Ang Dimension of Immortal God ay isang mundong mayroong kayamanan at tanawing hindi makikita sa ibang lugar.
Kakaiba din ang lugar na ito dahil sa nakapaloob ang makapal na enerhiya sa buong paligid.
Isa itong perpektong lugar upang magnilay at paangatin ang lakas bilang isang cultivator.
Simula ng narating ito ni Cain ay akala niya isa lamang itong panaginip.
Hindi dumating sa kanyang isipan na sa loob ng ilang taon ay nakontrol niya ito.
Nakayanan niya itong kontrolin dahil isa na siyang ganap na Skyrank level 1.
Mayroon na siyang kakayahang lumipad anuman ang kanyang gusto.
Gayunpaman ay inuunawa pa rin niya ang kakayahan sa ranggong ito.
Pumasok ulit si Cain sa isang maliit na butas na kung saan ay naroon ang mga kayamanan.
Malawak ang nasa loob nito kaya Malaya siyang makakilos ng maayos.
Matapos niyang makapasok sa loob ay wala namang nagbago dito ng huli niyang nakita.
Agad niya inilapag sa isang malawak na espasyo ang mga gamit upang makabuo siya ng kakaibang gamot.
Nakasalampak siyang nakaupo at seryosong inayos ang mga gamit gaya ng cauldron at mga sangkap.
Nang maayos na ang lahat ay itinuon niya ang kanyang enerhiya sa buong katawan niya at kinontrol ito.
Dumaloy ang mga enerhiya palabas sa kanyang palad at isang berdeng apoy ang lumabas sa palad nito.
Ito ang Alchemy Flame ni Cain.
Kinontrol parin niya ito at inisa isa niyang pinalutang papunta sa cauldron ang mga sangkap upang mabuo ang pills ayon sa kagustuhan niya.
Lumutang ang Blackberry root,Moist Herb,Flower Lilly at sinamahan niya ito ng emerald powder.
Matapos ay pinagsama sama ito sa isang lalagyan ay patungo ito sa cauldron.
Kinontrol nya parin ang apoy upang hindi ito masunog.
Humalo ang lahat na mga sangkap.
Naghintay siya ng ilang minuto upang mabuo ito.Isang mahalimuyak at mabangong amoy ang pumaalinlang sa buong paligid.
Naramdaman ni Cain ang awrang inilabas ng nabuo niyang gamot.
Mayroong sampung bilog na hugis ang lumulutang sa kanyang harapan at tila mayroon itong isip dahil ayaw nito magpahuli sa tingin kay Cain.
Tila isa itong mailap na hayop na ayaw magpahuli.
Pero kahit ganito ay mabilis sinambot ni Cain ito at agad ipinasok sa isang botelyang lalagyan.
Ang sampung bilog na hugis at kulay dilaw ito ay naglalabas ng awrang mayroong kalidad.
Ito ang kauna unahang pills na ginawa ni Cain.
Ito ang top tier pills na kung tawagin ay Breakthrough Healing Pills.
Ang kakayahan nito ay like linisin at alisin ang mga negatibong enerhiya sa loob ng katawan ng isang cultivator.
At higit sa lahat ay mabisa din ito upang mabuksan ang isandaang porsyento ng kanyang kakayahan at kapangyarihan.
Pagkatapos ay ito ang magiging daan upang mapataas ang antas ng lakas bilang cultivator.
Mabisa din ito sa ordinaryong nilalang na walang power stone at kaya nitong bigyan ng lunas upang magkaroon nito.
Malaking benepisyo ang makukuha sa pag gamit ng pills na ito.
Habang iniisip ito ni Cain ay isang ngiting tagumpay ang sumilay sa kanyang mukha.Matapos magawa ni Cain ang unang produkto niya ay sumilay sa kanyang mga labi ang ngiting tagumpay.
Naramdaman din niya ang pagbabago sa kanyang sarili.
Ito ang pag angat ng kanyang level bilang isang alchemist.
Hindi nagkaroon ng pagbabago ang isang alchemist hanggat di niya sinubukan na gumawa ng isang produkto kahit ito ay may angking kakayahan siya.
Ngayon ay nasa Apprentice Grade Alchemist si Cain.
Nalagpasan niya ang pagiging Learner Grade Alchemist, Beginner Grade Alchemist.
Ang bawat ranggo sa alchemist ay mayroong level na hanggang limang level at sa ngayon ay level 1 pa lamang si Cain bilang isang apprentice grade alchemist.
Hindi lang ang kanyang propesyon ang umangat maging ang kanyang antas ay tumaas din ng dalawang beses.
Ngayon ay isa na siyang Sky Rank level 4.
Galak sa puso ang pagbabago niya na hindi niya ito inaasahan.
Agad siya lumabas ng kanyang kwarto upang puntahan ang kanyang ina at ama na abala sa tungkulin nito bilang isang Chief Village.
Ang kanyang Ina naman ang nagtuturo sa mga kababaihan sa ibang bagay.
Sa loob ng maikling panahon ang buong Blueberry Village ay unti unting umuunlad dahil sa kanilang gabay at kaalaman.Sa ibang bahagi ng Blueberry Village ay makikita ang isang gusali na kung saan ay naroon ang maraming kabataan at pursigido itong matuto.
Halos nasa bilang na limampu na kabataan ang narito ang mababa ay nasa edad na sampu pataas.
Ang pinakamatanda naman sa kanila ay nasa labing walong taong gulang.
Si Cain ay isang labinglimang taong gulang ay ito ang nagsilbing guro ng mga kabataang ito.
Oo isa siya sa humimok sa kabataang ito upang matutunan ang angking nilang kakayahan.
Kakayahan para hindi ito masayang at kailangan ihasa.
Maraming paraan si Cain kung paano ito tururuan na ayon sa taglay nilang kakayahan.
Hindi niya ito pinipwersa upang hindi masira ang kondisyon at katawan nila.
Marami sa kanila ang hindi pa nagigising ang taglay nitong kapangyarihan at meron din na walang power stone kagaya niya dati.
Ibig sabihin nito ay isa lamang itong ordinaryong nilalang.
Hindi man kalakihan ang gusali ay sapat na ito para bilang ng mga kabataang narito.
At isa din si Lolo Ben ang inatasan upang bantayan ang mga ito sa Oras na wala si Cain.Sa isang bulwagan naman ay abala ang isang matikas na lalaki habang binabasa nito ang ulat ng kanyang nasasakupan.
Tungkol ito sa mga produktong maaari nilang ibenta sa lungsod.
Naging mabilis ang paglago ng kanilang lupain at maraming mga gukay at prutas ang pwede nilang ibenta sa mga mangangalakal.
Nagpadala din siya ng mga mensahe sa karatig lungsod at bayan.
Bukod pa dito ay ang bungad ng blueberry ay isa sa pangunahin nilang produkto.
Ang bunga ng blueberry ay marami ang magiging benepisyo nito.
Nakakalason ito kainin subalit mabisa ito sa mga alchemist upang magiging sangkap sa gagawin nilang gamot.
Halos kalahati sa kagubatan na may tumutubong blueberry ay sinakop nila.
Pero may mga bahaging masukal ay hindi pa nila ito sinakop sa kadahilanang masyado na itong malayo sa teritoryo nila.
Alam nila na pinamumugaran ito ng mga assassin at vicious beast.
Ang kalahating nasakop nila ay nilagyan nila ito ng mataas na pader at nilinis ang mga mataas na damo
Naging maganda ang resulta dahil tila isa itong pataniman dahil sa wala ng sagabal sa daanan.
Tanging mga puno ng blueberry ang nakatayo sa mga lupain.
Kahit ang mga punong kahoy na malalaki ay pinutol nila upang gawing troso at pang gamit sa bahay.Tinatamasa ng mga mamamayan ang tagumpay at hindi na sila naghihirap sa ngayon dahil sa bago nilang chief village.
Kung babalikan nila ang mga nakaraan na halos nahihirapan sila tustusan ang mga pangangailangan nila sa pang araw araw lalo na sa pagkain.
Ang kanilang lugar noon ay hindi gaanung asensado at higit sa lahat ay magubat ang parte ng bahay na kinatatayuan nila.
Higit sa lahat wala silang kaalaman sa pagtatanim ng gaya sa ginagawa nila ngayon.
Noon mayroon silang mangilan ilan na alagang hayop pero hindi ito sapat sa pangangailangan nila.
Ang kanilang mga anak ay walang sapat na kaalaman sa sarili nila dahil sa dito sila binigyan ng lupain na hindi nila akalain ay yayabong ito.
Mga ordinaryong mamamayan sila na magkakaiba sa mamamayan ng may sinasabi sa lipunan.
Pero ngayon ay malaki ang nagbago dahil sa pamilyang Matte.
Naramdaman nila ang lakas ng pamilyang ito sa higit pa sa inaasahan ng lahat.
At ang mga bagay na ito ay mabilis kumalat sa buong lungsod ng Soddoma at sa kaharian.
Pero hindi nila ito pinagtutuunan ng pansin kundi ang impormasyon tungkol sa kung saan nagsimula ang batas sa pagpaslang sa mga healer.
At ang kaharian ng Haram ay iniimbestigahan ang bagay na ito
Ito ang unang hakbang nila ang magpadala ng hukbo sa kaharian ng Majiha upang kumpirmahin ito.

BINABASA MO ANG
Divinely Healer
AventuraGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...