Ang Blueberry Village ay maaliwalas at maayos dahil ang nasa loob nito ay sama samang inayos kahit ang kanilang kabahayan.
Nilagyan nila ng maliit na kalsada sa loob nito sa bawat bahay.
Nagtanim din sila ng ibat ibang uri ng bulaklak upang maging maganda tingnan ang lugar nila.
Nagtalaga na rin sila ng bantay sa bawat lugar sa likuran at sa harapan ng tarangkahan.
Hindi parin ito sapat dahil sa kahit mayroong bantay ay wala parin itong kakayahan upang lumaban kung sakaling mayroong hindi kanais nais na mangyayari.
Ang dating bahay ni Mang Ben ay malaki ang ipinagbago.
Dahil dito din makikita ang bulwagan na kung saan ay dito magpupulong ang lahat kung mayroong mga problema na dapat ayusin.
Itinalaga ni Mang Cayen si Mang Ben na isa sa mga Elder ng village.
Hindi na rin niya ito pinayagan sa pagkutsero ng karwahe.
Binigyan niya ito ng trabaho na kaya niyang gawin.
Marami pa silang pagbabagong ginawa at isa na dito ang subukang linangin ang mga kabataang mayroong potensyal maging isang adventurer o cultivator.
At si Cain ang bahala dito.
Si Aling Maita naman ay siya ang humimok sa mga kababaihan sa pag sasaayos ng mga taniman na magsilbi nilang kabuhayan.
Ilan din sa mga kalalakihan ang tinuruang mag alaga ng ilang hayop at si Elder Ben ang nakatalaga dito.Samantala ay mayroong sariling kwarto si Cain sa pangalawang palapag.
Sa pangalawang palapag ay mayroong limang kwarto.
Ang isa ay kay Elder Ben na katabi nito sa kwarto ng mga magulang ni Cain.
Habang ang tatlong kwarto at isa na dito ang kwarto ni Cain na paharap sa kwarto ng kanyang ama at ina.
Kaya sa gitna nito ay mayroong malaking espasyo na silbi nilang salas at daanan din.
May mga upuan at lamesa na makikita dito.
Sadyang pinaganda nila ito lalo na sa unang palapag na bulwagan nila.
Sa katabing bahagi naman ng unang palapag ay makikita ang malaking kusina.
Mayroon silang tagaluto,tagalinis at namgangasiwa sa loob ng tahanan nila.
Ang kaukulang pampasweldo sa mga trabahador ay hindi nila ito problema.
Labis ang kasiyahan ng mga mamamayan dahil sa mayroon silang mga trabaho at hindi na nila kailangan lumabas o pumunta sa lungsod upang maghanap buhay.Maganda ang kinalabasan ng ipinatayo nilang gusali at ito ang gusali na kung saan ay makikita ang hindi umabot sa isandaan na mga kabataan ng gustong matuto sa paglilinang ng kanilang kakayahan.
Marami ang gustong matuto kaya naman ay pumayag ang mga magulang nito sa kabila ng pangamba.
Alam nila ay kalauna'y malalaman ng iba ang pagbabagong nangyayari sa lugar nila.
Pero sinawalang bahala nila ito dahil sa malaki ang tiwala nila sa bagong pinuno nila.
Ito na ang hinahangad ng lahat ang makaahon sila sa kahirapan at ang hindi pagbigay sa kanila ng pagpapahalaga bilang isang mamamayan ng lungsod ng Soddoma.
Alam nila na bawat isa sa kanila ay walang kakayahang maging isang adventurer o cultivator.
Gayunpaman ay umaasa sila sa isa man lang sa mga anak nila ay magkaroon nito.
Sapat na ang nakikita nila ngayon at sa binatang nagtuturo sa anak nila.
Alam ng lahat na sa kabila ng pagdududa nila ay ramdam nila na hindi ordinaryo ang pamilyang na naging kamag anak ng kanilang Elder na si Elder Ben.Dumating ang araw at ito ang araw ng pagsisiyasat sa Blue berry Village.
Sa tuwing sasapit ang huling araw ng buwan ay nagpadala ang hukbong sandatahan upang alamin kung mayroong dumagdag na miyembro nito at ang tanging hangad nila ay kung mayroong healer na lumitaw sa lugar na ito.
Higit sa lamampung hukbo ang pinadala nito at mayroong pa itong kasamang mga cultivator.
Noon ay wala silang kasama pero ngayon ay tatlong cultivator ang kasama nila.
Ang bawat antas na ranggo ng tatlo ay dalawang nasa Gold Rank level 9 na mayroong propesyon bilang isang Blacksmith at Mage.
Habang ang isa ay nasa Platinum Rank level 5 na isa ding Mage.
Ang hukbong sandatahan ay mayroong ding ibat ibang propesyon at nakadepende ito sa taglay nilang talento.
Halos ang hukbong sandatahan ay nasa Silver Rank at Gold Rank na magkakaiba ang level ng bawat isa.
Narito sila ngayon sa bagong tayong village ng mga ordinaryong mamamayan.
Mabilis sila makarating dito dahil sa ilang impormasyon na kanilang natanggap.Samantala ay abala ang mamamayan ng Blueberry Village at hindi nila nararamdaman ang paparating na mga hukbo sa mga oras na ito.
Abala sila sa kani kanilang mga gawain.
Pero para sa tatlo ay hindi makaligtas sa kanila ang maraming presensya at patungo ito sa kanilang lugar.
Agad kumilos ang tatlo upang alamin kung sino ang mga ito.
Nakita ni Elder Ben ang kilos ng tatlo dahil nasa bulwagan sila.
Agad ito lumapit sa tatlo ang may itinanong.
"Chief,ano ang nangyari at tila balisa ka?"
Ito ang bungad nito kay Mang Cayen.
Bumaling naman si Mang Cayen kay Elder Ben.
"Lolo Ben,,mayroon kaming naramdaman na maraming presensya ang patungo sa ating lugar,at sa kanilang bilang ay halos nasa limampu ito!"
Ito lamang ang nasabi ng ama ni Cain na kapag sila lamang ang magkakaharap ay Lolo Ben parin ang tawag nito.
Napaisip naman ang matanda at agad mabilis ang reaksyon nito.Lumabas ng bulwagan ang apat upang salubungin sa labas ang paparating nilang bisita.
Matapos sabihin ni Lolo Ben ang ilang bagay ay agad nila ito naunawaan.
Gayundin ang bawat mamamayan sa lumabas sa kanilang mga tahanan.
Maraming mga bata at iilan lamang ang mga binata at dalaga na kaedaran ni Cain.
Bakas sa mga mukha na lahat ang pangamba at takot.
Dahil dito ay hindi nagsayang ng oras si Chief Village Cayen.
Ang ama ni Cain.
Matapos nito tipunin ang mga mamamayan sa harap ng bulwagan ay agad ito nagbitiw ng ilang salita.
Ang salitang nakapagbigay ng lakas na loob sa bawat isa.
"Marahil ang ilan pa sa inyo ay hindi pa lubusang nakuha ang tiwalang sinasabi ng lahat!"
"Gayunpaman ay narito kami sa inyong harapan kasama ang aking asawa at anak,si Lolo Ben na handang ibuwis ang aming buhay upang ipagtanggol ang lahat sa gustong gumawa ng hindi kanais nais sa atin!"
"Hindi lingid sa inyong kaalaman ang pag iral sa lugar na ito na sinisiyasat ang bawat pamilya dahil lamang sa paniniwalang walang katuturan!"
"Ngayon ay sabay nating harapin ang mga ito at ipaglaban ang ating karapatan!"
Dahil sa sinabi ng ama ni Cain sa lahat na narito ay nabuksan ang puso at isipan nila sa paniniwalang hanggang ngayon ay marami ang nagdusa at nawalan ng miyembro sa bawat pamilya.
Mga paniniwalang hindi nila lubos mauunawaan kung ano ang dahilan.Dahil sa salitang binitawan ng ama ni Cain ay marami ang lumakas ang loob at ipaglaban ang kanilang mga hinaing.
Suportado naman dito ang ina ni Cain at si Lolo Ben.
Alam nila na isa itong mahirap na hakbang at maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa magkabilang panig.
Kailangan nila itong gawin upang matuldukan ang maling patakaran sa lugar na ito.
Ang hakbang na ito ang magbigay sa kanila ng mas mahirap na sitwasyon dahil maaaring maging mitsa ito ng buhay subalit hanggat maaari ay hindi hahantong sa ganitong sitwasyon.
At dito magtatapos ang lihim nila na malalaman ng lahat na hindi sila mga ordinaryong tao.
Kung ito lamang ang tanging paraan ay gagawin nila upang protektahan ang mga taong nasa paligid nila na walang kalaban laban.
At hindi sila gagawa ng mayroong mapinsala o mapaslang isa sa kanilang miyembro.

BINABASA MO ANG
Divinely Healer
AdventureGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...