54

255 10 4
                                    

LILY

Buong klase akong hindi mapakali, ramdam ko kasi na may tumititig saken,hindi ko alam kung sino, pero ramdam ko talaga eh,hindi ko tuloy maiwasang lumingon lingon para tignan kung sino yung nakatingin sa'ken,pero hindi ko parin makita.

"Uy!"

Napalingon kaagad ako dahil sa kumalabit saken,napangiwi naman ako nang makita si Brian na may dalang mga baloons at si Bruce naman ay may mga dalang teddy bears.

"Sorry na." inabot saken ni Brian ang mga baloons na dala niya saken dahilan para masubsub sa mukha ko yung mga lintik na lobo.
"Ay sorry" kinakabahan siyang tumawa at napakamot pa sa ulo niya.

"Lily,please forgive us" seryosong sabi ni Bruce at inabot sa'ken ang stuff stoy na may hawak na karatola na may sulat na forgive me pls.

Natawa naman ako bago tinanggap ang malaking stuff toy at mga baloons na iba't iba ang mga kulay,ngayon ay nagmukha na akong birthday girl.

"Upo kayo" pag aaya ko sa kanilang umupo sa tabi ko.

Nasa garden kami ngayon,gusto ko kasing magpahangin,sobrang nakaka stress na ang klase ko, ayoko sanang pumunta sa lugar na toh kasi..dito kami naghiwalay, pero at the same time,ito ang favorite place ko.

"Namiss kita.." madramang sabi ni Brian habang mahigpit akong niyayakap.

Hinimas ko naman ang buhok niya bago sumagot "Namiss din kitang gago ka" bulong ko sabay tawa.

"Aherm."

Sabay kaming nag angat ng tingin ng makarinig kami ng tikhim, si Bruce,tumawa naman ako bago umusog para makaupo rin siya.

"We really tried to tell you Lily" pagpapaliwanag ni Bruce.

Ngumiti lang ako kahit na ang totoo ang kumikirot na naman ang puso ko.

Pabiro akong tumawa bago pinahid ang nagbabadyang luha na gustong tumulo galing sa mga mata ko.

"And believe us Lily,mahal na mahal ka ni Dave." pagpapaliwanag ni Bruce habang nakatingin lang sa mga bulaklak.

Nilingon ko naman kaagad siya, pero nananatili parin ang tingin niya sa mga bulaklak.

"Paano mo nasasabi 'yan Bruce? Pinili niya yung hinayupak na Amethyst na yun kesa sa'ken,kaya paano mo naman nasabing mahal niya ako?" umiling iling ako.

"Concern lang siya kay Amy kasi buntis siya,pero mahal ka talaga niya Lily"

I rolled my eyes "Iba nalang ang i-topic natin,naiinis ako sa inyo eh" saway ko.

"Asan na nga pala yung Caleb?" tanong ni Brian na halatang may pagkainis sa boses

"May pupuntahan daw eh,ewan kung saan,'di naman sinabi" pagpapaliwanag ko.

"Alam mo,naiinggit na ako sa Caleb na yan!" parang bata na sabi ni Brian

Yumuko naman ako para tignan siya "Bakit naman?" tanong ko.

"Eh mas close na kayo eh, dumating  lang siya kinalimutan muna kaagad ako!" sabay sumimangot pa siya.

Parang bata talaga 'tong lalaking toh.

"Para ka talagang bata!"hinimas ko ulit yung buhok niya "Pareho naman kayong boy bestfriend ko eh" sabay tawa ko pang sabi.

"Oo na nga,'di na ako magseselos, mas gwapo naman ako sa kanya" pagmamayabang pa niya.

I rolled my eyes "Bruce anong signal daw yung bagyong Brian?" tanong ko kay Bruce na ikinasimangot naman ni Brian.

"Heh!nagtatampo na naman ako!"

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon