Ang lupain na kung saan ay nakatira si Mang Ben ay isa lamang sa lupaing ipinagkaloob sa kanila bilang mga ordinaryong mamamayan.
Pero malaya sila makapaghanap buhay sa lungsod hanggat hindi sila maaaring makialam sa gawain o anumang nakikita nila sa paligid.
Sa nakalipas bago ang kalunos lunos na pagpaslang sa lahat ng mga healer sa kahariang ito ay walang sinumang gustong lumaban.
Sa sinapupunan pa lamang ay inaalam na nila kung ito ay magiging healer o hindi.
Ang sistema na ito ay marami ang hindi sumasangayon dahil sa para na rin nila tinanggalan na mabuhay ng malaya ang isang inosenteng nilalang.
Wala din silang magawa dahil nakasalalay ang buhay ng buong angkan nila kung sila ay tumutol.
Kaya marami sa iba ang lihim na tumakas o di kaya ay lumipat ng lugar na matitirhan.Higit kumulang limangdaan ang nakatira kasama na rito si Mang Ben sa lupaing ipinagkaloob sa kanila ng kaharian subalit sa tuwing sasapit ang huling petsa ng buwan ay mayroong bumibisita galing sa sangay ng hukbong sandatahan upang mag inspeksyon kung mayroong nagbago o nadagdagan ang bawat miyembro ng pamilya.
Makikita sa mga mukha ng mga magulang ni Cain ang lungkot sa sinapit ni Mang Ben sa kamay ng mga galamay ng hindi makatarungan na patakaran.
Inalisan nila ng karapatan ang mga taong walang laban sa kanila.
Bakit nga ba nila pinapaslang ang mga healer na kung tutuusin ay malaki ang maitutulong nito sa lahat ng oras.
Ano ba ang dahilan at ganito lamang ang layunin nila upang malipol ito kahit saang kaharian.
Sa kabila ng lahat ay kontento na sila kung ano ang mayroon sila at hindi na ito naghangad ang anuman.
Pinili sa kanila ang lugar na ito upang mailayo sa mga adventurer na cultivator.Matapos nila marinig ang buong katotohanan at ano ang dahilan sa kabila ng magandang pakikitungo nito sa kanila ay sa likod nito ang masalimuot na sasapitin kapag sila ay lumabag sa mga patakarang ito.
At dahil narito na sila sa kaharian ng Haram ay ipinasya ng tatlo na manatili sila sa lugar na ito at hiningi ang permiso ni Mang Ben na kung maaari ay dito sila tumira at magtayo ng sarili nilang tahanan.
Naging masaya si Mang Ben ng malaman ito at mayroong siyang makakasama na hindi niya ito tinutulan.
Ang kailangan lang nilang gawin ay ipaalam ito sa sangay ng governador upang opisyal silang mamamayan sa lungsod ng Soddoma.
At ang plano nila ay isa sila sa mga kamag anak ni Mang Ben kaya hindi na nila problema ang mga bagay na ito dahil mismo si Mang Ben ang mag ayos dito.
Ito na ang simula ng kanilang pakikipagsapalaran sa kahariang ito.
At dito nila ipagpatuloy ang magiging buhay nila sa ibang lupain.Sa loob ng maikling araw ay maayos ang kalagayan ng pamilyang Matte sa piling ni Mang Ben.
Itinuturing na nilang pamilya ang matanda dahil nag iisa lamang ito sa buhay.
Ang kanilang kakayahan ay maingat nila itong itinatago sa mata ng maraming tao.
Tila isa lamang silang mga ordinaryong mamamayan na walang anumang kakayahan at kapangyarihan.
Marami na rin silang nakikilalang mga kapitbahay at lubos sila nitong tinanggap dahil kamag anak sila ni Mang Ben na lingid sa kaalaman ng lahat.
Sinanay nila ang kanilang sarili sa bago nilang buhay sa lupain ng mga ordinaryong mamamayan.
Dobleng ingat din ang kanilang ginagawa dahil sa hindi rin biro kung ano ang mayroon sa kanila.
Kayamanan,lakas at kakayahan na hindi tinataglay ng mga narito.
May kaliitan ang bahay ni Mang Ben kaya naman ang plano ng ama ni Cain ay palakihin ito at lagyan ng ilang kwarto para sa kanila.
Hindi naman magiging problema sa materyales dahil maraming mga punong kahoy at binili na lamang sa sa lungsod ng ilang gagamitin.
Hindi problema ang pambili dahil mayroon sila nito.
Ipinaalam nila ito sa matanda at hindi naman ito tumutol.
Nagrekomenda pa ito ng mga trabahador upang mabilis maaayos ang gagawing baguhin ang bahay niya.Ang pagbabago sa lugar na kung saan ay naninirahan ang pamilya ni Cain at itinuturing nilang pamilya na si Mang Ben ay magiging usapin ito sa ilang makakakita.
Ang dating maliit n tahanan nito ay isa ng malaki at mataas na bahay na mayroong dalawang palapag.
At nagkaroon na rin ng mataas na pader na mayroong tarangkahan sa lugar.
Ginawa nila ito at sinangayunan ng nakakarami upang magiging proteksyon sa tahanan nila.
Malawak ang lupain at hindi ito halos masakop ng pader na kahoy dahil sa may kagubatan sa lakuran nito.
Ito ang Blueberry Forest.
Tinatawag itong blueberry Forest dahil maraming mga namumungang berry sa kagubatang ito.
Hindi ito nakakalason bagkus ay kinakain ito subalit mahirap ito makuha sa kadahilanang masyadong delikado ang pumasok sa loob ng kagubatan.
Isa sa mga dahilan ay pinamamahayan ito ng mga ilang bandido,halimaw at mga assassin.
Ang kagubatang ito ang silbi nilang taguan sakaling sila ay tinutugis.
Kaya walang sinumang magtangkang pasukin ito.
Mayroon ding usap usapan na may kayamanang makikita sa kagubatang ito.
Na sa hanggang ngayon ay sabi sabi lamang.Sa bilis ng trabaho ay maganda ang naging resulta ng buong lugar.
Hindi nila nasakop ang kagubatang bahagi ay nilagyan nila ng mataas na pader na gawa sa kahoy ang likuran nito.
Marami ang bumilib sa ideya o suhestyon ni Mang Cain at marami ang natuwa sa nakikita nila.
Matagal na sila sa lugar na ito at sa hanggang ngayon ay wala pang pangalan kung anung lugar ang kinatatayuan nila.
Tinatawag ito na dating Burrito na hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin nito.
Wala ring mga namumuno upang masaayos ang kalagayan nila sa darating na mga araw.
Kaya ang lahat ay napagkasunduan na gawing pinuno si Mang Cayen sa lugar na ito.
Ito ay hindi patas sa paningin ng lahat dahil una bago pa lamang ang pamilyang ito.
Pangalawa hindi nila ito lubusang kilala pero sa nakikita nilang pagbabago sa kanilang lugar ay sapat na upang pagkatiwalaan at magiging pinuno nila.
Hindi na tumutol dito si Mang Ben ay sumangayon siya sa pasta ng kanyang kasama.
Mas maganda kung mayroong namumuno ng sa gayon ay magkaroon ng maayos pamantayan at alituntunin na dapat sundin.
Kaya agad nilang tinawag na Chief Village si Mang Cayen.
At ang lugar na ito ay tinawag nilang Blueberry Village.
Labis ikinatuwa ng lahat sa pagbabagong ito.Ang pagbabago sa lugar na ito ay mabilis kumalat sa buong lungsod ng Soddoma.
Maging ang kalapit nitong maliit na village ay nagulat sa pagbabagong nangyari.
Kumakailan lamang ay isa itong lugar na hindi binigyan ng pansin dahil sa mga ordinaryong mamamayan lamang ang nakatira dito.
Bukod pa ay wala silang kayamanan upang tustusan ng maayos ang pangangailangan nila.
Subalit ngayon ay nakakagulat na balita dahil ang dating madawag na lugar ay napapalibutan na ito ng mataas na pader.
Yari ito sa de kalidad na kahoy para sa pang gusali.
At mayroon na itong pangalan na itinuturing isa ng village.
Marami ang pumasok sa isipan ng nakakarami kung paano at saan ito kumuha ng kayamanan upang masaayos ang kanilang lugar sa maikling panahon.
At hindi lang ito ang nalaman nila.
Dahil mayroon ng namumuno sa lugar at isa itong Chief Village ng blueberry village.
Lahat na ito ay mabilis kumalat at marami ang gustong pumunta upang makita kung totoo ang balita.
Nakarating na rin ito sa pamunuan ng sandatang hukbo at sa gobernador na labis din niya ikinagulat.
Alam niya na ang lugar na iyon ay lupain para sa mga mahihirap at mga ordinaryong mamamayan na walang kakayahan at kapangyarihan.
Paano nangyari na mayroong pagbabago sa lugar na iyon at saan sila kumuha ng kayamanan upang maayos ang kanilang lugar.
Isa itong malaking palaisipan sa kanilang lahat.
Kaya mabilis silang kumilos upang alamin at kung sino ang nasa likod nito.
BINABASA MO ANG
Divinely Healer
MaceraGinawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan a...