57

243 11 0
                                    

LILY

Puno na naman ng pasa ang mukha ni Caleb,magang maga din ang mga pisnge niya dahil sa ginawa ni Dave.

At dahil din sa nangyari ay na-suspend si Dave sa team nila, si Bruce muna ang ginawang bagong team captain.

Nandito kami ngayon sa garden, si Caleb,Bruce,Brian at ako, kulang nalang ay si Dave,ay lintik!ba't ko ba yun iniisip?!

"I hate your ex." biglang sabi ni Caleb habang nakaupo sa damuhan katabi si Brian at Bruce, ako naman ay nasa likod nila nakaupo sa bench.

"Yeah,kahit ako man din,naiinis na din ako sa kanya,Dave changed, mas lumalala na siya." komento ni Brian habang nagbabato ng mga bato sa lawa.

"Yeah,since Lily and him broke up, lagi na siyang galit sa mundo, kahit samin ni Brian." bumato na din si Bruce at tumalbog ito ng apat na beses sa tubig bago lumubog.

Napatikom kamao naman ako dahil sa konsensiya ko,bakit parang ako pa yung may kasalanan?

"You guys do know that Lily is just behind us,right?" tanong ni Caleb sa dalawa.

"Yeah."sabay nilang sagot."Aray!" "ouch!!" magkasabay din nilang reklamo ng batukan ko sila.

"Mga gago kayo pinaparinggan niyo ba ako ha?!" inis kong tanong sa kanilang dalawa.

Lumingon silang tatlo sa'ken at umupo paharap "Hindi naman sa ganon.." sagot naman ni Brian na halata namang yun ang ibig sabihin niya.

"But seriously Lily,wala na ba talagang chance si Dave sa'yo?" tanong ni Bruce.

Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko,paano naman siya magkaka chance ulit kung hindi naman siya nanghihingi ng chance?!

"Parang okey lang naman sa kanya  na naghiwalay kami,parang wala nga lang sa kanya eh.." sagot ko at kaagad na hinawakan ang kamay kong nanginginig na.

"You're wrong,"agad na sagot ni Bruce "Since you broke up with him,lagi na siyang naglalasing, laging nagwawala,at laging galit sa mundo,he even punched me dahil sa pagseselos!" pagpapaliwanag niya.

Nanlaki naman kaagad ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at kaagad na tumingin kay Bruce.

"H-he punched you?"ang lakas ng tibok ng puso ko habang pino proseso ng utak ko ang mga sinabi niya.

"Oh,you have no idea,kahit ako na BAGONG bestfriend mo pinagseselosan niya" aniya at nagparinig pa kay Caleb na siya ang bago kong bestfriend.

I rolled my eyes "Puro kayo kalokohan,uwi na 'ko" tumayo ako at isinaklay ang bag ko "siguraduhin niyong tatlo na hindi kayo nagpa-plastikan,baka masapak ko kayo"

Narinig ko naman ang pagtawa nilang tatlo,pinaikot ko nalang ang mga mata ko bago naglakad nalang ulit.

Habang patuloy akong naglalakad ay napansin ko kaagad ang magkayakap na mga hinayupak sa daan,napabuntong hininga nalang ako bago nilagpasan sila.

"Hey D,do you want to have some lunch with me?" dinig kong tanong ni Amethyst kay Dave.

"Sure,no prob."dinig ko namang sagot ni Dave.

Gago,hindi ako kasing tanga ng iniisip niyo,alam kong pinaparinggan niyo 'ko,well,two can play at that game.

Nang makalabas ako ng gate ay kaagad kong kinuha ang phone ko at nagkunwaring may kausap.

"Ah,h-hi,oo,andito na ako sa labas ng university,-"tumawa ako na para bang kinikilig "ewan ko sa'yo ang corney mo,-"inipit ko ang buhok sa gilid ng mukha ko papunta sa taenga ko "oh,okey, bar?hm..sige,see you there,bye, love you." sagot ko,at sinigurong maririnig nila ang mga sinabi ko.

Kaagad akong naglakad palayo.

"Amy,mauna ka ng umuwi,may pupuntahan lang ako" dinig kong sabi ni Dave.

Kaya mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko,bwesit!mas binilisan ko pa ang lakad ko,at nang marinig ko na may mga tunog ng yapak na sumusunod saken,kaagad akong tumakbo.

"Hey." napatigil ako sa paglalakad ng may 'di kilalang lalaki ang nakatayo sa harap ko at bumati.

Kinakabahan akong nag wave "Hi"

"Lily!"nang marinig ko ang boses na iyon kaagad akong yumakap sa 'di kilalang lalaki sa harap ko.

"How are you?akala ko ba sa bar tayo magkikita?" Napalunok naman ako dahil sa nagtatakang titig saken ng gwapong lalaki.
"Sumakay ka nalang!"nanggigigil kong bulong sa kanya.

Napalunok naman ang lalaki at ngumiti nalang "Sorry baby, I want to surprise you,so..yeah" sagot niya at hinalikan ang noo ko.

Gagong toh!humanda ka talaga saken mamaya.

"Ah!"napatili ako ng biglang may humila sa'ken.

"Sorry dude,but she's already taken."

Napatingala ako sa lalaking humila saken,at hindi ako nagkamali ng hinala kung sino siya,si Dave.

Tumingin saken ang lalaki na may pagtataka,halata sa kanyang mga mata kung itutuloy ba niya ang pagsakay o hindi na,kaya kaagad ko siyang sinamaan ng tingin.

Napangisi naman siya at umiling "Asawa nga naaagaw,girlfriend pa kaya?"

Kahit ako ay nagulat din sa isinagot niya,halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Dave sa bewang ko, kaya medyo lumayo ako sa kanya,pero kaagad niya akong hinila pabalik.

"H-hindi niya ako girlfriend,ex niya lang." sagot ko kaagad na mas lalo namang napahigpit sa hawak ni Dave sa bewang ko.

"Oh.."he made an face na talagang magpapainis sa kahit sino"sorry about that,let me correct my sentence for you,"ngumisi siya "Asawa nga naaagaw,ex pa kaya?" at ngumisi siyang muli.

"Gago!!"agad na tumama ang kamao ni Dave sa mukha ng lalaki na dahilan para mapatili ako at hawakan ang polo ni Dave at hilain siya.

"Dave ano ba!!nakakarami kana!!" sigaw ko at tinulak siya palayo.
"S-sorry talaga,mamaya nalang tayo mag usap ha?"

Ngumisi lang siya bago tumango. "Okey,I'll for you in the bar, see ya love!" sigaw niya bago sumakay sa nakaparadang motor.

Kinakabahan akong lumingon, nang makalingon ako ay kaagad na dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko,sinubukan ko siyang itulak pero mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa pulsuan ko.

Diyos ko!ito na naman!!kakahalik pa lang niya sa'ken kahapon eh!! Lintik naman talaga!!!

May munting ungol ang lumabas saken ng sipsipin niya ang ibabanv labi ko.

Puta!!nasa gilid kami ng kalsada!!!

Nang humiwalay siya ay habol habol ko ang hininga ko at napasandal ako sa kanya dahil sa sobrang panginginig ng tuhod ko.

"W-wala ng tayo." bulong ko habang patuloy ang paghingal.

"Ang mag-asawa nga nagkakabalikan, mag ex couple pa kaya?"

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon