04

693 30 3
                                    

Chapter 4

Andito na ako ngayon sa garden, nakatingin sa isang lalaking nakaupo sa bench na malapit sa pond.

Oo,pumunta ako,tsaka..si Bruce 'yon e,mabait naman si Bruce e,hindi one hundred percent na mabait pero pwede na,siguro 'yon ang naging rason ko kaya napagpasiyahan kong pumunta.

Tsaka..gusto ko rin namang marinig ang side niya,kasi sa kanilang tatlo siya naman ang maituturing na 'not so evil',hindi kagaya ng lintik na Dave at Brian na 'yon.

Huminga ako ng malalim saka ngumiti at nagsimulang lumapit sa bench kung saan siya nakaupo, nakatalikod siya kaya medyo hindi ko kita ang mukha niya,pero suot niya ang kulay blue na T-shirt,naka-jeans at white na sapatos.

Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayong nasa likod na niya ako,parang dumadagundong ang loob ng dibdib ko sa sobrang kaba.

Huminga ako ng malalim at kinapalan ko na ang mukha ko,total siya naman ang may kasalanan sa'kin,kaya siguro naman 'di masyadong nakakahiya kung ako ang tumawag sa kanya.

"Bruce"pagtawag ko sa pangalan niya, narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago dahan-dahang tumayo,at nang umikot siya para harapin ako,mabilis na nawala ang ngiti ko sa labi.

Agad na nagkasalubong ang mga kilay ko,at kumulo ang dugo ko habang nagtatagis ang aking bagang.

"I-ikaw?!"hindi makapaniwalang tanong ko habang bakas ang gulat sa mukha ko.

"Yeah?"saad niya bago ngumisi.

"P-pero—Argh!bwesit ka!"sigaw ko sabay talikod sa kanya,ayaw ko siyang makita bwesit!Ayaw kong makita ang pagmumukha niya!

Napatigil ako sa paglalakad nang may kamay na humawak sa may siko ko, agad na bumaling ang tingin ko sa kamay na nakahawak sa siko ko.

Nagkasalubong ang nga kilay ko at nanlilisik ang mga matang nag-angat ng tingin,at agad na nasalubong ang mainit na tingin ni Dave.

Mabilis niyang binitawan ang braso ko nang ma-realize niya kung anong ginagawa niya.

"Look Lily,'yong nangyari sa'yo kahapon,hindi ko kasalanan 'yon!—" napatigil siya sa pagsasalita na para bang na-realize ang sinabi niya,"well..some of it,pero wala akong sinabi sa kanilang hubaran ka nila o ano pa!Ang sabi ko sa kanila ay takutin ka lang,kasi ang lakas ng loob mong kalabanin ako!"

Mas lalong kumulo ang dugo ko sa 'paliwanag' niya.

Nagpapaliwanag daw pero bakit parang ako pa ang may kasalanan?! Nanunumbat pa talaga siya?!

Nakakamatay na tingin ang ibinaling ko sa kanya at inisang hakbang ang pagitan naming dalawa.

"You're an animal"matigas kong sabi bago mabilis na tumama ang kamao ko sa kanyang pisngi.

"Fuck!"napamura siya sabay hawak sa kanyang pisnge,"Why the hell did you do that!And who the hell do you think you are to call me animal huh!?"

Biglaan at marahas niyang hinawakan ang braso ko,masakit 'yon at pakiramdam ko ay napipiga ang maliliit kong braso.

"I hate you!Gago ka!Gago ka!"sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawaka niya,pero mas lalo lang iyon na naging mahigpit.

"Galit ka ba talaga dahil sa nangyari kahapon o dahil hindi si Bruce ang sumipot sa'yo dito?Ha?"kita ko ang pagdidilim ng kanyang mukha at ang pag-igting ng kanyang panga.

"Aba e gago ka naman pala talaga e!" sigaw ko ulit sa kanya habang pilit na binabawi ang braso ko,pero nabigo ako,"Sino ba naman ang gugustuhing ma-rape?!Ha?!Puta ka!At paano nasali dito si Bruce?!—Ah!"napasigaw ako nang mas humigpit pa ang hawak niya sa braso ko.

Hinila niya ako gamit ang aking braso at matalim akong pinakatitigan,"It's not my fault kung bakit muntik ka ng ma-rape,sino ba kasi ang paulit ulit na kumakalaban sa'min ha?"may pagyayabang at pagbibintang sa kanyang boses.

Hinawakan ko ang kamay niya nakahawak sa braso ko at pilit 'yong tinanggal,"Gago!Kasalanan mo kung bakit muntik akong ma-rape!Kasi ikaw ang nagpadala ng mga gago mong alipores!"

"Pero wala akong sinabing hubaran ka o ano man!Bakit ba ang hirap paniwalaan ng sinabi ko ha?!"

"Aba ewan ko?!Siguro dahil ilang taon mo na akong binu-bully kahit wala naman akong natatandaang kasalanan ko sa'yo!"dinuro ko siya sa dibdib.

"Bakit?Am I the only one who has been bullying you for years?!'Diba sila Brian at Bruce din naman?!Pero sa'kin ka lang galit na galit!Sa'ming dalawana ni Brian!Why?Kasi may gusto ka kay Bruce kaya 'di mo magawang magalit sa kanya?!"bigla akong natahimik sa sinabi niya, nagbaba ako ng tingin habang nagsisimula ng mamuo ang muntik luha sa gilid ng mga mata ko.

"What?Cat got your tongue?"mahina siyang tumawa,"You know Lily, magpasalamat ka nga at hanggang ngayon ay andito ka parin sa eskwelahang 'to e,kasi kung tutuusin, kayang kaya kitang ipatanggal dito ano mang oras ko gusto"may pagbabanta sa boses niya.

Nakuyom ko ang mga kamao ko, "Tinatakot mo ba ako ha?!"sigaw ko sa kanya.

"No,"ngumisi siya,"I'm just giving you a warning,kaya pipiliin mo ang kakalabanin mo"mariin niyang sabi.

"Ano bang nangyayari sa'yo Dave?!" hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong,dahil sa totoo lang,ilang taon ng nasa isip ko ang tanong na 'to, pilit hinahanapan ng sagot,pero hindi ko talaga mapagtanto kung ano.

Napahikbi ako,"Hindi ikaw ang Dave na nakilala ko no'ng mga bata pa tayo, hindi ikaw ang Dave na pinagtatanggol ako kapag may umaayaw sa'kin,what happened to you?Anong kasalanan ko sa'yo?!Anong problema mo?!" sigaw ko.

Bahagyang lumuwag ang hawak niya sa braso ko,pero hindi niya parin iyon binitawan.

"You're attention is always on Bruce, that's the problem"halos pabulong niyang sabi,pero rinig na rinig ko 'yon,hindi ako pwedeng magkamali.

"Anong pinagsasasabi mo?!Diretsohin mo ako pwede ba?!"

"Fuck!"malutong niyang mura,"It's your fault why I became who I am now,kasalanan mo,ikaw ang may kasalanan"

"Bakit ako?!"depensa ko naman, "Wala akong naaalalang kasalanang ginawa ko sa'yo!"

"Kasi malandi ka"

Nabato ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya,pakiramdam ko ay binuhusan ako nang malamig na tubig dahil sa sinabi niyang tagos sa puso ang sakit.

"You're attention is always on Bruce kasi gusto mo siya,kaya gano'n mo siya kadaling mapatawad dahil nay gusto ka sa kanya,ano?Para lumambot siya sa'yo?"mahina siyang tumawa, "’Wag ka ng umasa,'di 'yon pumapatol sa malalandi"

"That's it!Bitawan mo'ko!"sigaw ko sa kanya at nagpatuloy sa pilit na pagbawi ng braso ko,pinipigilan ang mga luha kong tumulo.

"Why?Can't handle the truth na malandi ka?"

"Putang ina mo!Hindi ako malandi!" tinipon ko lahat ng lakas ko,saka mabilis na iginalaw ang tuhod ko at tumama iyon sa kanyang ibaba, dahilan para mapadaing siya at napaluhod habang hawak hawak ang kanya.

"Buti nga sa'yo!Gago ka!"sigaw ko at tumakbong umiiyak.

"Fuck!I'll get you for this Lily!Fuck!" dinig kong sigaw niya habang patuloy ako sa pagtakbo.

❦︎

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon