Chapter 19.

390 97 9
                                    

Habang magulo pa ang sitwasyon ay malayang makagalaw ang mamamayan ng Blueberry Village.
Mayroong harang sa harapan ng tarangkahan kaya ay nagkaroon sila ng pag asa na hindi manggulo ang maraming mga hukbo.
Labis sila namangha kay Cain dahil sa ginawa nito.
Ngayon lang nila nakita ang taglay nitong kakayahan.
Hindi nga ordinaryong pamilya ang pinanggalingan nito.
Noong una ay marami ang natakot dahil sa wala silang taglay na anumang kapangyarihan upang protektahan ang mga sarili nila.
Ngayon ay lubos sila nagpapasalamat sa pamilyang ito.
Ang mga hukbo ay hindi parin umalis sa harapan ng Blueberry Village.
Naghihintay sila ng pagkakataon kung paano makagawa ng paraan para masira ang harang.
Kahit ang tatlong cultivator ay nag iisip din ng paraan.
Ang harang na ito ay hindi basta basta
masisira at tila gawa ito ng isang formation array.
Hindi naman lingid sa kanila kung ano ang mga formation array.
Na tanging mga formation master at grandmaster ang makagawa nito.
Malinaw nilang naramdaman ang enerhiya mula sa malaking harang.

Nasa ganitong sitwasyon parin at halos kalahating oras na ang lumipas at tila ba walang susuko sa magkabilang panig.
Kahit si Cain ay nababagot na sa pangyayaring ito.
Ang mga hukbo sa harapan nila ay tila walang balak upang lisanin ang kanilang lugar.
Gayundin ang mga kawal ng gobernador.
Mula sa likuran ay nilapitan ni Cain ang kanyang ama at ina.
Maging si Lolo Ben ay lumapit na rin kay Cain.
"Ama,ano ang gagawin natin at tila walang balak umalis ang mga ito!"
"Ngayon ay malaking usapin ito sa buong lungsod ng Soddoma dahil sa pangyayaring ito!"
Ito ang pahayag ni Cain sa kanyang ama.
Naging komplikado ang sitwasyon.
At isa lang ang pumasok sa kanyang isipan na kahit ito ay maaaring magdulot ng delikadong sitwasyon.
Pero tiwala siya na walang mangyayaring hindi maganda.
At sinabi nito sa kanyang ama ang magiging plano niya.
Kahit nag aalangan ang kanyang ama ay pumayag ito.

Pagkatapos ng ilang minutong pag uusap sa pagitan ng kanyang ama ay muli siyang humakbang paharap sa harang at ikinumpas nito ang kanyang kamay at sa isang iglap ay naglaho ang harang sa harapan nila.
Ang buong hukbong sandatahan at ang mga kawal ng gobernador ay medyo nagulat din dahil sa biglaang tinanggal nito ang malaking harang sa harapan nila.
Sa ginawa ng binatang ito ay naguguluhan sila.
Nang matapos itong gawin ni Cain ay muli siyang humarap sa maraming hukbo at kawal na nasa likuran nito.
Pero ang mata nito ay hindi inaalis sa tatlong cultivator.
"Marahil ay nagtataka kayo kung bakit tinanggal ko ang harang?"
"Dahil masasayang ang oras ko at mayroong akong gustong mangyari na kailangan ninyong sundin at binibigyan k kayo ng pagkakataon upang pumasok sa loob ng aming village pero sa isang kondisyon!"
"Ang maaaring pumasok lamang sa loob ay ang pinuno ng hukbo at ang tatlong kasama nito!"
"Maiiwan ang mga tauhang hukbo sa labas!"
"Pinahihintulutan ko din ang pinuno ng kawal mula sa gobernador at huwag masyadong tsismoso dahil kanina pa kayo nakikinig at nakita nyo naman kung ano ang nangyari!"
"Ngayon pumapayag ba kayo sa aking kondisyon?"
Ito ang mariing pagpapaliwanag ni Cain sa kanilang lahat.
Ang kondisyong ito ay mayroong punto at pagkakataon din nila na malaman kung ano ang nasa loob nito.

Matapos ito ipaliwanag ni Cain sa marami ay maingay ang buong paligid.
Ilang sandali ay umabane ang apat.
Ang pinuno ng hukbong sandatahan at ang tatlong cultivator.
Hindi naman nagpahuli ang pinuno ng kawal mula sa gobernador.
Ang lima ay nasa harapan ni Cain.
Hinarap ng lima ang binata ay mas lalo sila naguguluhan dahil ang binatang ito ay masyado pang bata at sa tantya nila ay wala pa itong labingwalong gulang.
Pero paano na ito naging malakas.
Maging ang tatlong cultivator ay pinipilit nilang alamin ang antas na lakas nito pero hindi nila maramdaman at tila isa lamang itong ordinaryong tao.
Tiningnan ni Cain ang lima at tila tulala pa ito.
"Ano pa ang hinihintay ninyo?"
"Bago pa mag iba ang isip ko!"
"Sumunod kayo sa akin at mayroong akong mahalagang sasabihin!"
"Pero babala ko sa inyo,huwag kayong magkamaling gumawa ng di kanais nais sa aming teritoryo dahil kahit makatakas man kayo ay hahanapin ko kayo kahit saan man kayo magtago!"
Ito ang huling sinabi ni Cain sa Lima at humakbang na ito papasok sa loob.
Naiwang ang mga hukbong kasama nila pati ang mga kawal.
Sinusundan ni Cain ang kanyang ama at ina habang pinabalik naman ni Elder Ben ang mga mamamayan na bumalik sa kanilang tahanan.
Sinabihan nito na maayos ang lahat.

Ang lima ay nakarating sa isang malaking bahay na mayroong dalawang palapag.
Namangha sila sa bawat nakikita.
Ang dating walang kaayos ayos na lugar na kung saan ay maraming mga ligaw na damo at punong kahoy ngayon ay isang magandang kalsada o daan na nakakonekta sa bawat tahanan.
Bukod pa rito ay napapaligiran ito ng mga ibat ibang uri ng bulaklak.
Nasa harapan sila sa malaking bahay at mayroon din itong dalawang bantay sa may pintuan.
Naunang pumasok sa loob ang ama at ina ni Cain na sinundan naman ito ni Cain.
Sumunod naman sa kanya pumasok ang lima habang si Elder Ben ay nakasunod sa kanila.
Pagkapasok ng lima sa loob ay gayon na lamang ang kanilang paghanga dito
Dahil ang nasa loob ay isang bulwagan at magkahalintulad ito sa mga noble at aristocrat family.
Ang materyales,upuan at mga lamesa ay matibay sa kalidad nito.
Makikita sa unahan ang malaking upuan paharap sa labas na upuan ng pinuno ng village na ito.

Gulat at pagkamangha ay hindi mawawala sa itsura ng lima.
Ang bulwagang ito ay kakaiba at higit sa lahat mas malaki ito ng hamak kaysa sa bulwagan ng sandatang hukbo at gobernador.
Umakyat si Chief Village Cayen Matte at umupo ito sa kanyang pwestong upuan na katabi nito ang kanyang asawa na si Aling Maita Matte.
Nasa gilid naman ni si Cain at nasa likuran nito si Elder Ben.
Sa magkabilang gilid na upuan ay doon nila pinaupo ang punong kumandante at ang tatlong cultivator.
Sa kabila naman ang pinuno ng kawal mula sa gobernador.
Nang maayos na ang lahat ay saka nagsimula ng magsalita ang ama ni Cain.
Mayroong lamesang nakaharap sa bisita at may mga tagasilbi sa likuran nila.
Makikita din ang ilang inumin at pagkain sa harapan nila.
"Maraming salamat sa inyong naging desisyon, gayunpaman ay aking lilinawin sa inyong lahat na ang inyong pagparito ay walang magandang idudulot!"
"Gusto ko lang ipaalam sa inyo na ang mga naritong mamamayan ay isa lamang sa ordinaryong angkan!"
"Walang kakayahang manakit at lumaban!"
"Sapat na ang inyong nakita at nalaman at higit sa lahat walang sinuman sa inyo ang pwedeng kumuwestyon kung ano at paano nangyari sa lugar na ito!"
"Malaya naming paunlarin kung ano meron sa amin hanggat wala kaming inaapakan at dinadamay na ibang tao!"
"Isa pa gusto ko lang sa sabihin ang pagkondena at pagpaslang sa mga healer ay isang maling pamamaraan!"
Ilang libong taon na ito umiiral sa ibat ibang kaharian at ito ay kailangan wakasan!"
"Para sa inyong kaalaman ang pinag ugatan nito ay mula sa kaharian ng Majiha!"
"Nangyari ito sa hindi sinasadyang pangyayari!"
Ang pahayag at salaysay ng ama ni Cain ay lalong ikinagulat ng lahat kahit si Cain ay napatingin sa kanyang ama.
Ngayon lang niya ito nalaman at kung saan nagsimula ang ganitong sistema.
Sa nakarinig sa loob ng bulwagan ay hindi makapaniwala sa kanilang natuklasan.
Isa itong lihim na ngayon lang nalaman dahil sa  ibinunyag sa kanilang lahat.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon