Sapat na ang pagpalitan ng usapin at naunawaan ito ni Simon Augusto.
Hinikayat sana niya ito na manatili muna sila kahit isang araw subalit tumanggi si ama.
Sinabi niya ito na kailangan sila makarating agad sa siyudad dahil mayroong nag aantay sa kanila.
Dahilan lamang ito ni ama para makaalis sila agad.
Wala namang nagawa si Simon Augusto at sinamahan sila nito papasok sa loob at itinuro ang daanang palabas sa Akossoho Village.
Sa kanilang pagpasok ay namangha sila sa nakikita nila.
Talagang maunlad ang village na ito at mayaman sa tanim.
Ang kanilang tahanan ay gawa sa matibay na kahoy at hindi ito basta masisira.
At ayon sa obserbasyon nila hindi gaano karami ang mga naninirahan dito at pawang mga kalalakihan ang nakikita nila sa paligid.Halos kalahating oras nila tinahak ang palabas sa village na ito at sa likod nito ay halos magubat na lugar ang nadatnan nila.
Kaya medyo nagtataka ang tatlo.
Kung pagmasdan ang likurang bahagi ng Akossoho Village ay malalaman na kagubatan pala ang nasa likod nito dahil sa natatakpan ito ng mataas na pader na gawa sa matibay na mga kahoy.
Hindi rin kataasan ang ang puno dito at mas maraming mga nagtataasang mga damo dito.
Mayroong maliit na daanan pero hindi din ito matatawag na kalsada dahil sa masyado itong maliit at malubak dahil sa putik kapag tag ulan.
Kaya kinausap na lamang nil ang màmang kutsero na hanggang dito na lamang sila.
Bago pa sila umalis ay ibinigay na nito ang kabuuang kabayaran sa pagserbisyo sa kanila.
Pumayag naman ito at agad nilisan ang Akossoho Village dahil malayo pa ang kanyang lalakbayin pabalik.
Hindi na rin nagtagal ang kanilang usapin at sinimulan nilang lakarin tatlo ang makipot na daanan patungo sa pinakamalapit na siyudad sa kaharian ng Haram.Mga ilang kilometro pa ang kailangan lakarin ng tatlo upang makarating sa nasabing siyudad.
Hindi rin nila alam kung anong siyudad ito dahil sa wala silang mapa na dala.
Isa itong mahirap na gawain nila.
Hindi nila alam kung ano ang kapalarang darating sa kanila.
Gayunpaman ay kailangan nlang mag ingat lalo't mga healer sila.
Kahit mga healer sila ay hindi matukoy o malaman ng iba dahil naselyuhan ito pero sa oras na kailangan nila itong gamitin ay kusa itong lalabas.
Malapit ng sumapit ang gabi pero nasa kalagitnaan pa rin sila ng kagubatan.
Wala naman silang naramdamang mga nilalang na nakatira dito.
Mga vicious beast ay hindi nil naramdaman tanging mga huni ng ibon at mga insektong pang gabi lamang.
Itinuloy nila ang paglalakad hanggang sa nakakita sila ng isang malaking puno na pwede nilang pahingahan.Nang masuri nila ang buong paligid ay inilabas ng kanyang ama ang gamit nila mula sa kanyang spatial bag.
Isa itong maliit na bag pero maaari paglagyan ng anumang bagay.
Marami man ito o hindi ay nagkasya ito sa loob dahil sa lawak ng espasyo nito.
Ang ganitong sistema ay umiiral kahit saang lugar na tanging mga ordinaryong angkan lamang ang mayroon nito.
Hindi gaya sa angkan na mataas ang estado sa buhay ay gumagamit sila ng magic space, spatial ring,at concealing ring.
Agad gumawa ang kanyang ama ng isang kubol matapos mailabas ang mga gamit mula sa spatial bag.
Tumulong na rin ang kanyang ina upang ayusin ang mga gamit.
Habang abala ang kanyang mga magulang ay pinakiramdaman ni Cain ang paligid dahil sasapit na ang gabi at delikado ang ganitong lugar.
Na sila lamang ang nandito sa gubat na ito.
Si Pula ay nasa loob ng isang spatial bag upang hindi ito mawala.
Mayroong nakaimbak na pagkain kaya hindi ito magugutom.Ang buong kagubatan ay sinakop na ng kadiliman.
Huni ng ibong pang gabi,mga insektong namumuhay sa ganitong lugar ay malayang gumagalaw dahil sa taglay nilang kakayahan.
Tahimik at malamig na simoy ng hangin ang bumalot sa paligid.
Hindi alintanan ng pamilyang Matte ang sobrang lamig n temperatura sa lugar na ito.
Sa loob ng kubol ay payapang natutulog ang tatlo habang mayroong ningas ng apoy sa labas na nagsilbing liwanag nito.
Mabilis lumipas ang oras at hanggang sa maghating gabi na.
Mahimbing ang tulog ng kanyang ina at ama ay bumangon si Cain upang lumabas.
Hindi siya lumikha ng anumang ingay para hindi magising ang kanyang mga magulang.
Humakbang siya palabas at nakita niya pa rin ang ningas ng apoy sa labas.
Sa kanyang paglabas ay naramdaman niya ang sobrang lamig sa paligid na nanunuot sa kanyang balat.Ang kadiliman na bumalot sa buong paligid ay kabaliktaran ito sa paningin ni Cain habang tumatagal.
Ang kanyang paningin ay naiiba sa lahat dahil kung ordinaryong nilalang ay makakapa sila sa dilim dahil wala silang nakikita n kahit anuman.
Pero para kay Cain ay malinaw niyang nakikita ang buong lugar pero ang bawat bagay na kanyang nakikita ay puro berde.
Kakaiba ito sa normal na kulay sa paligid.
Hindi niya ito inaasahan at ang insidenting ito ay parang nangyari na pero hindi niya ito maalala.
Humakbang siya upang ikutin ang paligid na kinatatayuan ng kanilang kubol.
Nang maramdaman niyang wala naman anumang kakaiba ay bumalik ulit ito sa kubol at pumasok sa loob.
Tumabi siya sa kanyang mga magulang para matulog na din.
Lumipas pa ang oras at payapang natutulog ang pamilyang Matte sa loob ng isang kagubatan.Samantala,doon pa rin sa malayong lugar na di maaabot ng sinumang nilalang ay muling nagkagulo ang lahat matapos ang ilang oras nilang paghihintay ay bakas sa mukha nila ang kasiyahan.
Sa lugar na ito ang isang oras ay katumbas ng isang araw sa mundo ng mga mortal.
At ito ang katotohanang nangyari simula ng pumanaw si Lolo Jose ilang taon na ang nakalipas.
Ilang buwan ang paghihintay nila at ngayon ay muling nagliwanag ang batong buhay.
Naglabas ito ng nakakasilaw na liwanag at lalo pa itong tumingkad ang puting liwanag nito.
Mabilis bumaba sa kanyang trono ang humaliling Hari ng mundong ito.
Ang Galaxia.
Lumapit siya sa batong buhay na kahit nakakasilaw ang liwanag nito ay hindi siya naapektuhan.
Mayroon pang isang lumapit at ito ang mensahero ng buong kaharian.
"Mahal na Hari,ang ibig sabihin nito ay maaaring buhay pa ang ating Mahal na Hari?"
"Pero sa nakikita natin ay mayroong kakaiba dito!"
"Sobrang lakas ng liwanag na buhay ang narito at ibig sabihin nito ay maaari kayang may bagong tagapagmana?"
Ito ang tanong ng mensahero habang ang mahal na Hari ay blangko ang isip.
Nalilito siya ngayon sa kanyang nakikita at naramdaman.
Maaaring patay na ang kanilang Mahal na Hari at mayroong tagapagmana nito.
Ito lamang ang nasa isipan niya ngayon.Ang mundo ng Galaxia ay maraming kaharian at ibat ibang uri ng mga nilalang na namumuno dito.
Umiiral din ang ilang kontinenteng pinaghaharian nila.
Gayunpaman kahit ang mundong ito na maituturing na malakas sa lahat ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng alitan hanggang sa nauwi ito sa digmaan.
Ang bawat isa ay mapagmataas dahil sa taglay nitong kakayahan simula pa lamang ipinanganak ito.
Umiiral sa kanila ang walang pakundangan na pagsakop sa bawat maliliit na teritoryo upang mapasakanila ang lupain hanggang sa mapalawak ang nasasakupang lugar.
Ang mga angkan na hindi sapat ang kakayahan upang protektahan ang mga sarili nila ay tumaka at magtago lamang sa lugar na alam nilang ligtas sila.
Ito ang pangyayari na kung saan ay napadpad si Lolo Jose sa lower realm dahil sa ganitong sistema.
Maliit pa lamang siya noon at namatay ang kanyang amang Hari at Reyna sa matinding digmaan sa pagitan ng immortal na kagaya nila.
Nakatakas siya sa mapait na pangyayari kahit sarili niyang magulang ay hindi niya kayang ipagtanggol dahil sa mahina siya ng mga panahong iyon.
Gayunpaman kahit nawala siya ng ilang libong taon ay umaasa ang lahat na babalik ito at muling pamunuan ang Galaxia.Ang Galsa Kingdom ang pinakamalakas at pinakamalaki na kaharian sa buong Galaxia.
Dahil sa malaking lupang nasasakupan nito ay marami ang gustong pabagsakin at sakupin ito pero sa huli ay bigo sila sa kabila ng lahat na napaslang nil ang dating namumuno dito.
Kahit nawala na ang dating hari at reyna ay hindi pa rin sila kayang pabagsakin at hanggang sa napagkasunduan ng lahat na magtalaga ng bagong haliling hari.
Ang pagpili sa maging Hari o Reyna ay hindi naging madali.
Isa na dito ang patunay dahil sa tinatawag na Bloodline,
Kailangan isandaang porsyento ang bloodline bilang isang maharlika upang maging pinuno.
Alam ng lahat na ang prinsipe ay nag iisa at pinatakas nila ito.
Simula noon ay wala silang balita o anumang impormasyon kung nasaan ito.
Hanggang sa nagkaroon ng pagbabago sa batong buhay at ito ang kanilang patunay.
Dalawa lang ang maaaring kahihinatnan ng kanilang paghihintay.
Maaaring patay na ang prinsipe o di kaya ay mayroon itong tagapagmana.
BINABASA MO ANG
Divinely Healer
AdventureGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...