Part 5.

488 112 13
                                    

Tuluyan na  nga nabuksan ang kapangyarihan ni Cain.
Isa itong malaking himala sa pamilyang Matte na lingid sa kanila ay walang power stone ang kanyang anak pero ngayon ay naramdaman nila na may malakas na enerhiya sa kaloob looban nito.
Hindi inaasahan na mangyayari ito sa kanilang anak.
Ang ikinabahala nila ay magiging pareho ang sasapitin ng kanilang sa kapalaran nila.
Gayunpaman ay masaya pa rin sila dahil sa nagkaroon na ito ng kakayahan upang protektahan ang sarili nito.

Ang mga bituin na makikita sa kaloob looban ni Cain ay nagliliwanag ito.
Pero isang kulay pulang bituin lamang ang nagkaroon ng matingkad na liwanag.
Kumikislap ito sa lahat ng mga bituin na maramdaman ang lakas ng enerhiya dito.
At isang saglit ay dumaloy ang pulang enerhiya mula sa bituin patungo sa mga kaugat ugatan ni Cain.
At isang tinig lamang ang kanyang narinig sa kanyang kamalayan.
"Ting!"

"You unlock and obtain this power;

_you become a divinely healer with different classification;

a, classic

b, intermediate

c,expert

d,and legends

"You become a strong mage with five major elements;

_fire

_air

_water

_earth

"Major other power_unlock!"

"Blacksmith_unlock!"

"Alchemist_unlock!"

"Formation _unlock!"

"Bestial tamer_unlock!"

"Summoner_unlock!"

"Now you obtain this kind of skills;!"

_Hollow earth barrier

_Whirlpool tornado

_Air blade

_Phoenix red fire

"Now you are Classic healer by using your natural ability."

"Now you are Silver Rank level 2,"

Ito ang mga tinig na kanyang narinig.
Hindi halos maiintindihan ni Cain ang mga impormasyong pumapasok sa utak niya.
Nananatili siya sa ganoong kalagayan.

Lumipas ang halos kalahating oras na sa ganoong posisyon si Cain ay unti unting naglaho ang liwanag na bumalot sa buong katawan niya.
Dahan dahan itong pababa sa kanyang higaan na agad naman ito sinalo ng kanyang ama.
Pinagmamasdan ang kanyang anak habang wala pa itong malay.
Lumapit din ang ina nito habang kandong ito ng kanyang ama.
"Cayen,ano ang nangyari sa ating anak?"
"Bakit mayroong mga liwanag at enerhiya tayong nakita at ngayon ay nararamdaman natin ang kanyang lakas sa loob ng katawan niya!"
Ito ang tanong ng kanyang ina na hindi maipaliwanag ang araramdaman sa mga oras na ito.
Napabuntunghinga hininga lamang si Mang Cayen sa kalagayan ng kanilang anak.
"Maita,kahit ako din ay hindi mapalagay sa ating nakita!"
"Alam natin na walang kahit anong taglay na kakayahan ang ating anak mula ng isinilang ito!"
"Pero ngayon ay naramdaman natin ang nag uumapaw nitong kapangyarihan sa kaloob looban!"
Naramdaman din natin na isa na siyang ganap na Healer!"
"Pero hindi ito basta healer lamang dahil mas mataas ang uri nito kaysa sa atin!"
Ito lamang ang nasabi nito habang tinitingnan nila ang munting anghel nila.
Marami ang mga posibleng pumapasok sa isipan nila.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon