Chapter 23.

352 92 9
                                    

Nagkaroon ng pangalan ang isang bulwagan ng pagpupulong at pagtanggap ng mga panauhin.
Dito din dinadaos ang isang pagtitipon at okasyon.
Nagkaroon na din ng limang mga Elder at kabilang na dito si Lolo Ben.
Ang limang Elder na ito ay hindi nakitaan ng anumang kakayahan.
May edad na sila kaya mahirap sa kanila kung gusto nilang maging cultivator.
Ang tanging gawain nila ay gabayan ang mga kabataan at mamamayan.
Binigyan din sila ni Cain ng ilang libro ng sa gayon ay magkaroon sila ng kaalaman sa kung paano magpatakbo ng isang angkan.
Walang akademya o paaralan sa mga panahong ito at tanging mga magulang ang naging guro nila.
Sadyang kakaiba ang mundong ito.
At dahil umuunlad na sila ay napagkasunduan ng lahat na ang pangalan ng bulwagang ito na "Blue Moon Hall"!.
Si Cain ang nakaisip nito at maganda sa pandinig ng lahat.

Sa loob ng Blue Moon Hall ay naroon ang limang Elder,si Cain,at ang ina nito.
Syempre ang kanyang ama na isang Chief Village.
Hindi nagsayang ng oras si Cain at agad ibinigay nito sa kanyang ama ang isang botelya
Ito pa lamang ang tanging kontribusyon niya.
At hindi na magulat ang kanyang ama dahil mayroong itong kaalaman tungkol sa mga pills na gawa ng isang alchemist.
Bilang isang healer ay alam nila ang mga bagay na ito.
Ang Breakthrough Healing Pills ay isang top tier.
At ang kalidad nito ay maihahanay sa pills na gawa ng mga kilalang master alchemist sa ibat ibang lungsod.
Pero ganitong pills ay wala pa siyang narinig tungkol dito.
At hindi niya alam kung ano ang magiging epekto at kakayahan kapag ito ay ginamit.
Kahit ang kanyang ina ay medyo nagulat din sa mga pills na ito.
Galing siya sa malakas na kaharian at wala siyang narinig na ganitong pills sa mga dalubhasang alchemist sa kaharian.
Pero ngayon ay galing ito sa kanilang anak at isa pa itong top tier.
Okay lang sana kung ang mga ito ay nasa low o di kaya ay common tier lamang.

Napabaling ang lahat sa atensyon sa isang botelyang may laman.
Ang limang Elder kabilang na si Lolo Ben ay ngayon lang nakakita ng ganitong pills na kung bilhin ito nagkakahalaga ng ilang ginto.
Tumanda na silang lahat ay hindi nila naranasan kung paano ito gamitin at ano ang magiging benepisyo para sa kanila.
Ipinaliwanag naman ni Cain ang magiging epekto ng pills na ito at pipili sila ng sampung kabataan upang ibigay sa kanila at para malaman ang epekto nito.
Mayroong sampung kabataan na nakitaan si Cain na kung saan ay nag aaral ang mga ito.
Oo parang isang paaralan ang isang gusali na para sa mga kabataan ng bumibilang ng limampu.
Agad nila ito pinatawag sa kanilang bantay upang puntahan ito.
Ipinaalam din ito sa kanilang mga magulang upang hindi sila mag aalala sa kanilang anak.
Mabilis lumipas ang ilang minuto ay narito na ang sampung kabataan na pinili ni Cain upang bigyan ng pagkakataon.
Ito ang kanyang unang hakbang upang makilala ang Blueberry Village sa buong lungsod ng Soddoma.
Gusto niyang makilala ang kanilang angkan sa bawat siyudad at lungsod maging sa kaharian.

Sa loob pa rin ng Blue Moon Hall ay naroon na ang sampung kabataan na pinapunta ni Cain.
Ang ilan sa mga ito ay kilala na ni Cain.
Isang sampung taong taon,pito ang nasa labingdalawang taon,isang nasa labingwalong taon at ang huli ay kaedaran niya na nasa labinglimang taon.
Nang makita nito si Cain ay agad yumukod ang sampu sa kanya.
"Magandang araw, Young Master!"
Ito ang bati nito sa kanya.
Binigyan naman ito ng ngiti ni Cain at pinaupo sila sa mga upuang nakalaan para sa kanila.
Pinangunahan ni Cain at humingi siya ng permiso sa kanyang ama,Ina at sa limang Elder.
Dumating din ang mga magulang ng sampung kabataan dahil sa hindi sila nag aalala kundi makita at malaman kung bakit sila pinatawag ng kanilang Young Master.
"Marahil ay nagtataka ang ilan sa inyo kung bakit ko kayo pinatawag!"
"Huwag na kayong mag isip ng kung ano ano pa dahil ito ay para sa ikabubuti ninyong lahat at para sa atin!"
"Ito ang simula ng ating pagbabago at pag unlad upang patunayan sa lahat na walang imposible kung tayo ay magkaisa!"
"Ito na ang oras upang makilala ang ating angkan sa bawat lugar na nasasakupan ng kahariang ito!"
"Magsimula tayo sa maliit at hanggang sa lumago tayo!"
"Hawak ko ngayon ang susi sa mga pangarap ng bawat kabataang kagaya ko!"
"Ang maging ganap na cultivator na kahit mahirap ay huwag susuko at mawalan ng pag asa!"
"Sa parang ito ay magising ang matagal ng natutulog ninyong kakayahan,talento at abilidad!"
"Ipakita natin sa iba ang ating pagkakaiba sa lahat!"
"Huwag matakot o mag alinlangan dahil narito kami upang inyong maging gabay!"
Hindi man sila kasing talento ng kanilang Young Master ay alam nila kung ano ang tinutukoy nito.
Nakaramdam sila ng hindi maiintindihan na emosyon at labis sila namangha,nagalak.
Hindi na nagsayang ng oras ang sampung kabataan at agad lumuhod sa harapan ng kanilang Young Master.
Sa kanilang pagluhod at nataranta naman si Cain.
Hindi siya sanay sa ganitong pagpupuri.

Dahil sa naging kilos ng sampung kabataan ay mabilis kumilos si Cain upang pakalmahin ito.
Naging masyadong mataas ang tingin ng mga ito sa kanya at ito ang ayaw niyang mangyari.
Pareho lamang sila na may hangaring maging malakas.
Napabuntunghininga lamang ang lahat sa nakakita.
Ang mga magulang ng sampung kabataan ay hindi mapigilan ang umiiyak sa sobrang saya.
Marami ang nangangarap na maahon ang bawat isa sa kanila sa kahirapan.
Napadpad sila sa lugar na ito dahil sa wala silang kakayahan upang maging malakas.
Isa din sa kadahilanan ang wala silang kaalaman sa mga ilang bagay.
Umaasa sila sa pangkaraniwang talento na mayroon bilang mga ordinaryong angkan.
Agad pinaubaya ni Cain sa kanyang ama ang pamimigay ng naturang pills.
Kahit tig iisang piraso lamang sa bawat isa ay malaking bagay ito para sa kanila.
At kapag ginamit nila ito ay mayroong magbabago sa bawat sarili nila.
Marami ang nakasaksi sa mga pangyayaring ito.

Matapos maibigay ang sampung pills sa napiling kabataan sa Blueberry Village ay agad ito pinaaalalahanan ni Cain kung paano ito gamitin.
Ang bawat sinabi ng kanilang Young Master ay tumatak sa isipan ng bawat kabataan.
Hindi sila nagtagal at agad nilisan ang Blue Moon Hall upang sanayin ang mga sarili nila.
Kasama ang mga magulang nito at labis sila nagpasalamat sa kanilang Chief Village,mga Elder at higit sa lahat sa kanilang Young Master.
Binigyan ni Cain ng ilang araw ang sampung kabataan na magsanay at kailangan nilang mag ulat sa gusaling pinapasukan nila.
Ang gusaling ito ang unang paaralan sa kanilang village.
Wala pang nakakaalam na mayroon ng paaralan sa lugar na ito.
Ang mga estudyante dito ay mga kabataan ng Blueberry Village.
Si Cain ang nagsilbing guro nila habang ang limang Elder ang gumagawa sa ibang bagay sa loob ng gusaling ito.
Wala pang pangalan ang gusaling paaralan dahil pinag iisipan pa nila ito.
Wala pang paaralan kahit saang sulok ng kaharian dahil sa kakulangan ng kaalaman,karunungan,tibay ng loob,pinansyal at mga guro.
At kapag nalaman ng lahat na mayroong paaralan sa village na ito ay malaki itong balita na parang bomba na sasabog kahit saang lugar at kakalat ito.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon