LILY
Ilang minuto ding tahimik ang byahe namin,gusto kong magsalita pero parang naputol ang dila ko at parang na-zipper ang mga labi ko.
Sa bawat pagkakataon na gusto kong magsalita,parati akong pinangungunahan ng kaba,gusto kong panindigan ang sinabi ko sa sarili ko na pipiliin ko ang maging masaya, pero pinangungunahan parin ako ng kaba at takot na baka mauwi na naman sa wala ang desisyong gagawin ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti na parang tanga dahil sa sinabi niya kanina,hindi ako makapaniwala na naalala niya,pero—wala ng kami eh, kaya anong sense na i-celebrate yung monthsary?
"Nakalimutan mo?" tanong niya habang nakatuon parin ang mga mata niya sa kalsada.
Nakatungo naman ako,"W-wala na naman kasing tayo eh,kaya anong sense niyan?"
Parang may dumaan na isang anghel sa biglang pagtahimik ng loob ng kotse,sa gilid ng mga mata ko, kita ko kung paano napahigpit ang pagkaka-kapit ni Dave sa manibela.
"So,"pagkatapos ng mahabang katahimikan ay nagsalita din siya, "walang sense yung araw na sinagot mo ako?na naging tayo?"madiin niyang sabi.
"N-noon mahalaga yun,pero ngayon, ahm,kasi,w-wala na naman kasing tayo eh,d-diba?" tinignan ko siya,pero nakatuo parin ang mga mata niya sa daan.
"Akala ko nagtitiwala kana ulit sa'kin, akala ko binibigyan muna ulit ako ng pagkakataon,akala ko may tayo na ulit." akala ko din naman.
Pagkasabi niya nun ay kasabay na huminto ang kotse.
Hindi kona namalayan na andito na pala kami sa tapat ng univeristy, sa lalim ng iniisip ko,hindi kona namalayan.
Akmang bababa na siya ng kotse, hinawakan ko kaagad ang pulsuan niya,kaagad din naman siyang napahinto,napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa pulsuan niya bago nagtatakang tinignan ulit ako.
Nagsisimula ng humapdi at kumirot ang puso ko,gusto kong magsalita pero walang salitang lumalabas sa bibig ko.
Andami kong gustong sabihin, gustong aminin,pero pinangungunahan ako ng takot at pangamba,hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala o hindi.
Sawang sawa na ako sa sakit,gusto ko namang maging masaya,pero bakit parang ang hirap namang gawin?
Bakit ang hirap maramdamang masaya ako?
"L-Lily?"
Sa isang kurap ay tumulo ang kapirasong luha galing sa kaliwa kong mata,pinipigilan ko pero parang mas nahihirapan lang ako?
"L-Lily,"pagtawag niya,mula sa pagkakatungo ay nag-angat ako ng tingin,hinayaan ko siyang mabasa ang emosyon sa mga mata ko,ang emosyon na nararamdaman ko sa mga oras na toh,"L-Lily—fck!"mabilis pa sa alas kwatro ang pagpalibot ng mga braso niya sa likod ko,niyayakap ako ng mahigpit.
Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko,kahit anong pigil ko,kahit anong iwas ko,hindi parin nawawala ang sakit na nararamdaman ko.
"Lily—you're in pain."bulong niya habang hinihimas ang buhok ko, marahan pero ramdam ko ang paghigpit ng isang kamay niya sa may likod ko.
"P-pagod na pagod ako Dave," humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya,ibinaon ko pa lalo ang mukha ko sa dibdib niya.
"Lily,mahal na mahal kita,nasasaktan ako kapag nakikita kang umiiyak, when you're hurt,I also am." pumiyok ang boses niya.
"S-sinasaktan niyo l-lang naman ako eh..k-kayong l-lahat—l-lahat kayo.." mas lumakas ang hagulhul ko.
"I know,and I'm sorry."
I'm sorry,ilang beses ko na nga bang narinig 'yan?
"Give me a chance Lily,I won't promise that I won't hurt you,but I promise that I'll do my best to not hurt you,I'll do my best to be your best boyfriend,the boyfriend that you ever dreamed of."
"N-nakakapagod na eh..sabi ko sa sarili k-ko,n-na bibigyan k-kita ng chance,p-pero,natatakot ako Dave, n-natatakot ako na baka masaktan na naman ako.."
"I won't force you,give me a chance when you're ready,I will earn your trust again,and this time,I promise I won't break your trust."
Marami pa siyang sinabi,pero nabibingi ako sa sarili kong pag-iyak, wala akong marinig ng maayos, pakiramdam ko ay bumabagal ang mundo,pero bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Sleep my sweet Lily,take some rest, I promise when you wake up,I'm still by your side,when you wake up, you're still here—in my arms,I love you my Lily."
Dahil sa sakit na nararamdaman ko, dahil sa pagod na nararamdaman ko, ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang ang sarili kong makatulog sa tabi niya,sa piling niya.
***
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko,kaagad na tumambad sa'kin ang puting kurtina sa may bintana, puting dingding,puti lahat.
Teka,nasaaan ako?!
Akmang babalikwas ako ng bangon pero kaagad na napatigil ng makaramdam ako ng bigat sa may tiyan ko,kaagad kong ibinaling ang tingin ko may tiyan ko,at napakagat labi nang makita ko si Dave,nakaupo sa isang maliit na upuan katabi ng kinahihigaan ko,nakahiga ang ulo niya sa kamay at nakayakap sa may bewan ko ang kamay niya.
Ngayon ko lang narealize na ang gwapo pala talaga niya,ang tangos ng ilong niya,ang pula ng labi niya,bagay na bagay ang gupit ng buhok niya sa mala korean niyang mukha,at ang asul niyang mga mata—teka ano?!
"Am I handsome enough for my Lily babe?"
Kaagad kong inalis ang kamay ko na sinusuklay ang buhok niya,at kaagad na nag iwas ng tingin,na kunwari'y nakatingin ako sa magandang paso sa tabi ng balkonahe.
Teka balkonahe?! Nasaan ba talaga ako?!
Bago pa man ako magsalita,n nakasagot na kaagad siya"Nasa bahay tayo,"hinalikan niya ang noo ko,at iginiya ako paupo,"Nagpaalam naman ako kay tita na dadalhin kita dito, and I also promised na wala akong gagawing milagro sa'yo." saad niya at ngumisi.
Bwesit!Si mama talaga!
"A-ah,"lumunok ako,"absent ba ako ngayon?"tanong ko.
Natatawang umiling siya, "Nope,excuse tayo"aniya at tumabi sa'kin sa pag-upo sa malambot na kama.
"A-ah,"luminga linga ako sa paligid, "Dave"tawag ko sa kanya.
"Hmm?"sagot niya.
"Salamat ah."
"Saan?"
"Kasi..t-tinupad mo yung sinabi mo kanina,n-na hindi ka aalis,n-na dito ka lang sa tabi ko." tumungo ako para itago ang siguradong namumula kong mga pisnge.
"No need to thank me for that babe," hinawakan niya ang baba ko at bahgya iyong inangat,"I love you." aniya bago idinampi ang labi niya sa labi ko.
Sandali lang iyon at kaagad din siyang humiwalay.
"Gusto mo tayo na ulit?"tanong ko.
Nanlaki naman ang mga mata niya, halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko,bigla namang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya.
"Yes!"bigla niya akong niyakap at hinalik halikan sa pisnge,kaagad ko naman siyang sinamaan ng tingin dahil sa ginawa niya,"ah,"napakamot siya sa ulo,"I got carried away," niyakap niya ulit ako,"I love you."
Napangiti naman ako,hindi ko akalain na sa isang araw lang ay mawawala kaagad ang mga sakit sa puso na nararamdaman ko,hindi ko akalain na siya lang pala ang lunas sa sakit na nararamdaman ko.
"Mahal din kita."sagot ko at ngumiti.
————————————————————————————————————————————————
Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!
BINABASA MO ANG
Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)
Novela JuvenilAng sabi nila,mahirap daw magkaroon ng boyfriend na gwapo,hot,and at the same time sobrang yaman. Kasi maraming babae daw sa paligid ang magkakagusto rito at magtatangkang agawin siya sa'yo. Pero ang mga taong nasa paligid nga ba ang nakakatakot pag...