Ang matandang bigla na lamang lumitaw sa harapan nina Cain ay ito ang tutulong sa kanila upang maresolba ang kinakaharap nilang panganib.
Bagamat medyo nagulat ang ama at ina ni Cain ay napanatag naman ang loob nila dahil sa kilala ito ng kanilang anak.
Hindi rin nila maramdaman ang totoong lakas ng matandang kaharap nila.
"Cain,dalhin mo ang iyong mga magulang sa Frost Forest!"
"Baybayin mo ang katimugang bahagi ng kagubatan at mayroong kayong makikitang kuweba doon!"
"Doon kayo magtago ng pansamantala at ako na bahala ang haharap sa mga taong pupunta sa inyong tahanan!"
"Magmadali dahil naramdaman ko ang maraming presensya na papunta dito!"
Ito ang paliwanag sa kanila ng matanda na kahit nabigla ay sinunod parin nila ito.Dumaan sila sa likurang bahagi ng kanilang tahanan at tinahak ng tatlo ang daan patungo sa Frost Forest kasama si Pula.
Ang alagang kuneho ni Cain.
Hindi na nila nagawang magpaalam at binilisan nila ang lakad patungo sa gubat.
Ang ama at ina naman ni Cain ay bahagyang kinakabahan dahil sa ngayon lang sila nakapasok sa gubat na ito na maraming mga kwento tungkol dito.
Hindi nila maisip na darating ang araw ay makapunta sila dito.
Walang kibo ang tatlo habang nilalakad ang daan papasok sa gubat.
Sa tahanan naman nila ay kasalukuyang mayroong ginawa ang matandang naiwan doon.
Ito ay gumawa siya ng isang ilusyon na sa paningin ng lahat ay normal lang ang lahat.
Sa ilusyon na ito ay makikita parin nila ang pamilyang ito.
Buhay,nakakilos ayon sa totoong sila.Ang maraming bilang ng mga tao patungo sa bawat tahanan ay ipinakita ang nakaguhit na larawan sa isang papel.
Maraming kabataan ang narito at halos napuntahan na nila ang bawat tahanan pero ay bigo sila.
At isa lang ang hindi nila nagalugad.
Ito ang pamilyang Matte na nakatira sa ilang kilometro ang layo mula sa kinaroroonan nila.
Ito ang huling pamilyang pupuntahan nila.
Kilala din nila ang pamilyang ito dahil sa masipag at lagi ito bumaba upang magbenta ng kanilang ikinabubuhay.
Alam din nila na mayroon ito anak na lalaki at tama lang ang edad nito ayon sa larawang nakaguhit.
Ipinagpatuloy nila ang lahat sa higit na sampung kalalakihan kasama ang Chief Village Elder.
Narating nila ang tahanan ng pamilyang Matte at nabungaran nila ang isang batang naglalaro sa bakuran kasama ang alaga nitong kuneho.
Lumapit sila dito upang tanungin kung nasaan ang mga magulang nito.Ang mga kalalakihan ay nasa loob ng bakuran ng pamilyang Matte.
Isang saglit ay lumabas ang isang lalaki at babae na agad naman nila nakilala.
Yumukod pa ang mga ito ng makita ang kanilang presensya.
Ipinakita nila ang larawang nakaguhit sa papel at ayon sa kanila ay hindi nila ito kilala.
Tinawag naman nila ang batang nilalaro ang alaga nito at pinalapit sa kanila.
Tinitigan nila ng mabuti ang itsura ng bata at hindi ito magkamukha sa larawang nakaguhit.
Humingi naman ng paumanhin ang chief village at sinabihan ang mga kasama nitong kalalakihan na bumalik sa patag.
Bigo sila makita ang batang nakaguhit sa larawan.
Marahil ay nasa ibang lugar ito at wala dito sa maliit nilang village.
Alam na rin ng lahat na sila ay isa lamang sa maliit na village at wala silang lakas upang makipagkompetinsya sa karatig nilang village.Ilang oras na rin ang lumipas at narating nina Cain ang kuwebang tinutukoy ng matanda.
Wala silang naramdamang ibang presensya o halimaw kahit noong naglalakad sila papasok sa gubat.
Kabaliktaran ito sa mga naririnig nila dahil bukod sa mayroong kalamigang temperatura ay maraming mga halamang gamot ang mapapakinabangan sa lugar na ito.
Pumasok ang tatlo sa loob ng kuweba at namangha sila sa kanilang nakita.
Dahil para sila nakarating sa ibang mundo.
Maganda ang loob ng kuweba na mayroong malawak na espasyo.
Makikita din ang ilang kagamitan na maayos na nakalagay sa kung saang sulok nito.
Parang isang tahanan ng mga mayayamang angkan ang nakatira dito.
Umupo ang tatlo sa isang mahabang upuan at patuloy minamasdan ang buong paligid.Mula sa di kalayuan ay simula ng umalis ang mga taong naghahanap kay Cain unti unting nawala din ang bisa ng ilusyong gawa ng matanda.
Nilagyan niya rin ito ng isang formation barrier upang protektahan ang tahanan na ito.
Isang saglit ay naglaho ang kanyang presensya.
Walang nakakaalam kung saan ito at bigla na lang naglaho.
Sa kanyang paglaho at lumitaw ito sa bukana ng kuweba na kung saan ay naroon sina Cain.
Sa loob ng kuweba ay naramdaman ni Cain ang presensya sa labas kaya agad siya lumabas upang malaman kung sino ito.
Mabilis ang kanyang hakbang patungo sa labas na ipinagtataka naman ng kanyang ina at ama.
"Tatang,ha ha ha nandito na po kayo!"
Bungad na salubong ni Cain sa matanda.
Natuwa naman ang matanda sa nakikita niya sa bata.
"Ha ha ha,bata mabuti at ligtas na kayo masaya akong nakikita kayong ligtas!"
Matapos nito sabihin ay napasulyap siya sa mga magulang nito na nakasunod pala sa bata.
Nasa labas sila ngayon ng tinuluyan niyang kuweba.Parang mayroong tensyon sa pagitan ng bawat isa ay binasag ito ni Cain.
Matalinong bata si Cain at madali makapagisip ng solusyon.
Napabaling siya sa kanyang likuran na kung saan ay naroon ang kanyang ama at ina.
Tumingin muna si Cain sa matanda at tumango ito.
Sa ganoong paraan ay naunawaan niya ito.
"Ama,Ina bago ang lahat ay ipakilala ko po sa inyo si tatang!"
"Siya po ang tinulungan ko dito sa Frost Forest dahil natagpuan po namin siya ni Pula na duguan at maraming sugat!"
"Pero mabait po siya!"
Ito ang paliwanag ni Cain sa kanyang mga magulang.
Naroon di si Pula sa gilid ni Cain dahil sumunod ito.
Tumango naman ang matanda.
"Ha ha ha,bibong bata tawagin mo lang akong Lolo Jose!"
Ito ang sabi sa kanila matapos ang pagpakilala nito sa kanyang sarili.
Niyaya na nito ang tatlo sa loob upang makapag usap sila ng maayos.
Pagkatapos ay sabay na sila pumasok sa loob ng kuweba.Samantala ay nakauwi na ang ilang kalalakihan kasama ang Chief Village pero hindi nila ito natagpuan.
Bigo silang makita ito.
Mula sa di kalayuan ay naroon si Aling Ditas ay nalaman niya sa kapwa niya kapitbahay na hindi natagpuan ang batang nakaguhit sa larawan.
Kaya nagtataka din siya kung paano ito nangyari.
Malinaw na anak ni mareng Maita ay nakaguhit sa larawan.
Sa kabila ng lahat ay masaya siya at hindi nila ito natagpuan marahil ay nagtago ang pamilyang ito.
Ang mahalaga ay ligtas sila.Sa loob ng kuweba ay isinalaysay ng lahat matanda na walang iba kundi si Lolo Jose.
Ipinaliwanag nito sa kanila kung paano nagkaroon ng kakaibang enerhiya at nabuksan ang kapangyarihan ng kanilang anak.
Isa siya sa tumulong upang magkaroon ito ng kakayahan.
Dahil na rin sa kakayahan ng kanilang anak ay hindi ito nakaligtas sa pandama ng bawat kaharian.
Sa lakas ng taglay nitong kapangyarihan ay ang magpabago sa pananaw ng bawat tao.
Bagamat bata pa si Cain ay hindi niya masyado mauunawaan ang ilan sa mga ipinaliwanag ni Lolo Jose sa kanyang ama at ina.
Naging komportable naman ang pamilya ni Cain sa piling ni Lolo Jose.
Napalagayang loob nila ito sa maikling panahon.
Hindi na nila naisipang bumalik sa kanilang tinutuluyan.
Paminsan minsan ay sumaglit ang ama ni Cain upang kunin ang mahahalagang kagamitan nila.
Hindi na rin sila natatakot lumabas sa kagubatan kagaya ng sabi ng iba.

BINABASA MO ANG
Divinely Healer
Phiêu lưuGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...