Galsa Kingdom;
Makikita dito ang malawak na puting palasyo na kung saan dito makikita ang batong buhay sa gitna mismo ng isang malawak na bulwagan.
Ang bulwagang ito ay halos sampung libong tao ang maaaring magkasya dito sa loob.
Bukod dito ay bantay sarado ito ng mga kawal na halos kapantay ang ranggo nito kay Cain.
Kawal pa lamang ito pero ang antas ng lakas nito ay maikumpara na sa isang henyo at talentadong adventurer sa mundo ng lower realm
Ang planetang Obus na kung saan dito naninirahan ang mababang uri na nilalang kagaya ni Cain.
Nakatayo pa rin ang hari habang pinagmamasdan nito ang batong buhay at malalim pa rin ang iniisip nito.Nagliliwanag parin ito at ang liwanag na ito ay magkaiba sa liwanag na buhay ng dating hari.
Ibig sabihin ay mayroong posibilidad na espesyal ang katauhan ng tagapagmana.
Nawala ang kanyang iniisip ng bigla na lamang pumasok sa loob ang isang mensahero na patungkol sa kalawakan.
Sila ang gabay sa bawat bituin at planetang makikita sa kalawakan.
Sila ang nakakaalam kung mayroong paparating na panganib,magiging banta sa pagsakop at ang umiiral na nilalang na lilitaw saang sulok ng mundo.
Mabilis ito pumasok sa loob.
"Mahal na Hari,mayroong ipinaabot ang kagalang galang na Saint Priest !"
Matapos nito sabihin ay binigay nito sa Hari ang nakarolyong papel.
Yumukod muna ito bago umalis.Katahimikan ang namayani sa buong bulwagan at nasa kamay ng kanilang Mahal na Hari ang nakarolyong papel.
Bahagya niya itong binuklat at binasa kung ano ang nakasaad dito.
Ilang sandali ay naging seryoso ang mukha nito at sandali ay tiningnan niya muli ang papel upang masiguro kung tama ang nakasulat dito.
Ang katabi ng Mahal na Hari ay ang kanyang mensahero at napalingon siya dito.
Inabot nito ang nakarolyong papel upang malaman din nito kung ano ang nakapaloob dito.
Kinuha nito at binasa.
Makikita sa mata nito ang gulat at ang reaksyon nito ay tila nabigla.
Muntik pa niya mabitawan ang nakarolyong papel.
"Mahal na Hari,tama po ba ang nakasulat dito?"
"Hindi kaya nagkamali ang ating Saint Priest?"
Ito ang tanong nito sa mahal na Hari at agad naman ito sinagot ang kanyang katanungan.
"Hindi maaaring magkamali ang ating Saint Priest,dahil alam natin ang kanyang kakayahan at kapasidad na nagsasabi ito ng totoo!"
"Ngayon ay para makumpirma, kailangan magpaabot ka ng mensahe upang papauntahin dito ang ating Saint Priest!"
Ito ang sagot ng Mahal na Hari sa kanyang mensahero at agad ito umalis upang sunduin ang saint priest.Hindi mawala sa isipan ng Mahal na Hari ang nakasaad sa mensahe galing sa kanilang Saint Priest.
Ang Saint Priest ay mayroong kakayahan matukoy at malaman ang mga bagay sa nakaraan at sa hinaharap.
Sa lower realm ay Oracle/orakulo ang tawag sa ganitong nilalang.
Gusto niya makumpirma kung totoo ang paglitaw ng" Evernight Green Sacred Eyes!"
Alam nila ang bagay na ito at tanging mayroong Bloodline ng makapangyarihang immortal.
At ito ang kanyang tinataglay na kapangyarihan galing pa sa ninuno na pinasa pasa sa bawat henerasyon.
Nangyayari lang ito sa bawat libong taon ang magkaroon at maswerte ang mayroong tinataglay nito.
Dahil sa inip nito ay naipasya niyang lisanin ang bulwagan upang puntahan ang kanilang Saint Priest.
Mayroong siyang mga kasama at mayroon ding naiwan sa bulwagan upang subaybayan ang batong buhay.Nakarating sa mga oras na ito ang mensahero ng Hari at naabutan nito ang Saint Priest na tumitingala sa langit at mayroon itong tinitingnan.
Ang kinaroroonan ng Saint Priest ay mayroong pitong pillars na nakapaligid sa kanya at nasa gitna siya nito.
Sa gitna naman ay mayroong mababang bato na pabilog at makikita din ang isa pang bato na nakapatong dito.
Hindi ito ordinaryong bato lamang dahil nakakonekta ito sa bawat pillars
na mayroong liwanag bawat haligi at ang liwanag ay nakakonekta sa batong nasa gitna.
Taimtim parin ang tingin nito sa kawalan dahil kahit ang mensahero ay nakita din niya ang pagbabago sa liwanag sa bawat pillars at ito ay naging berdeng liwanag patungo sa gitna ng bato.
Nanlaki ang kanyang mata dahil mayroon siyang nakita sa batong nakakonekta sa pitong pillars.
Malinaw niya nakikita ang isang nilalang na nasa isang kagubatan.
Isa itong makisig na binata at mayroong maamong mukha.Ang senaryong ito ay naabutan ng kanilang Mahal na Hari.
Hindi nila ito naramdaman dahil sa nakatutok ang kanilang mata sa batong nasa gitna na tila isa itong salamin dahil malinaw nila nakikita ang nilalang sa loob.
Bahagya sila napaatras ng naramdaman na nila ang presensya ng Mahal na Hari sa kanilang likuran.
Tuloy ang paglakad ng Mahal na Hari sa gitna at nasa harapan ito ng bato na kung saan ay malinaw niyang nakikita ang isang nilalang sa kalagitnaan ng gabi.
Nakita din nito ang berdeng mata na kung tawagin ay Evernight Green Sacred Eyes.
Hindi siya makapaniwala sa loob ng libong taon ang nakalipas ay muli niya masilayang ang matang magbibigay ng pag asa sa kanilang lahat.
Nasilayan nila na mahimbing itong natutulog kasama ang dalawa pang nilalang .
Marahil ito ang kanyang mga magulang.
Ilang minuto ang lumipas ay bigla itong nawala sa paningin nila at mula sa kalawakan ay kumislap ang isang bilog na liwanag at lalo pa itong tumingkad.
Ngayon ay alam na nila kung nasaan ang nilalang na ito.
Ito ay sa planetang Obus na sa ilalim ito ng lower realm.
Dahil dito ay agad nakabuo ng isang plano ang mahal na Hari at ito ay sunduin ang kanilang tagapagmana.Sumapit ang umaga at ito ang panibagong yugto sa buhay ng pamilyang Matte.
Matapos nila magpalipas ng buong magdamag sa isang kagubatan at maayos ang kanilang kalagayan.
Wala naman anumang panganib at nakaalis sila ng walang nangyari.
Tinahak ng tatlo ang palabas sa kagubatan at sa ilang oras nilang paglalakbay ay nakarating sila sa isang di kalakihang village ulit
Isa itong patag na lugar at natanaw nila ang ilang gusali ilang metro ang layo nito.
Ipinagpatuloy nila ang kanilang paglalakad upang malaman kung anong lugar ito.
Natanaw nila ang isang di kalakihang taranghan na yari sa malalaking mga bato at napapaligiran ito ng mga tinik na kahoy sa pinakaitaas nito.
Mayroon ding dalawang bantay sa labas at kahit sa itaas ay mayroon din.
Nang makalapit sila ay saka nila nalaman na isa itong Marutha Village.
Wala silang gaanong impormasyon tungkol sa village na ito kaya minabuti nilang magtanong sa nakita nilang bantay.Ilang metro ang layo ay natanaw ng dalawang bantay at kahit sa itaas ay napansin din nila ito.
Tatlong nilalang ang papalapit sa kinaroroonan nila at ayon sa itsura nito ay mga manlalakbay ito.
Hindi man marungis ay mukhang isa lamang itong mga ordinaryong angkan.
Hinayaan lamang nila itong makapasok dahil sa lahat na mga mamamayan dito ay malaya hanggat hindi ito gumagawa ng ilalabag sa kanilang patakaran.
Nasa harap na ng tarangkahan sina Cain ay minabuti ng kanyang ama at ina na magtanong.
Hindi naman sila nawalan ng pag asa dahil sa mabait ang mga bantay.
"Mga ginoo,kami ay nanggaling sa malayong paglalakbay,maaari ba kaming magtanong kung saan namin matagpuan ang kaharian ng Haram?"
Ito ang tanong ng kanyang ama.
Habang nasa tabi ko naman si Ina.
Ang dalawang bantay na ito ay mga pawang Silver Rank level 5 lamang.
Hindi rin nakaramdam ng kung anong espesyal sa dalawa.Sa kanilang pagtatanong.
Ang kinaroroonan ngayon ay nasa silangang bahagi sil ng kahariang Haram at kailangan nil lakbayin ang kanlurang bahagi at doon nila matagpuan ang isang lungsod.
Ito ang Soddoma.
Ito ang pinakamalaking lungsod at dito din matagpuan ang palasyo ng Haram.
Ang Marutha Village ay isa parin sa bahagi ng Haram.
Subalit ito ay malayo sa lungsod na tinutukoy nila.
Nagbasakali ang tatlo kung paano makarating doon.
At sinabi sa kanila na kailangan nilang isang karwahe upang mabilis makarating sa nasabing lungsod.
Agad naman nila ito naunawaan at itinuro sa kanila ang daan kung paano makarating sa lungsod ng Soddoma.
Ang bawat kabahayan sa loob ng Marutha Village ay gawa lahat sa tipak ng mga malalaking bato.
Kakaiba ito sa nakikita nilang kabahayan na yari sa mga kahoy at dahon ang atip.
Ipinagpatuloy nila ang paglalakad at mayroong silang kasamang gabay palabas ng village na kung saan ay mayroong mga karwahe na nakaabang upang manguha ng mga manlalakbay o di kaya ay mga mangangalakal patungo sa lungsod.Naging madali lamang ang kanilang paglalakad sa loob ng Marutha Village dahil wala namang pumapansin sa kanila.
Ang bawat isa na narito ay abala sa kanilang mga gawain.
Tahimik at maayos ang buong kapaligiran.
Hindi maingay at malayang naglalaro ang mga bata sa daanan.
Hanggang sa matanaw nila ang labasan ng village.
Pagkatapos nito ay pinasalamatan nila ang gabay at binigyan ito ng isang gintong pera.
Sa una ay ayaw nitong tanggapin dahil sa sobrang malaki ito.
Pero nagpaumilit ang ama ni Cain.
Laking pasasalamat nito dahil sobra sobra na ito sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya.
Nang makaalis ito ay agad nakita ng tatlo ang maraming mga karwahe sa labas at tila nag aantay ito ng kanilang magiging pasahero.
Sadyang kakaiba ang lugar na ito at hindi kalauna'y marating din nila ang lungsod.
At doon nila punan ang panibangong buhay at mga pagsubok na darating.

BINABASA MO ANG
Divinely Healer
PertualanganGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...