33

225 14 0
                                    

LILY

"Oh..hi there babe-I mean Caleb" sabay naman ngumisi si Amethyst habang nakatingin kay Caleb, tapos bigla siyang tumingin sa'ken"Oh, and you are?" tanong niya

"Lelliana,Lily nalang" pagpapakilala ko at ngumiti

Don't judge the book by its cover, yeah,hindi ko muna siya iju-judge, baka mabait,syempre,'di naman siya magiging new bestfriend ni Caleb kung 'di siya mabait eh

"Oh,Hi there my dear,nice to meet you" aniya at inabot ang kamay niya sa akin para makipag shake hands

Ngumiti naman ako at saka pakikipag shake hands sa kanya, anlambot ng kamay...

"Sige,dito na ulit ako" malambing niyang sabi at umupo ulit sa upuan niya

At doon binulungan kaagad siya ng mga kababaihang nakapaligid sa kanya,narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa at pagsagot sa kanila,pero hindi ko masyadong naintindihan kasi masyadong maingay eh

"Let's take our seat" dinig ko namang sabi ni Caleb,nag init ang katawan ko ng hawakan niya ako sa pulsuan at hinila papunta sa upuan..namin

Umupo naman kaagad ako at inayos ang pagkakalagay ng bag ko,gusto kong lumingon sa likod para tignan kung andiyan na sila Dave,pero nahihiya akong lumingon,lalo pa't maraming kalalakihan sa likod ko,baka isipin nilang sa kanila ako tumitingin

"Lil,namiss ko toh"

Napatingin naman ako kay Caleb nang marealize ko kung anong sinabi niya,ba't naman niya ako mamimiss?hindi niya nga ako inalala sa loob ng maraming taon eh

"Namiss mo yung ano?" tanong ko at tumingin nalang sa mga daliri kong nanginginig na

"Yung magkatabi tayo sa upuan, gaya ng mga bata pa tayo" sabi niya at binaling ang tingin sa'ken

Ako rin naman.."Matagal na yun, kalimutan muna"pinilit ko ang sarili kong ngumiti at hinanda nalang ang notebooks ko, nang sa ganon ay ready na ako pagdating ni prof

"Ganoon nalang ba talaga sa'yo yung mga pinagsamahan natin dati?" may bahid ng lungkot sa kanyang boses ng bitawan niya ang mga katagang iyon

"Eh sa'yo?ganoon nalang din ba iyon?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya

Anong karapatan niyang tanungin ako na para bang sinusumbatan ako?siya kaya ang nang iwan!

Hindi na siya nagsalita at nanatili na lamang na nakaupo sa upuan niya,nagbago na nga talaga siya, dati ay masiyahan itong si Caleb, tsaka makulit.

Bigla ko namang naisip si Dave kaya kaagad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko at laking gulat ko ng makita ang naka pop sa lock screen ko

10 missed calls

5 messages from Dave koh

Dave koh:

Tang ina Lily!asan kana?!

Pumunta ako dito sa bahay niyo pero sabi ng mama mo ay may sumundo daw sa'yo!!

Tang ina ba't di mo sinsagot ang mga tawag ko!!

Argh!!Sumagot ka Lily nagaalala na ako sa'yo!!

Papunta na ako sa school ngayon, dapat nasa room kana,mag uusap tayo

Napakagat labi naman ako dahil sa mga messages niya,atsaka..parang galit pa siya.

Tsaka wala siyang karapatang magalit!!anong oras na kasi!baka malate pa ako kapag inantay ko siya!!

Magrereply na sana ako,ng bigla nalang may humablot sa phone ko, kaya mabilis kong tinignan kung sino iyon,at mas lalong dumoble ang inis ko ng makita si Caleb iyon

"Akin na yan Caleb!"inis na sita ko sa kanya

"No cellphones in class miss Madrigal" nakangisi niyang sabi

"Akin na sabi!!" kukuhanin kuna sana kaso bigla siyang tumayo ay inangat ang kamay niya

"Let's see if tumangkad ka nga"
gago toh ah,kung makapang insulto!

"Akin na!!"inis kong sabi at tumayo saka pilit na inabot ang cellphone, pero kada tumatalon ako eh mas lalo pa niyanv inaangat ang kamay niya

"Lintik akin na sa-ah!!"napatili ako ng bigla akong mawalan ng balanse,at natumba sa harapan ni Caleb

Sabay sabay namang nagsi 'ooh' ang mga kaklase ko,kaya agad akong umalis sa pagkaka kubabaw sa kanya

Sumunod naman siyang tumayo at ngumisi,sabay pinasok ang phone ko sa bulsa niya

"Akin na kasi Caleb" pagmamakaawa kopa,kaylangan kong replyan si Dave

Nagulat ako ng bigla niyang ipalibot ang kamay niya sa bewang ko at ang isa ay nasa batok ko, at bigla akong siniil ng halik

Nagsitilian naman ang mga kaklase ko na sa sobrang nakakabingi ay pumikit ako at tinulak kaagad si Caleb

Bago pa ako makapag salita,ay may malakas na kamao ang tumama sa mukha ni Caleb na nagpasigaw naman sa gulat saming nakakita

"G ago ka!!" sigaw ulit ni Dave habang patuloy ang pagsuntok kay Caleb

"Dave tama na yan ano ba.."pang aawat ko habang hinihila siya palayo kay Caleb

"Oh my God Caleb..no baby.." tinulak kaagad ni Amethyst si Dave at mabilis na niyakap si Caleb

"Dave tama na yan.." halos maiyak ako nang makita ko na dumudugo ang labi ni Caleb

"Class good mo--" napatigil si Prof sa pagsasalita ng makita si Caleb na nakahandusay sa sahig habang dumudugo ang labi "Everyone who is involve in this,INTO THE DEANS OFFICE!!!NOW!!" parang isang liyon na sigaw ni Prof bago tuluyang lumabas

"C-Caleb..babe..wake up baby.." mas lalong nanunubig ang mga mata ko ng makitang nanghihina si Caleb

Diyos ko!!hindi toh kaya ng konsensiya ko!!

"T-Tulungan niyo kami.." nauutal kong sabi habang lumalapit kay Caleb at iniakbay ang isa niyang braso sa balikat ko

"And what do you think you're doing?!!it's your fault kaya siya nagkaganito!!" pangsisisi naman ni Amethyst

"S-sorry,pero ngayon,kaylangan natin siyang madala sa clinic"

Nagsilapitan naman ang mga kaklase namin at nagtulong tulong na buhatin si Caleb

"Lily!!"

Napatili ako ng maramdaman kong hinihila ako palabas ng room

"D-Dave ano ba.." nagsimula ng tumulo ang luha ko,saan niya ba ako dadalhin "Dave s-si Caleb, kaylangan natin siyang puntahan" patuloy ako sa pag iyak na hindi kona namalayan na nasa locker room na kami

Napasinghap ako ng bigla niya akong idikit sa pader at hinawakan ang magkabila kong pisnge at inilapat ang mga labi niya sa labi ko

Hindi na ako pumalag,inaamin ko din naman,namimiss ko siya, kahit ilang araw lang kaming di nagkita, namiss kona kaagad siya

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pareho kaming kapos sa hininga,bigla niyang idinikit ang mga palad niya sa magkabilang pader sa side ng mukha ko,at nakakakot siyanv tumingin sa'ken

"D-Dave,kung ano ma y-yung nakita mo,nagkakamali ka lang" pagpapaliwanag ko pa habang patuloy ang pag agos ng mga luha ko pababa sa pisnge ko

"Sino ang lalaking 'yun?umamin ka Lily,kasi hindi mo alam kung anong klaseng sakit ang nararamdaman ko ngayon!!" napapikit ako sa bigla niyang pagsigaw

"S-siya si Caleb,y-yung dati kong bestfriend.."

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon