Chapter 14.

459 97 8
                                    

Lungsod ng Soddoma;

Malaki at maingay ang buong lugar ng makarating ang pamilyang Matte.
Hindi nila lubos akalain na ganito ang makikita nila sa lungsod na ito.
Bukod sa maingay ang buong lugar ay marami silang nakitang mga malalaking kabahayan, mga kainan,at mayroong ding mga gusali para sa gustong maging isang adventurer.
Makikita sa malaking karatula nito ang "Soddoma Adventurer Association ".
Wala pa silang sapat na impormasyon tungkol dito.
Ang kailangan nilang gawin sa ngayon ay maghanap hg bahay panuluyan.
Kailangan nila magplano kung paano mamuhay dito ng payapa dahil sa maraming naninirahan dito.
Alam nila na mayroong lugar dito na hindi gaanong matao at ito ang hahanapin nila at alamin kung mayroong lupain o bahay na pwede nilang bilhin.
Nang sa gayon ay makapagsimula sila ng bagong buhay.

Ang lungsod ng Soddoma ay pinanghahawakan ng isang gobernador at mga heneral naman ang nasa sandatahang hukbo.
Ang tungkol naman sa Soddoma Adventurer Association ay humihimok sila ng mga kabataan upang maging kasapi nila at palakasin ang kanilang organisasyon.
Malaki ang benepisyong makukuha kapag naging bahagi ka sa kanila.
Gayunpaman ay hindi ito masyadong kinagat ng mga kabataan dahil sa kakulangan din sila sa kaalaman kung paano nila ito palakasin.
Bukod sa walang paaralan na umiiral sa kahariang ito ay ganito na ang sistema nilang kinalakhan.
Ibat ibang uri ng mga tao ang namumuhay sa lugar na ito na kahit naging malaya ay sadyang hindi mabiro ang tadhana.
Hindi sa lahat ng oras at panahon ay payapa at tahimik ang isang lugar.
At sadyang hindi ito maiiwasan dahil kaakibat na ito sa buhay ng bawat nilalang.

Ang lakas ng isang gobernador sa lungsod na ito ay hindi isawalang bahala sapagkat siya ang kumakatawan sa buong lungsod na protektado ng mga nasa hukbo ng sandatahan.
Bukod pa dito ay siya din ang pinagkatiwalaan ng kasalukuyang Hari dahil sa lungsod na ito mismo ay nakatayo ang palasyo ng Haram.
Ito ang "Haram;The Great Palace".
Ang kasalukuyang antas na lakas ng Hari ay nasa Profound rank level 2 dahil kaaangat lang nitong nakaraan.
Samantala ang prinsipe naman sa edad na sampung taon ay isa na itong silver rank level 5.
Maraming mga silver at nasa gold rank lalo na ang mga kawani, hukbo at kahit mga taga silbi sa palasyo.
Ang lakas nila sa ibang kaharian ay masyadong malayo kung ikumpara.
Kaya sila ang isa sa apat na kahariang mahina na sinundan ito ng kaharian ng Alkamia.

Malawak ang lungsod ng Soddoma.
At ang pamilyang Matte ay naghahanap ng lugar upang maging permanenting nilang teritoryo.
Sa kanilang paglilibot na kahit maingay at magulo dahil bawat nadadaanan nila ay nagkalat ang mga nagtitinda sa bawat kalsada ng mga ibat ibang produkto.
Ang kainan ay halos napuno dahil sa maraming kumakain.
Mga bahay panuluyan ay walang bakante kaya halos ilang oras na rin sila naglalakad pero wala parin silang nakitang pwedeng maging lugar nila.
Nakarating sila sa isang lugar na masyadong tahimik at mangilan ilan lamang ang mga kabahayan.
Pero sa lungsod parin ito ng Soddoma.
Nakaramdam ng pagod ang tatlo kaya naman ay naisipan nila magpahinga sa isang malaking puno.
Sa harapan naman ng malaking puno ay malawak na mga talahiban at mayroong kabahayan silang nakikita pero hindi na ito magkadikit at ilang metro ang pagitan nito.
Hindi nila alam kung sakop pa ba ito ng lungsod ng Soddoma o hindi at tila papalabas ito ng lungsod.

Mabilis lumipas ang oras at nakapagpahinga na ng maayos sina Cain at ipinasya ng kanyang ama na ipagpatuloy ang paghahanap nila ng matutuluyan.
Sa kanilang paglalakad ay nahagip ng paningin nila ang isang di kalakihang gusali na halos sira na at marami ng tumutubong mga ligaw na halaman.
Nanghihinayang sila dahil sa mukhang matibay pa ito at napabayaan lang.
Napansin nila na mayroong paparating na karwahe at huminto ito sa harapan nila.
Hinarap sila nito at kinausap ang kanyang ama at ina.
"Mga Ginoo at Gng,mukhang mga dayo kayo sa lugar na ito?"
"Saan ba ang patungo ninyo at marahil ay galing pa kayo sa malayong lugar?"
Ito ang tanong nito sa kanila ng matanda na may ari ng karwahe.
Mukha lang din itong ordinaryo dahil sa kasuotan nito na kagaya nila.
Hindi rin nila naramdaman na isa itong adventurer dahil wala silang naramdamang kahit ano sa kanyang katauhan.
Sinabi ng kanyang ama kung ano ang pakay nila sa lugar na ito at agad naman nagbigay ng imbitasyon ang matandang kutsero na kung maaari sa doon sa kanilang tahanan magpalipas ng gabi dahil sa malapit naagtakipsilim.
Delikado daw sa lugar na ito pagsapit ng gabi at hindi nito sinabi kung ano ang dahilan.
Pinaunlakan naman nila ang paanyaya ng matanda.
Naramdaman naman nila na mabait ito.

Ang bahay ng matanda ay hindi gaanung malayo mula doon sa pinanggalingan nil kanina.
Ang gusaling halos abandonado na ito.
Matapos nila sumakay sa karwahe ay agad sumibad sila paalis.
Nagmamadali ang matanda at tila mayroon itong kinatatakutan.
Kaya naman ay napatingin ang tatlo sa isat isa.
Narating nila ang tahanan ng matanda at hindi ito gaanung kalakihan
Gawa sa matibay na kahoy at may nakikita silang tahanan pero malayo ang agwat sa isat isa.
Napapaligiran din ito ng mga ibat ibang punong kahoy.
Parang pakiramdam nila ay nasa isa parin silang village.
May nakikita din silang mga alagang hayop tulad ng tipikal na inaalagaan kagaya ng baboy,manok,kambing at aso na sumalubong sa kanila dahil tumatahol pa ito.
Agad nito dinamba ang matanda.
"Aw,aw,aw!!"
"Ha ha ha ,Bantay nagugutom ka na ba may pasalubong ako sayo!"
Habang inilabas nito ang isang supot na laman ng pagkain para sa kanyang alagang aso.
"Aw,aw,aw!!"
Tugon nman nito.
Masyado siya nawili kaya nakalimutan niya na mayroon pala siyang mga bisita.

Matapos maasikaso ang alaga nitong aso ay pumasok sila sa loob ng bahay.
Sa pagpasok nila ay maayos naman ito na mayroong dalawang kwarto at di kalakihang kusina at mga upuang pahaba na yari sa malapad na kahoy.
Pinaupo sila ng matanda pagkatapos ay ipinakilala nito ang kanyang sarili.
"Pagpasensyahan ninyo ang aking tahanan,ako lamang mag isa kaya wala tayong kasamang iba bukod sa inyo!"
"Tawagin nyo lang ako sa pangalang Mang Ben!"
Matapos nito ipinakilala ang kanyang sarili ay ipinakita sa tatlo ang magiging silid nila.
Malinis sa loob at mayroong katamtamang laki ng higaan para sa kanilang tatlo.
Pagkatapos ay nagpaalam si Mang Ben upang mag asikaso sa kusina.
Sumunod naman dito si Cain upang tulungan sana ang matanda pero sinaway siya nito at sabi ay kaya na niya ang mga gawain.
Medyo nahihiya si Cain dahil sa halos wala silang ginawa.

Mabilis lumipas ang oras ay naamoy nila ang halimuyak na niluluto ni Mang Ben sa kusina.
Nakaramdam ng gutom ang tatlo.
Pero ikinibalikat lamang nila ito.
Ilang sandali ay tinawag ang tatlo upang magsimula na silang kumain.
Pinaupo sila nito at nanalangin muna ito bago sila kumain lahat.
"Sana ay nagustuhan ninyo ang niluto ko na manok,ito lamang ang makayanan ko!"
"Bihira lang ako magkaroon ng bisitang manlalakbay kaya isa itong malaking karangalan sa akin!"
Pagkatapos ay nagsimula na silang kumain.
Pigil ang kilos ng tatlo ay sinulyapan ni Cain ang kanyang ama at ina na nasa mabuti silang kalagayan at pinaintindi nito na walang lason ang kinakain nila.
Masarap magluto si Mang Ben dahil nalalasap nila ang lasa ng manok kahit sinabawan lamang ito.
Natuwa naman dahil nagustuhan ng tatlo ang kanyang niluto.
Sinabihan pa ito na kumain lang sila.

Naging maganda ang pakikitungo sa kanila ni Mang Ben at napag alaman nila na nasawi ang pamilya nito dahil sa isang dahilan.
Ayaw pa sana niya ito ikwento dahil naaalala niya ang sinapit ng kanyang asawa at dalawang anak nito.
Kasalukuyan nasa mahabang upuan ang apat at dito sila nag uusap pagkatapos nila kumain.
Naging interesado si Cain sa kwento ng buhay ni Mang Ben.
Ipinagpatuloy nito ang kanyang kwento at doon lamang nila nalaman na ang asawa nito at ang dalawang anak na lalaki ay parehong mga healer at tanging siya lamang ang naiiba dahil wala sa dugong mayroong siyang kapangyarihan.
Pinalaya siya ng mga hukbong sandatahan ay dito siya napadpad at namuhay ng mag isa.
Ikinuwento din nito na ang gusaling pinanggalingan ng tatlo ay doon halos pinatay ang mga libo libong healer na walang kalaban laban.
Kasama na doon ang asawa nito at ang dalawa nitong anak.
Simula noon ay ang lugar na iyon ay kinatatakutan ng lahat.
Pero sila ay walang naramdaman na kahit ano sa lugar na iyon.
Sa kwento ni Mang Ben ay mayroong nabuong plano si Cain at kailangan niya ito tuklasin.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon