Part 6.

461 102 7
                                    

Majiha Palace;
Sa buong bulwagan ay nagkagulo na naman ang mga tao sa loob dahil sa nangyari kay Alaina Mo na kasalukuyang namumuti ang mga mata nito habang nakatingin sa kawalan.
Ang insidenteng ito ay nangyayari na rin sa ibang kaharian gaya ng Bluko, Arama Haram, at Alkamia.
Lahat na mga orakulo/oracle ay pareho ang kanilang nakikita.
"Nagising at tuluyan ng lumitaw ang magpabago sa hinaharap!"
Ito lamang ang nasabi ni Alaina Mo dahil sa kanyang nakita.
Agad naman lumiwanag ang malaking bolang kristal sa gitna ng bulwagan sa palasyo at malinaw nila nakita ang isang nilalang na nakahiga sa isang ordinaryong higaan.
"Isang batang lalaki?"
Ito lamang ang nasabi ng lahat.
Ang mayroong maamong mukha at napaka inosente nito sa paningin ng lahat.

Ang batang tinutukoy nila ay walang iba kundi si Cain.
Natutulog ito at malaya nilang pinagmamasdan ang kabuuan nito.
Mula sa kinauupuan ng Mahal na Reyna ay bigla itong tumayo at nilapitan ang kabuuang anyo ng bolang kristal sa gitna.
Bahagya niya itong hinaplos at tila wala siya sa kanyang sarili.
Nakita ito ng lahat sa kakaibang ikinikilos ng Mahal na Reyna.
Kaya nagtataka silang lahat.
Sa kanyang paghaplos ay nawala na lamang bigla ang tinitingnan nila sa malaking bilog na kristal.
Kaya naman ay lalo silang nagtaka sa nangyari.
Ang Mahal na Reyna ay nagulat din kung bakit bigla na lamang nawala ang nakikita nila sa loob ng bilog na kristal.
Kahit si Alaina Mo ay gayundin.
Ang pangyayaring ito ay nangyari na rin sa bawat kaharian ay mayroong tensyon at katanungan sa kanilang mga isipan.

Samantala sa isang payapang lugar ay payapa pa ring natutulog si Cain pero hindi pa rin mawawala ang pagaalala ng kanyang mga magulang.
Sa kasalukuyang sitwasyon ng kanyang anak ay madali lamang ito matukoy at malaman kung ano ang taglay nitong kapangyarihan.
Dahil sa murang edad nito ay hindi pa nito masyadong alam kung paano ito itago at baka ito pa ang ikapahamak ng kanyang buhay.
Kaya naman ay nagdesisyon ang mag asawa na doon na rin sila matulog sa kwarto ng kanilang anak.
Sinisiguro nila ang kaligtasan nito.
Wala namang alam si Cain sa kasalukuyang nangyayari sa bahay nila dahil sa ibang lugar siya na kung saan ay ngayon lamang niya napuntahan.
Alam niya isa lamang itong panaginip.
Pero parang totoo dahil nahahawakan niya at nararamdaman ang mga bagay na mayroon sa lugar na ito.

Habang iniikot ni Cain ang lugar ay mayroong isang nilalang na patuloy siyang pinagmamasdan mula sa malayo.
Masaya siya sa kanyang nakikita at hindi siya nagkamali sa nagiging desisyon niya.
Nananatili siya sa ganoong ayos at hindi pinaramdam ang kanyang presensya.
Ang nilalang na ito ay walang iba kundi ang matanda na tinulungan ni Cain sa Frost Forest.
Walang nakakaalam kung sino ang matandang ito,saan nagmula at hindi malaman o maramdaman ang taglay nitong kapangyarihan.
Nasa ganoong ayos pa rin si Cain na hinahawakan ang mga bagay na kanyang nakikita.
Tila ba isa itong paraiso sa kanya.
Maraming ibat ibang uri ng halaman na ngayon lamang niya nakikita.
Mga punong kahoy na hitik sa bunga,mga ibat ibang uri ng hayop na hindi naman ito mabangis.
Patuloy sa paglalakad si Cain hanggang sa makarating siya sa isang kasukalan dahil natanaw niya ang hindi gaanong kataasang bundok.
Kakaiba ang hugis ng bundok na ito na malaberde ang kulay at kagandahang anyo nito.

Dahil sa pagkamangha sa kanyang nakikita ay hindi namalayan ni Cain na nasa harapan na siya ng magandang anyo ng bundok.
Tila mayroon itong pwersa upang siya ay hatakin nito.
At doon niya nabungaran ang bukana ng bundok na mayroong butas ito.
Sa una ay hindi ito mapapansin kung isang ordinaryong nilalang ka lamang.
Subalit iba sa kakayahan ni Cain na simula nagkaroon siya nito ay naging sensitibo ang lahat sa kanya.
Mapaningin man at pandama.
Ang butas na kanyang nakita ay napapalibutan ito ng halamang may tinik sa bawat tangkay nito.
Naramdaman ni Cain na isa din itong pangherbal na pwedeng gawing gamot pero di niya ito pinagtutuunan ng pansin.
Umabante siya upang alamin at pasukin ang butas na pang isang tao lamang ang pwedeng magkasya.
Lalo din niya pinatalas ang pandama baka mayroong patibong ang nag aantay sa kanya.

Ang butas na nakita ni Cain ay kakaiba sa lahat dahil halos perpekto ang pagkahugis bilog nito.
At isa pa sa tagiliran nito ay mayroong mga halamang ugat na magaganda ang mga bulaklak na kulay pula at nagaagaw ang pula sa kahel na kulay.
At isang tinig lamang ang kanyang narinig na upang malaman kung anong uri itong halaman.

"Sadness Immortal Vines Vorvourine Flower"

_they can cure any kind of symptoms according how to implant,
_they can use for making a very harmful poison,

Pagkatapos na marinig ang tinig na umaalingawngaw sa kanyang isipan ay medyo nagulat si Cain dahil sa maraming benepisyo pala ang halamang ito.
Subalit sa huling nalaman niya ay doon siya medyo natakot.
Hindi biro ang pag gawa ng isang lason lalo't ito ay masyadong mataas ang kalidad.
Ang lason ay malaking sandata upang mabilis malamangan ang iyong kalaban lalo't kung ikaw ay mayroong pinaplano sa gusto mong paslangin.

Sa nalamang impormasyon at kahalagahan ng Sadness Immortal Vines Vorvourine Flower ay nagkaroon ng interes dito si Cain pero isinantabi niya muna ito.
Ang kanyang pakay ay makapasok sa loob at malaman kung ano ang mayroon dito.
Dahil naramdaman niya na walang mangyayari sa kanya sakaling makapasok siya sa loob ay agad naging mabilis ang kanyang kilos.
Ang Sadness Immortal Vines Vorvourine Flower ay nakalaylay ang mga ito na tila isang kurtina sa bintana na nagsilbing pantakip nito sa maaaring makakita ay hindi agad mapansin na mayroong butas.
Agad hinawi ni Cain ang Sadness Immortal Vines Vorvourine Flower upang makapasok siya sa loob.
Sa kanyang paghawi nito ay kadiliman agad ang bumungad sa kanya.
Wala siyang nakikitang kahit liwanag man lang.
Pero Hindi pa rin nag alinlangan si Cain at pumasok pa rin siya sa loob kahit ito ay madilim.
Hindi niya iniisip kung mayroon bang panganib na nag aantay sa kanya o wala.
Kampante siya at nagtiwala sa kanyang sarili.

Mula sa di kalayuan ay nakamasid lamang ang matandang nilalang na kahit sa malayo ito ay malinaw niyang nakikita kung ano ang nangyayari sa batang kanyang tinulungan.
Batid niya na isa itong malaking banta sa kanyang buhay na kagaya nilang mga immortal.
Naramdaman niya na darating ang araw na iyon at nakaplano na ang lahat upang isagawa ang nalalabi niyang mga araw sa mababang mundong ito.
Ang lugar na napuntahan ni Cain ay isang Dimensions of Immortal God"
Isa itong pribadong lugar na tanging mga immortal lamang ang mayroon nito.
Ang Dimensions of Immortal God ay nakapaloob sa isang artifact.
Maraming uri na artifact na umiiral saan mang panig ng mundo.
Subalit ito ay bibihira lamang ang pinagkalooban nito.
Isa rin ang artifact ang dahil kung bakit nagkaroon ng sigalot sa bawat nilalang upang maangkin ito at nauwi sa isang malaking digmaan.
Dahil sa taglay nitong kapangyarihan ay hindi maiiwasan ang madugong labanan at pagtraidor sa angkan na kinabibilangan nito.

Divinely HealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon