Chapter 30.

368 73 7
                                    

Matapos nila matanggap ang decree ay nagpahatid ng pasasalamat ang ama ni Cain at pati mga kasama niya.
Agad naman dito nagalak si Ministro Evon Gamma,at pati ang mensahero nito na si Alisson Muyo.
Pero bago sila umalis ay inilibot sila nito sa kasalukuyang pagpapatayuan ng paaralan at ang masasabi nila ay sobrang malaking kayamanan ang nakalaan dito upang mabuo ito.
Gayunpaman ay ipinabatid sa kanila na sikapin nilang ipaalam sa Mahal na Hari ng sa gayon ay suportahan sila nito sa mga gastusin.
Ang dahilan ay para din ito sa kanilang kaharian.
Isa itong malaking hakbang at pagbabago sa kanilang kaharian.
Hindi naman ito nagtanong kung saan sila kukuha ng ganoong kayamanan at pakilala nito sa kanila ay sila ay mga merchant na galing pa sa malayong lugar at naisipan na dito na sila manirahan.
Matapos ay hindi na nagtagal ang ministro at mensahero ng palasyo at kailangan nilang bumalik.
Sa kanilang paglabas ay naroon pa rin ang napakaraming mga tao at umaasa ang lahat na makapasok sila sa loob pero hindi ito pinahintulutan ni Cain.

Makalipas ang ilang minuto at hatid nila ng tanaw ang papaalis na karwahe ng palasyo ay may mga ilang kilalang Clan na sumubok lumapit sa kinaroroonan nina Cain.
At base sa kasuotan nito ay nasa Noble Clan ito.
"Magandang araw po!"
Ito ang bungad sa kanila ng isang di katandaang lalaki at nasa likuran naman nito ang kanyang mga bantay.
"Ano ang aming maipaglilingkod sa inyo?'"
Ito ang sagot ng ama ni Cain.
Habang kaharap nito ang lalaking magara ang kasuotan.
"Kami ay galing pa sa malayong lungsod at dinayo namin ang inyong lugar dahil nabalitaan namin na magkakaroon ng paaralan kaya ay gusto ko malaman kung kailan ito magsisimula?"
"Kami ay mula sa Golden Lutos Valley Clan na sakop ng lungsod ng Almasan!"
"Gusto ko sanang ipasok ang aking anak ng sa gayon ay matuto ito para sa kanyang kinabukasan!"
"Ako si Max Baldwin ang Family Head ng aming Clan!"
Ito ang paliwanag at pakilala sa kanila.
Matapos nila marinig ang pakay nito ay agad naman pinaliwanag ng ama ni Cain tungkol sa paaralan na itatayo nila.

Habang lumilipas ang oras ay mas maraming mga tao ang lumapit sa kanila habang pinapakinggan ang paliwanag ng kanyang ama.
Marami ang sumangayon meron namang hindi.
Dahil sa paliwanag ng kanyang ama na maaaring abutin ng lima o anim na taon bago matapos ang paaralan.
Dahil sa marami pa ang dapat gagawin dito.
At para hindi masayang ang kanilang pagpunta ay isa isang kinuha ang kanilang mga pangalan ng sa gayon ay padadalhan lamang ito ng imbitasyon kapag tapos na ang paaralan.
Marami ang sumangayon sa sinabi nito at agad nagpakuha ng papel at panulat si Cain saka binigyan sila ng pwesto upang pumila.
Inabot na din ng ilang oras bago matapos at halos mapuno ang papel sa daming angkan o Clan ang nais mag aral.
At gaya ng napagkasunduan nila ay hintayin na lamang nila ang imbitasyon nito mula sa kanila.
Isa din itong mabisang paraan upang mabigyan ng sapat na panahon ang kanilang anak upang magsanay.
Dahil dito ay nakabuo ng plano si Cain sa pagtanggap ng mga estudyante at hindi ito naging madali.

Sa mga lumipas na araw ay nagiging maayos ang lahat at gaya nga ng kanilang inaasahan ay binigyan sila ng karapatan ng kaharian upang itatag ang kauna-unahang paaralan.
Isa itong malaking pangyayari na maitala sa kasaysayan ng kahariang Haram.
Agad sinimulan ni Cain kung paano at ano ang uunahing gagawin.
Halos siya ang gumalaw ng lahat kung ano ang magiging disenyo ng gusali,kung ilang palapag ito,ang magiging opisina na namamahala ng paaralan,ang tutuluyan ng mga guro, estudyante at mga elder gayon din ang mga kawal ng paaralan,mga tagasilbi upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa paaralan.
Hindi rin mawawala ang pagpapatayo ng training ground upang dito magsanay ang mga estudyante at higit sa lahat ay ang arena na kung saan kapag nagkaroon ng kompetisyon ay dito nila gaganapin.
At base sa kanilang kalkulasyon at aabutin ito ng higit sa sampung taon bago ganap na matapos.
Pero nasabi nila na hanggang limang o anim na taon pero ito ay hula lamang nila.
Hindi madali sapagkat at buong Blueberry Forest ay malawak at nariyan ang Lost Mountain na ilang kilometro ang layo mula sa kanilang kinaroroonan.
Kailangan nila masakop ito at mayroong binabalak dito si Cain.
Kailangan din niya lagyan ng kalsada ng sa gayon ay madali lamang makarating sa kanilang lugar ang magiging estudyante.

Dahil nagkaroon na sila ng opisyales na permiso mula sa kaharian ay naging kumpyansa si Cain upang ipagpatuloy ang plano nito.
Ang plano na babago sa kanilang buhay,sa buhay ng mga mamamayan at maging ang buong kaharian.
Mabigyan ng magandang oportunidad ang mga kabataan para sa kanilang hinaharap.
At dahil planado na ang lahat.
Ang buong pwersa ng mga trabahador ay masigasig na nagtrabho at masaya silang lahat dahil sa magandang pagtrato nito sa kanila.
Bukod sa maayos ang napagkasunduan nilang magiging sweldo nito.
Hindi sila nagkulang sa mga materyales dahil si Lolo Ben ang nagaasikaso nito kasama ang apat na kapwa niya elder.
Nagpagawa ng sariling mapa si Cain upang malaman ang hangganan ng Blueberry Forest.
At sa hangganan nito ay mayroong mga katabing village na sakop ng ibang lungsod pero lupain pa rin ito ng kaharian ng Haram.
Kailangan ito ni Cain upang malaman niya kung saan ang pwedeng lugar upang gumawa ng kalsada para mapabilis ang transportasyon.
Nang sa ganoon ay hindi sila mahirapan maglakbay patungo dito.

At dahil sa mayroong mapa si Cain ay agad niya ito isinangguni sa kanyang ama kung ano ang uunahin nilang ipatayong gusali.
Syempre kailangan nila ng pangunahing bagay gaya ng tubig at ilaw para magiging madali.
Sa panahong ito ay walang kuryente at tanging apoy na normal sa lalagyan gaya ng lampara o di kaya ay kandila na nakalagay sa magandang lalagyan.
Wala silang magiging problema sa tubig dahil mayroong ilog dito sa Blueberry Village at kailangan lang nila gumawa ng imbakan para dito nila kukunin ang tubig.
Maganda at malinis na ang dating Blueberry Village ay iniingatan nila ang puno nito na masira.
Mayroon din silang pinutol na ayon sa pagpatayuan ng gusali ng sa gayon ay hindi ito sagabal.
Dahil sa malawak ito at walang tigil ang mga trabahador sa paghawan at paglilinis ay minsang nakasagupa sila ng mga vicious beast pero tumakbo lamang ito at nagtago.
Wala din silang nakaingkwentro na mga bandido marahil ay lumikas ito.
At ang una nilang ginawa ay ang pagpapatayo ng pader magkabilaan na sakop lamang ng lupain para sa kanila.

Nang matapos nila mapatayo ang mataas na pader magkabilaan ay naghukay na ito ng mga lupa upang itayo ang mga haligi para sa gusaling gagawin.
Magkabilaan din ito.
At ayon sa plano ay gagawin itong tatlong palapag na mayroong pasilyo ang bawat isa nito.
Pero bago ito at inuna nila ang pagsasaayos ng daluyan ng tubig sa bawat gusali upang madali at mabilis ang paggamit nila.
Syempre mas malawak ang espasyo nito sa gitna pero hindi ito ang unang prayoridad nila.
Ang magkabilaang gusali ay ito ang magiging silid aralan ng mga estudyante habang sa harapan nito na mayroong limang palapag ay dito naman makikita ang opisina na kanilang headmaster/headmistress.
Pero bago yan ang nasa unang palapag ang tanggapan ng mga impormasyon,(Information Hall)  at magiging opisina ng guro at elder.
Ang pangalawang palapag ay Silid Aklatan/Library.
Ang ikatlong palapag ay ang Treasury Hall,habang ang pang apat na palapag ay ang tinatawag nilang Cultivation Hall.
At ang panghuli ay ang magiging opisina na namumuno ng paaralang ito.
At ang lugar na ito ay pinagbukod sa mga residente o mamamayan ng blueberry village.
At iba din ang daanan nito o tarangkahan.
Ibig sabihin ang teritoryo para sa mamayan ng blueberry village ay pribado kasama na dito sina Cain na kung saan ay doon sila naninirahan sa Blue Moon Hall.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon