Chapter 3
Pagkatapos kong magsipilyo, tiningnan ko kaagad ang cellphone ko para i-check ang oras.
Saturday
7:10 AM
Saturday,sabado na ngayon,ibig sabihin,ito ang araw para gawin ko ang mga assignments ko.
Maaga akong nagising dahil marami akong assignments na kailangang gawin,well,sa totoo lang,halos hindi ako nakatulog,dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko at maidlip lang ako ng kaunti,bigla nalang nagpapakita sa utak ko ang mukha ng dalawang lalaki na muntik ng mang-rape sa'kin kahapon.
Sa kabila ng lahat ng ginawa sa'kin nila Dave at mga ka-grupo niya,iyong nangyari kahapon ang pinakamasama at pinaka nakakatakot,kasi hanggang sa pagtulog,ay naroon parin ang senaryong iyon,kaya ayon, nakakatakot ng matulog,kaya I spend the whole night crying.
Bwesit naman kasi ang mga lalaking 'yon!Ang sarap balatan ng buhay! Nakakainis!hindi lang nakaka-inis kundi nakaka-bwesit!mamatay na sana sila!
Pagkatapos kong iligpit ang higaan ko, bumaba na ako para magluto, Hotdogs,fried rice,fried eggplants, at tocino.
Ang pinaka-amazing na food combination sa umaga,binuksan ko ang refat kumuha ng mga kaylangan ko,bahgya akong nainis kasi tatlo nalang 'yong talong!E kulang pa nga sa'kinen 'yon e!
Pero no choice,kaya kinuha ko na at nagsimula nang maghiwa,hiniwa ko sa gitna ang mga talong at binalatan kona ang mga hotdogs,at hiniwa kona din ang tocino.
Napabuntong hininga ako nang umabot na ako sa kanin na isi-sinangag,nilagyan kona ng asin ang kanin at sinimulan ko ng ihalo gamit ang kutsara,nag-iingat ako sa part na 'to kasi masyadong malagkit ang kanin.
"Nak"
"Mama!"napatalon ako sa gulat at bumilis ang tibok ng puso ko, napahawak agad ako sa dibdib ko kung saan naroon ang puso ko,ang puso ko na kulang nalang lumabas sa ribcage ko sa sobrang lakas ng tibok.
Tawa naman ng tawa si mama dahil sa naging reaksyon ko,kainis naman e!
"Ma naman,ba't kaba laging ganyan..."parang bata na inagawan ng lollipop kong sabi sabay simangot.
Bakit ba kasi hindi pa ako nasasanay? Halos araw-araw niya akong ginugulat pero bakit hindi parin ako nasasanay?!
"Alam mo anak,bawas-bawasan mo muna ang pagkakape at kakapanood mo ng horror movies ha?Nagiging nerbyosa kana"tumatawang sabi sa'kin ni mama.
"Ma,hindi po ako nagkakape"mahina kong sagot habang pinagpapatuloy ang paghalo sa kanin.
"Hay sigi na oo na,ako na diyan alam kong marami ka pang assignments" malambing na sabi ni mama at hinaplos ang ulo ko.
Nag-init naman ang puso ko dahil sa tuwang nararamdaman ko,kahit talaga anong inis at stress ko,kaunting lambing lang ni mama nagugunaw agad 'yon.
"Hindi na ma,ako nalang po,lagi nalang kayo e"
"Natural ako ang nanay,gusto mo ako na mag-aral tapos ikaw ang nanay?" sarkastikong sabi ni mama at ipinalibot ang kanyang mga mata.
Mahina naman akong natawa"Opo, ito na nga po e"sabi ko sabay inabot kay mama ang rice-cooker kung saan nakalagay ang kanin.
Ewan ko talaga dito kay mama,sa lahat ata ng nanay si mama lang ang nanay na nang-e-spoil ng anak kahit hindi naman mayaman.
"Sigi na,basta ang gusto ko lang na kapalit sa lahat ng mga ginagawa ko para sa'yo ay ang maka-graduate at makapag-trabaho ka bilang isang professional,para makaraos naman tayo sa kahirapan ha?!"

BINABASA MO ANG
Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)
Teen FictionAng sabi nila,mahirap daw magkaroon ng boyfriend na gwapo,hot,and at the same time sobrang yaman. Kasi maraming babae daw sa paligid ang magkakagusto rito at magtatangkang agawin siya sa'yo. Pero ang mga taong nasa paligid nga ba ang nakakatakot pag...