53

252 14 3
                                    

LILY

Isang linggo,isang linggo na nang maghiwalay kami ni Dave,hindi ko parin lubos maisip na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin bago naging kami,ay saka din naman kami maghihiwalay.

Buong linggo kaming walang pasok,dahil daw kasi yun sa gaganaping intrums at unit meet, buong isang linggong nag training ang mga athletes ng school namin.

Balak ko sanang sumama eh,kaso wala ako sa mood,kasi hanggang ngayon,dama ko parin ang kirot ng puso ko,peo kahit papaano ay nabawasan iyon dahil sa tulong ni Caleb.

Siya yung laging nasa tabi ko sa loob ng isang linggo,lagi siyang nasa bahay namin at kinukulit ako ng kung ano ano para lang mapasaya ako,and he succeeded.

Sina Bruce at Brian naman,ewan, hindi ko muna kasi sila ki-nontak, knowing kasi na may alam pala sila sa dating relasyon nila Dave at Amethyst tapos 'di manlang nila sinabi saken,nakaka dissapoint.

Minabuti ko na din muna na hindi muna mag online,kasi puro messages ng mga kaklase ko ang nababasa ko,yung iba pinagtatawanan ako at yung iba naman ay nagso-sorry dahil sa pagdedeny nila nang tanungin ko sila,sabi nila natatakot daw kasi sila kay Amethyst, makapangyarihan daw kasi ang pamilya nila,at baka daw kapag nagsabi sila ng totoo ay ipatanggal sila sa school.

Naglalakad ako ngayon papuntang school,may pasok na kasi kami, balita ko din ngayon na ia-announce ang magiging kasaling members sa sports team sa school.

'peet!'

At hindi na rin ako magtataka kung maririnig ko na naman ang businang iyan,sa loob ng isang linggo laging tumutunog ang businang yan sa harapan ng bahay namin.

"Uy Lil!sakay na!" sigaw ni Caleb habang patuloy siyang nagmamaneho.

"Sige lang,ayos na akong maglakad." pagtanggi ko pa.

Sanay na akong laging sumasabay sa kanya sa kotse,pero naiirita kasi ako kasi kapag magkasama kami sa kotse panay ang kwento niya tungkol sa kabataan naming dalawa,at ang napili pa talagang i-kwento ay yung mga kagaguhan namin noon.

"Lily!promise 'di na ako magke-kwento"

"Lagi mo 'yang sinasabi"walang emosyon kong sabi

"Lily naman..sige na..sakay na..." tinunuhan pa niya ang pagsasalita niya na para bang kumakanta siya ng isang unknown na kanta.

At dahil inulit ulit niya ang sinasabi niya,wala na akong nagawa kundi bumuntong hininga na lamang at umiling bago pumasok sa kotse niya.

"Ready kana?" biglang tanong niya sa kalagitnaan ng paglalagay ko ng seatbuilt.

"Ready na?"nagtataka kong tanong sabay umayos ng upo.

"Na pumasok!syempre magkaklase
kayo ng ex mo eh"

"Wow,thanks sa comfort ah" sarkastiko kong sabi sabay pinaikot ang mga mata.

Tumawa naman siya at umiling "Basta kapag kaylangan mo ng back-up andito lang ako ah" sabi niya at ngumiti.

Tumango lang ako bilang sagot.

Ilang minuto ang nakalipas at purong katahimikan lang ang maririnig sa kotse,an awkward silence.

Kaya naman napag isipan kong itanong sa kanya ang isang bagay na matagal ko ng gustong itanong sa kanya.

"Caleb"lumingon naman siya saken "ba't mo ginagawa toh?" tanong ko.

Bahagya naman siyang natahimik, pero nagsalita din kalaunan "ginagawa ang alin?"

I rolled my eyes,painosente pa ang gago "Ito!itong hinahatid sundo mo'ko,na dinadamayan mo'ko sa problema ko,na lagi kang nandiyan para sa'ken"

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon