29

263 18 0
                                    

LILY

"Uy Lily sama ka samin ah" pag-aaya pa ni Brian habang nakaakbay siya sa'ken

Lunch time na kasi at papunta na kaming cafeteria

"Saan?"curious na tanong ko naman

Malay koba kung saan na naman ako dadalhin ng mga ito

"Sa bahay nila Dave,may bagong video games siya dun"aniya

"H-ha?h-hindi..hindi papayag si mama" nauutal kong sabi habang nakasandal yung ulo ko sa balikat niya

"Sus!pinagpaalam kana namin aky tita!!" proud pa niyang sabi

Napahinto naman ako sa paglalakad at nakataas kilay na tumingin sa kanya

Natawa naman siya"Oo nga promise,tsaka wala naman kaming gagawing masama sa'yo eh,tsaka.." tumingin siya sa'ken mula ulo hanggang paa at pabalik "Yuck!" umarte pa siyang nasusuko dahilan para mainis ako

Pabiro ko siyang sinuntok sa braso at tumawa lang naman ang gago, inakbayan niya nalang ulit ako habang naglalakad papuntang cafeteria

Tumingin ako sa paligid,kaliwa, kanan,likod pati harap, nakakainis!!

"Uy!sino hinahanap mo?"tanong niya

Chismoso talaga"Wala"maikling sagot ko

"Hinahanap mo si Dave noh?" ngising ngisi pa niyang tanong

Napasimangot naman agad ako "Hindi noh,ba't ko naman siya hahanapin"kinakabahan akong tumawa

"Asus..Huy Bruce!asan naba kasi ai Dave at nag-aalala na dito ang prinsesa niya"sigaw pa niya kay Bruce na nasa likod namin

Napagtinginan na naman tuloy kami ng mga kaklase namin dahil sa lakas ng sigaw niya,kaya naman nagbaba nalang ako ng tingin

"Nauna na daw sa cafeteria" sagot naman ni Bruce

"Mang-iiwan talaga''sabi naman niya at tumawa

"Tumahimik nga kayo,hindi ko hinahanap si Dave noh" mataray kong sabi at naunang maglakad sa kanila

"Uy!pikon ka talaga!"umakbay ulit sa'ken si Brian

Malapit na kami sa cafeteria, papasok na sana kami sa pinto ng cafeteria ng biglang nagdilim ang paningin

Napahawak naman agad ako sa mga mata ko na ngayon at natatakpan ng dalawang malalaking kamay

"Hoy!ano ba!"inis kong sabi habang tinatanggal ang kamay na nakatakip sa mata ko

"Bawal mong makita"boses iyon ni Bruce,at ilang sigundo lang ng maramdaman ko ang paghila sa akin

"Uy!"hindi parin ako makakita dahil sa kamay na nakatakip sa mata ko

"Sa labas na tayo kakain"dinig kong sabi ni Bruce bago tuluyang tinanggal ang kamay niya sa mata ko

"Hoy!ano ba!!"inis kong sabi habang nagpupumiglas sa panghihila ni Bruce,pinabigat ko naman ang sarili ko para mas lalo silang mahirapan ba hilain ako

"Lily wag kana makulit!!"saway ni Brian na parang natataranta din

Kaya naman doon na ako nainis at malakas na kinagat ang kamay ni Bruce,napasigaw naman siya sabay binitawan ang braso ko mula sa pagkakahila niya

"Ano bang problema niyo ha?! Kanina ang lalakas ng trip niyo tapos ngayon ano?hihilain niyo ako,tapos ano?ano?!!" halos magbuga na ako ng apoy sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon

"Lily,para rin sa heart mo toh" madrama namang sabi ni Brian at tinuro pa ang puso niya

"Bahala kayo!!"inis kong sabi at naglakad pabalik sa cafeteria

"Lily!!patay tayo!!"dinig kong bulong ni Brian kay Bruce

Ano bang meron sa cafeteria?!bwesit!kapag talaga may kalokohan na naman silang binabalak laban saken..humanda talaga sila saken..

Napatigil ako sa paglalakad ng nasa bukas na pinto na ako ng cafeteria,halos mabato ako sa kinatatayuan ko sa nakikita ko

Napakuyom naman kaagad ako ng kamao ng makita ko si Dave, nakaupo sa isang table habang may kausap na dalawang babae, at ang dalawang babae na iyon ay ang honor students ng kabilang section

Siguro one thousand over one thousand na ang dugo ko ngayon, kapag talaga inatake ako sa puso, sila ang pinakauna kong mumultuhin

Relax Lily...kaya mo toh..

Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko saka lumapit sa table na pinagpi-pwestohan nila Dave

Alam kong napagtitinginan na ako ng nga estudyante,pero ang mga paa ko,parang walang pakialam at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa umabot ako sa table nila Dave

Napatingin naman sa'ken ang dalawang babae na halatang nag-e-enjoy sa pakikpag-usap sa malanding lalaki na toh

"Ahm.."tinignan nila ako mula ulo hanggang paa na para bang nandidiri ito sa'ken "I think you got into the wrong table b*tch" aniya at tinarayan pa ako

G*go toh ah..tawagin ba naman akong b*tch?!

Tumikhim naman kaagad ako, dahilan para mapalingon din si Dave at halata ang gulat sa mukha niya ng makita ako,huli kang g*go ka

Ngumisi naman ako"Babe,sino sila?"pa inosente kong tanong sabay turo sa dalawang babae

Namilog naman ang mga mata nila,hindi lang ng dalawang higad na babaeng toh kundi pati nadin si Dave

"And who are you to call him babe?!"tanong ni white hair

"F.Y.I. ,I AM HIS GIRLFRIEND" mariin kong sabi

Halata namang nagulat sila dahil sa sinabi ko at agad na napatingin kay Dave

"Dave?totoong g-girlfriend mo siya?!"nauutal namang tanong ni red hair girl

"Oo,ako ang girlfriend niya,at alam niyo ba na kapag may girlfriend na ang isang lalaki,ibig sabihin off limits na siya"pataray kong sabi at tumingin kay Dave na ngayon ay nakatingin lang sa'ken na halos mahulog na ang panga "At alam niyo rin ba kung anong tawag sa mga babaeng haliparot at lumalandi sa lalaking may girlfriend na?" nakataas kilay kong tanong sa kanila

"Don't you dare call us that word.." pagbabanta naman ni white hair girl

Mas lalong lumapad ang ngisi ko sa labi "M.A.L.A.N.D.I"I spelt "at kung hindi niyo maintindihan, malandi..." pagsasaksak kopa sa pagmumukha nila

"How dare you!!"napatayo naman si red hair girl at akmang sasampalin niya ako pero napatigil din ng magsalita ulit ako

"Kung ako sa'yo hindi ko itutuloy yan,laking kanto ako,at kung kayo sampalan ang labanan,samin suntukan,so kung nagbabalak ka na sampalin ako,e-ready mo nalang yang pinagawa mong ilong na masira dahil sa suntok ko"

Napa 'oohh' naman ang mga kaklase ko na kanina pa pala nakatingin samin at nanonood

Nakita ko naman ang pamumutla niya at ng kasama niyang si white hair dahil sa sinabi ko,agad niyang ibinaba ang palad niya

"Let's go"sabi niya at sinaklay ang mamahalin niyang bag at umalis, saka naman sumunod si white hair

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko na para bang nakapanood sila ng palabas

Nang makaalis sila sa cafeteria, tumingin kaagad ako kay Dave na ngayon ay halatang gulat na gulat pa din

Hinawakan ko kaagad ang braso niya at hinila siya palabas ng cafeteria at sumama naman agad siya

Nag-iintay naman si Bruce at Brian sa labas ng cafeteria at para bang takot na takot

"Lily wala kaming kinalaman diyan!spare us from your punishment!!"parang tanga naman na pagmamakaawa ni Brian

"Oh!!"tinulak ko si Dave sa kanila "magsamasama kayo nga g*go!!" inis kong sabi at mabilis na naglakad pabalik sana sa room

G*go sila,bahala sila sa buhay nila

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon