Chapter 7.

482 100 9
                                    

Ang artifact na kung saan ay makikita ang kakaibang mundo at ito nga ay ang Dimensions of Immortal God.
Ito ay taglay na ng batang Cain mula ng magkaroon siya ng kakayahan.
Hindi niya ito mapapansin dahil nakaukit ito sa kanyang kanang dibdib upang mag iwan ito ng isang marka.
Ang markang ito ay hugis tatsulok na wala ng kakaibang desinyo.
Sa oras na may sapat ma lakas si Cain ay saka niya ito makontrol upang siya mismo papasok sa loob nito.
Sa ngayon ay kailangan niyang magpalakas dahil sa masyado pa siyang bata.
Kailangan pa rin niya ng gabay ng isang magulang.
Marami pa siyang malalaman sa mundong kanyang ginagalawan.

Ang artifact na taglay ni Cain sa ngayon ay ito ang isa sa limang makapangyarihang artifact na matagal ng naglaho at hanggang sa kasalukuyan ay hinahanap ito ng bawat immortal upang mapasakamay nila ito.
Sa kadahilanang maraming kayamanan ang nakapaloob dito at higit sa lahat ay kapangyarihan.
Marami ng henerasyon ang lumipas at dumaan lahat ay nagbago.
Pero ang paghahanap sa bawat artifact ay hindi nagbabago dahil hanggang ngayon ay marami ang umaasam na matuklasan nila at makuha ito saan mang panig ng mundo.
At isa na rito ang artifact na taglay ni Cain.
Sa ngayon ay wala pang kakayahan upang makontrol ito ni Cain bagamat narating niya ang lugar na ito ayon sa kanyang kamalayan.

Walang kamalay malay si Cain na mayroong nilalang na patuloy siyang sinusubaybayan ang bawat kilos niya.
Nasa loob na ng butas si Cain at puro kadiliman ang bumungad sa kanya.
Wala siyang ideya kung ano ang nasa loob ng bilog na butas ng bundok na ito.
Ilang minuto ang lumipas ay nasanay ang kanyang paningin sa kadiliman at ito ang kanyang napansin.
Wala siyang naaninag na ano mang liwanag pero ang kanyang mata at kasinglinaw sa paningin ng isang pusa.
Kasabihan nga ika ang pusa ay matalas ang paningin sa kadiliman at ito ang kanyang naramdaman ngayon.
Malinaw niyang nakikita ang kabuuan kung ano ang meron sa loob ng butas na kanyang pinasukan.
Isa itong malawak na lugar na kung saan ay makikita ang ibat ibang klaseng bagay.
Ito ay ang kayamanan.
Ang kanyang paningin ay puro berde ang lahat na mga bagay.
Marahil siguro ito sa kanyang mata na may kakayahang makita ang kadiliman kaya naiiba ang bawat bagay na kanyang nakikita.

Sa labas naman ay patuloy na pinagmamasdan ng nilalang ang ginagawa ni Cain.
Kahit nasa labas siya ay alam niya kung ano ang nangyayari sa loob.
"Mmmm, natagpuan na niya ang kayamanang nakalaan sa kanya pero hindi pa ito ang sapat na oras upang makuha ang mataas na uri ng kayamanan!"
"Napakainosenteng bata!"
Gayunpaman ay nakatakda ang para sa iyo at darating ang araw ay ibayong gabay at pagsasanay ang kakailanganin upang maging malakas ka!"
Ito lamang ang kanyang nasabi sa sarili at sapat na ang kanyang nakikita sa ngayon.
Ilang saglit ay naglaho ang kanyang presensya at walang nakakaalam kung saan ito nagpunta.

Si Cain ay isang Classic Healer at Silver Rank level 2'.
Bukod pa roon ay nakuha niya ang ibat ibang kapangyarihan na hindi pa niya ito nagawang isanay.
Mayroon din siyang mga skills na hindi pa rin niya ito napag aralan upang sanayin.
Ito rin ay lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang.
Patuloy si Cain sa kanyang paglalakad at natanaw niya ang kumikislap na bagay na tila isa itong bundok sa pinakagitna ng malawak sa espasyo.
Ilang metro ang layo nito mula sa kanyang kinatatayuan ay natanaw ni Cain kung ano ang mga bagay na ito.
Ang nakita at natanaw ni Cain ay gabundok ng gintong pera.
Kumikinang ito at nagkikislapan.
Labis na namangha si Cain sa kanyang mga nakita.
Sa pagkahilig niya sa pagbabasa ng mga ilang mga libro sa tahanan nila ay alam niya kung ano ang bagay na ito na nasa kanyang harapan.
Ito ay mga gintong pera.

Sa kaharian ng Alkamia ay umiiral ang pera na maraming pag gagamitan nito gaya ng pambili,at pambayad.
Ang mababang uri ng pera dito ay ang tanso,pilak at ang ginto.
Ang isang libong tanso ay katumbas ng isang pirasong pilak.
Ang isang libong pilak naman ay katumbas ng isang pirasong ginto.
Pero itong nasa harapan ni Cain ay halos hindi mabilang na gintong pera ang narito.
May kataasang ang pinaglagyan ng gabundok na gintong pera.
Kaya umakyat si Cain dahil mayroon itong hagdanan na tila isang entablado dahil nasa gitna ito.
Sa kanyang pag apak sa unang balitang ay biglang nagkaroon ng mga liwanag sa buong lugar.
Ang bawat sulok ay mayroong mga nakasabit na ilaw at kusa itong umilaw.
Dalawang baitang lamang ang aapakan ni Cain upang makarating siya sa gabundok na gintong pera.
Nang makarating siya ay malinaw niyang nakikita ang itsura ng mga gintong pera at ito ay totoo.

Ang kayamanang nasa harapan ni Cain ay kahit sinumang makakita nito ay uusbong ang pagkaganid sa kanyang pagkatao.
Pero sa kalagayan ni Cain ay binalewala niya ito.
Nilibot niya ang kabuuang lugar
Bukod sa gabundok na gintong pera sa gitna ang bawat sulok naman ay mayroong mga patong patong ng mga bagay na maayos nakasalansan sa bawat lagayan.
Mapapansin din niya ang ilang librong maayos na nakalagay bawat isa.
Bukod pa rito sa ibang bahagi ay makikita din niya ang ilang botelya at magagandang hugis na garapon na hindi niya alam kung ano ang mga ito.
Ang mga botelya at garapon ay maayos na nakapatong sa lagayan nito na nasa kanang bahagi.
Sa kaliwang bahagi naman ay mga ibat ibang uri na armaments/sandata.
Maraming uri ng mga sandata ang umiiral sa ibat ibang bahagi ng kaharian subalit ang mga narito ay kakaiba dahil sa mga nakikita ni Cain ito ay pambihirang sandata.
Marami na rin siyang alam tungkol sa mga uri ng sandata dahil nakikita at nababasa niya ito sa libro sa kanilang tahanan.

Malawak at misteryoso ang lugar na napasukan ni Cain.
Napaisip siya ng malalim kung saang lugar siya ngayon at parte pa rin ito ng kanyang panaginip.
Pasalampak siyang nakaupo sa pangalawang baitang at nangalumbaba.
"Hayss,nasaan ba ako at bakit maraming kayaman nandito?"
"Isa ba itong ilusyon?"
Ito ang tanong niya sa kanyang isipan habang nilibot ang paningin sa buong lugar na ito.
Sa kanyang paglibot ng tingin at nahagip niya isang metro ang layo mula sa kanyang harapan.
Napansin niya ang kumikislap at kumikinang na bagay na para itong isang malakas ng salamin.
Tumayo siya at humakbang patungo sa nakita niya.
Nang nasa harapan na ito ay napagtanto niya na isa itong barrier/shield.
Hindi niya makikita kung ano ang nasa loob nito.
Dahil sa kanyang kuryusidad ay hinawakan niya ito.
Bigla na lang.
"Wwwooossshhh,bang!!"
Tumalsik si Cain ng ilang metro ang layo at sumadasad sa lupa ang kanyang katawan.
Dahil sa kanyang pagbagsak ay nagkaroon siya ng kaunting galos.

Mula sa di kalayuan ay naramdaman nito ang pagyanig ng barrier/shield.
Ibig sabihin nito ay mayroong nilalang na nagtangkang pasukin ito pero hindi nagtagumpay.
Ito ang matandang nilalang na patuloy sumusubaybay kay Cain.
"Mmmm,matalas ang iyong pandama pero hindi pa sapat upang malaman mo ang nakatagong sikreto na ito!"
"Magpalakas ka pa bata!"
Ito lamang ang kanyang nasambit sa isipan at napahawak lamang ito sa kanyang baba.
Sa nangyari kay Cain ay isa lamang itong pagsubok.
Pagsubok at pagtuklas sa mga ibang bagay na bago sa kanyang paningin.
Ang murang isipan niya ay hindi pa sapat upang malaman ang lahat lahat.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon