Ang Forbidden of God Pillars ay isang lugar na hindi basta basta pasukin ng kahit sino.
Ito din ang lugar na kung saan ay gustong maangkin ng iba dahil sa kayamanan at kapangyarihan na nakapaloob dito.
Hindi madaling makuha ito dahil sa mga Array Formation.
Ang tanging may kakayahan upang mapasok ito ay ang mga formation master o di kaya ay malakas na cultivator na may angking kakayahan.
Ang Forbidden of God Pillars ay konektado ito sa isang nilalang na bukod tangi sa lahat.
At ito ang tagapagmana.
At ang isang tagapagmana ay nakapasok sa lugar na ito ay maramdaman ito ng lahat na mga nilalang kahit saang sulok ng mundo at dimensyon.
At ito din ang kinatatakutan ng kalaban nila sa pagbabalik ng tagapagmana ay wala ng maaaring pumigil pa dito.
Ang apat na haligi ng Forbidden of God Pillars ay mayroong mga batong kumikinang na hugis bilog.
Bawat bato ay magkaiba ang kulay .
Mayroong pula,berde,puti at kayumanggi na parang gaya sa balat ng tao.
Nararamdaman din ni Cain sa bawat haliging ito ay may kung anong pwersa o enerhiya sa loob nito.Sa ilang minuto ang pagmamasid ni Cain sa Forbidden of God Pillars ay nagdesisyon siya na pumasok dito sa loob na kung saan ay nasa gitna ang isang altar na may gintong kahon.
Nakikita din niya ang mga paandap andap na liwanag mula sa kahon at tila isa itong kidlat na parang promoprotekta dito.
Sa unang hakbang ni Cain ay nakaramdam siya ng panlalamig sa buong katawan niya.
Unang hakbang,pangalawa,pangatlo at sa pang apat ay tumigil siya.
Ganoon lamang kabilis ang kanyang pagpasok sa loob at tila walang nangyari sa kanya.
Kaya doon na siya nagtaka.
Napatigil siya dahil sa bilang bumulusok sa kanya ang apat na liwanag mula sa mga batong nakadikit sa haligi ng Forbidden of God Pillars.
Huli na niya itong naiwasan dahil sa sobrang bilis.
Tumagos ang apat na liwanag sa kaloob looban niya.
"Aaaaahhh!!!"
Sigaw ni Cain.
Tila napupunit ang buong katawan niya sa sobrang sakit.
Tila hinuhubaran ang buong kaluluwa niya at sobrang init ang nararamdaman niya sa ngayon.
Ang apat na liwanag mula sa mga bato ay ito ang apat na elemento na tataglayin ng sinumang makatanggap nito.
Ang elemento ng apoy,kalikasan,liwanag at hangin.
Isa itong malaking biyaya sa mga cultivator kapag ito ay taglay nila.Ang kasalukuyang nangyayari kay Cain ay naramdaman ito sa kabilang mundo at aligaga ang lahat.
Naramdaman ng lahat at maging ang mga elemento sa buong paligid ay tila nagsasaya dahil sa malakas na presensya na kanilang nasagap.
Sa ilang bilyong milya ang layo nito ay halos doble pa ito at naramdaman nila ang kapangyarihan ng Evernight Green Sacred Eyes,
Ang taglay ng isang tagapamana.
Sa labas ng kaharian ng Galsa Kingdom ay isang malawak ng kagubatan ang makikita dito.
Ang kagubatan na walang sinumang nilalang ang manghimasok o tangkaing puntahan at pasukin ito.
Masasabing kinatatakutan ito sa hindi nila alam ang dahilan.
Hanggang kwento lamang ito at wala pang nakapagpatunay maliban sa katauhan ni Lolo Jose.
Alam niya kung anong mga nilalang ang nasa loob ng kagubatan na ito at lalo sa pinakapusod nito.
Isang nilalang ang biglang inimulat ang kanyang mga mata dahil sa kanyang malakas na pakiramdam.
Bahagya siya nagulat dahil hindi siya maaaring magkamali sa nararamdaman niya at matagal na itong walang senyales ilang libong taon ang nakalipas.
Muli niya ipinikit ang kanyang mga mata dahil alam niya na malapit na ang isang pagbabagong mangyayari at ito ang kanyang hihintayin sa takdang panahon.Sa Forbidden of God Pillars ay patuloy tinatanggap ni Cain ang sakit mula sa apat na liwanag.
Patuloy ito hinihigop ng kanyang katawan at hanggang sa nabuo ang isang marka sa kanyang kanang dibdib.
Ang marka ng apat na elemento ay taglay ni Cain ngayon.
Ito ay isang hugis puso na mayroong apat na kulay pabilog.
Hindi ito alam ni Cain dahil sa kasalukuyang nangyayari sa kanya.
At dahil dito ay tumaas na din ang kanyang antas bilang isang Legends Rank level 1 mula sa dating Skyrank level 1.
Naramdaman ito ni Cain matapos niya matanggap ang apat na liwanag mula sa apat na batong nakadikit sa haligi ng pillars.
Makalipas ang ilang minuto ay inimulat ni Cain ang kanyang mata at sinipat ang kanyang sarili kung may nangyari sa kanya.
Nagpasalamat siya dahil wala naman siyang natamo o pinsala sa kanyang katawan.
Ang mga batong nakadikit sa haligi ay nawala ang mga kulay nito at tila isa lamang itong ordinaryong bato lamang.
Hanggang sa natuon ang kanyang atensyon sa harapan niya.
Ang altar na kung saan ay makikita ang isang maliit na gintong kahon.
Nawala na rin ang kidlat na bumabalot dito.
Nagliliwanag ito at tila hinahatak siya nito upang lumapit sa altar.Ang gintong kahon sa altar ay kung noon nababalutan ito ng mga kidlat ngayon ay nawala ito.
Pero nagliliwanag pa rin ito at mayroong malakas na enerhiyang maramdaman sa loob ng gintong kahon.
Lumapit si Cain sa altar at saka sinipat ang gintong kahon.
Wala itong susi na maaaring buksan at solidong sarado ito.
Paano niya ito mabubuksan gayong walang susi na pwedeng magamit dito.
Wala siyang ideya kung paano ito mabubuksan.
Komplikado at baka mayroong patibong ito sa loob kapag ginalaw niya ito.
Pero isinantabi niya ito at bahagyang ipinatong ang kanyang kamay sa gintong kahon na hindi naman kalakihan ang laki.
Sa kanyang pagpatong ng kamay ay isang nakakasilaw na liwanag ang lumitaw sa gintong kahon at naitakip ni Cain ang kanyang mata dahil sa tila nabulag siya sa sobrang silaw nito.
Sa pagkawala ng nakakasilaw na liwanag ay napatingin siya sa altar.
Nanlaki ang kanyang mata sapagkat hindi na niya makita ang gintong kahon at bigla lamang nawala ito.Bago mangyari sa pagkawala ng gintong kahon ay mayroong nilalang sa loob nito.
Ito ang mga nilalang na nananahan sa loob ng kahon na ilang libong taon na sa loob nito.
Ngayon ay naramdaman nila ang presensya ng isang tagapagmana dahil sa kanyang Bloodline.
At nang idinampi nito ang kanyang palad ay tagumpay na nakawala sila at iisa lang ang ibig sabihin.
Magiging master nila ang binatang ito.
Ang mga nilalang na ito ay halos ilangdaang taong gulang na pero ang kanilang anyo ay nananatiling bata dahil sa taglay nilang kapangyarihan.
Higit pa rito dahil sa mga lahing pinagmulan nila.
At lumitaw sila sa harapan ng kanilang magiging master.
Yumukod ito.
Dahil dito ay halos mapatalon si Cain sa kanyang nakita.
Dahil mayroong limang nilalang na lumitaw sa kanyang harapan at nakayukod ito sa kanya.Ang nakita ni Cain na mga nilalang ay halos kasing edad lamang niya ito pero nararamdaman niya na mayroong kakaiba sa kanila.
Apat na makisig na lalaki at isang magandang babae ang nasa harapan niya at nakayukod pa rin ito sa kanya.
Hindi pa siya nakagawa ng isang hakbang upang lapitan ito at malaman kung sino ang mga ito.
"Master,kami ang iyong tagapaglingkod at inyong magiging bantay!"
Ito ang sabay sabay nilang sabi.
Ito ay nakakapanibago sa pandinig ni Cain.
Ang limang ito ay tinatawag siyang master at ngayon lamang niya ito nakita.
Wala siyang ideya kung saan galing ang mga ito at bigla na lamang lumitaw sa kanyang harapan.
Isa isang nagpakilala ang lima at doon niya mauunawaan at nakuha agad kung paano sila lumitaw at nagpakita sa kanya.
Sila ay mula sa apat na lahi at naging magkaibigan ng mahabang panahon.
Sumabak din sila sa ilang labanan laban sa kapwa nila immortal.
Pero mas pinili nila na mag paalipin sa isang master na matagal na nilang hinahanap pero hindi nila sukat akalain na ibang mukha ang nagsilayan nila pero mas matimbang ang naramdaman nilang Bloodline kagaya ng dati nilang Master.
At ito ang paniniwala ng apat na ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Divinely Healer
PertualanganGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...