila magkakalayo sa edad ng mga magulang ni Cain.
Sinalubong sila nito at tinanong kung ano ang pakay nila.
"Mga manlalakbay,maligayang pagdating sa aming lugar,naway komportable kayo dito!"
Ito ang pahayag nito sa amin tatlo.
Isa siyang platinum rank level 1 pa lamang at ang mga bantay nito ay nasa silver rank lang.
"Ako si Simon Augusto,at ako ang namumuno dito sa village namin, marapatin po sana kung ano ang inyong pakay sa lugar namin at tila galing kayo sa malayong paglalakbay?"
Ito ang tanong sa aming tatlo.
Sinagot naman ito ni ama habang si Ina ay katabi ko.
Nakamasid lamang sa amin si màmang kutsero.
Ipinaliwanag ni ama na kung maaari ay makadaan sila sa lugar nila patungo sa isang siyudad.
Dahil ito lamang ang bukod tanging lugar upang makarating sa pakay nila.

BINABASA MO ANG
Divinely Healer
AventuraGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...