LILY
"Lily,okey ka lang?namumula mata mo!" pansin ni Brian sa'ken.
Mapait akong ngumiti at lumingon sa kanya"Alam niyong ex girlfriend ni Dave si Amethyst diba?" diretso kong tanong.
Halata naman ang pagkagulat sa kanilang mga mukha,mabilis silang nagkatinginan at agad na tumingin sa'ken na may pag aalinlangan kung sasagutin ba nila o hindi ang tanong ko.
Nandito kami ngayon sa treehouse namin ni Caleb,pagkatapos kasi ng nangyari kanina,hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Mabuti nalang at nandito pa itong tree house namin,ito kasi ang comfort place ko,mga bata palang kami dito na ako pumupunta.
Kapag pinapagalitan ako ni mama, dito ako pumupunta para umiyak, kapag nag aaway sina mama at papa,dito ako pumupunta, kapag nag aaway kami ni Caleb,dito ako pumupunta,tapos pupunta din siya dito,para mag sorry.
Minsan nga kahit ako ang may kasalanan,siya parin ang nagso-sorry,mga bata pa talaga kami noon.
"Lily,s-sorry hindi namin agad sina-"
"Agad sinabi?g ago!kelan niyo balak sabihin?!kapag nagkabalikan na sila?!mga gago talaga kayo kahit kelan!" inis kong sabi at binato sila pareho ng unan.
May unan dito sa treehouse namin ni Caleb,noong mga bata pa kasi kami mahilig kaming mag sleep over,tapos magdadala kami dito ng mga chichirya.
"Sorry na,ayaw niya kasing ipasabi,pero nangako naman kasi siya na sasabihin niya sa'yo eh!" depensa naman ni Brian at umakto pang nakaluhod at parang bata na nagmamakaawa
Umiling iling ako "Lumayas nga kayong dalawa dito sa treehouse namin!" pagtataboy ko sa kanila
Nagulat naman sila sa sinabi ko, nakita ko naman ang panunubig ng gilid ng mga mata ni Bruce at Brian,mga gago!iiyak ba ang mga toh?!
"Lily naman..wala namang ganyanan..friends parin tayo uy!"
"Lily please,we're sorry okey?! Please don't do this,we treat you as our friend,and it hurts when someone is un friending you!" depensa din ni Bruce
"Anong 'we treat you as a friend!?' Ulol!ako lang ang nagtatrato kay Lily bilang kaibigan,kayo ni Dave, pareho kayong baliw na baliw dito kay Lily!" inakbayan ako ni Brian at bahagyang yinugyug.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Bruce at tinawanan lang siya ni Brian.
"Guys..please..umuwi na muna kayo" pagmamakaawa ko
Ramdam ko naman ang panghihina ng braso ni Brian na nakaakbay sa'ken,kita ko rin ang pagbaba ng balikat ni Bruce.
"L-Lily,g-galit kaba talaga samin?" tanong ni Bruce
Pinakita ko sa kanila ang ngiting puno ng sakit at pighati "Hindi ko alam."sagot ko at tumungo habang pinipigilan ang mga luha kong mahulog mula sa mga mata ko "Hindi ko alam kung galit ako sa inyo o hindi,siguro hindi,kasi kaibigan ko kayo,s-siguro oo kasi kaibigan ko kayo at pinagkatiwalaan ko kayo,pero pare-pareho niyo akong inuto" humikbi ako.
Naninikip na naman ang puso ko, ramdam ko na naman ang kirot sa puso ko,hindi ko nga alam kung saan nanggagaling ang mga luha ko eh,hindi maubos ubos!
"Lily,p-patawarin mo kami,h-hindi naman namin ginustong hindi sabihin sa'yo eh!" pagpupumilit pa ni Brian habang niyayakap ako.
Mapait akong tumawa bago dahan dahang humiwalay sa pagkakayakap niya sa'ken "Kaylangan ko lang ng time para mag isip" sabi ko saka pinahid ang mga luhang nagsisimula na namang lumabas sa mga mata ko.
"Lily,wala namang ganyanan.." pag aawat pa ni Brian saken
"Sige na uwi na muna kayo, gusto ko munang mapag isa,naiirita ako sa inyo,kapag nakikita ko kayo gustong gusto ko kayong suntukin sa pagmumukha,kaya kung ako sa inyo,lumayo layo muna kayo sa'ken" pagbabanta ko pa
BINABASA MO ANG
Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)
TeenfikceAng sabi nila,mahirap daw magkaroon ng boyfriend na gwapo,hot,and at the same time sobrang yaman. Kasi maraming babae daw sa paligid ang magkakagusto rito at magtatangkang agawin siya sa'yo. Pero ang mga taong nasa paligid nga ba ang nakakatakot pag...