LILY
Pagkatapos naming mag usap sa treehouse namin ni Caleb,agad din kaming umuwi,sinubukan nina Bruce at Brian ang magtanong kung ano ang pinag usapan namin, pero mas pinili ko ang 'wag silang sagutin.
Tahimik akong umupo sa bench sa likod ng garden ng school namin, huminga ako ng malalim,at amoy na amoy ko pa ang amoy ng mababangong chicharon bulaklak.
Kaya itong lugar talagang toh ang paborito kong lugar dito sa school namin eh,andito kasi ang paborito kong bulaklak,dagdag pa ang magandang pond kung saan lumalangoy ang madaming gold fish.
Nawala naman kaagad ang ngiti ko ng makita ko si Dave na naglalakad papalapit sa'ken,halata ang galit at inis sa kanyang mga mata.
Tumayo kaagad ako at kinuha ang bag kong nakasandal sa bench at isinuot ito,akmang aalis na ako ng hawakan niya ang braso ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
Inis naman akong lumingon sa kanya "Ano?!" inis na tanong ko sa kanya
"Mag usap tayo" mariin niyang sabi.
Marahas kong inagaw ang braso ko mula sa pagkakahawak niya "Wala tayong dapat na pag usapan" mariin ko ding sabi
"Yes we have,we're going to talk about you behavior" aniya
Natawa naman ako bago umiling "Ano?ipagtatanggol muna naman yung Amethyst na yun?!" galit kong tanong sa kanya
"Wala akong pinagtatanggol Lily, ang saken lang at 'wag kang mandamay ng ibang tao sa galit mo sa'ken"
"Aba e gago ka pala talaga eh! Wala nga sabi akong kasalanan! Siya yung nanabunot saken! Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko!" sigaw ko sabay dinuro siya sa dibdib
"Lily naman!don't lie okey!alam ko namang galit ka sa'ken!at bakit naman yun gagawin ni Amy sayo?! Buntis siya!"
"Mas gumago kapa pala eh! Tanga! Hindi porket buntis ang isang tao eh nagiging mabait na!hoy!kung anghel na anghel yang babaeng yan sa harap mo!pwes kapag nakatalikod ka!mala pinsan yan ni Lucifer!"
"Lily please!saken ka magalit okey! Wag sa kanya!"
"At sinong nagsabing hindi ako galit sa'yo?"nagsimula nang manikip ang dibdib ko, ramdam na ramdam ko ang kirot sa puso ko habang kaharap siya at pinagtatanggol niya pa ang Amethyst na yun!!
"Galit ako sayo Dave!galit na galit! Sobrang galit ako sa'yo kasi ako yung girlfriend mo!pero pakiramdam ko ako yung walang karapatan sa'yo!" nagsimula nang bumuhos ang mga luha ko habang nanghihina na rin ang tuhod ko"Lily naman!hindi sa ganon-"
"Eh ano?!"nagsimula na ding manginig ang boses ko dahil sa pagpipigil ko sa mga higbi ko "Mahal kitang gago ka!!pero hindi ako magpapakatanga sa'yo! Alam kong mahal mo parin ang babaeng yun!!pero hindi ako nasasaktan kasi mahal mo pa siya!alam mo kung saan ako mas nasasaktan? Mas nasasaktan ako na malaman, n-na ex girlfriend mo pala ang babaeng yun!pero hindi mo manlang sinabi sa'ken!!" sigaw ko habang pinipigila ang sarili kong suntukin siya sa pagmumukha
"H-how did you-"
"Oh ano?nagulat ka?akala mo hindi ko malalaman ang kagaguhan mo?!"pinahid ko ang luha ko sa kaliwang pisnge ko "Sana pala,'di nalang ako nagtiwala sayo!sana pala,nakinig nalang ako sa mga banta sa'ken ng mga kaklase natin,sana pala, hinayaan nalang kita na e-bully ako,s-sana pala,h-hindi nalang kita nakilala"
Bigla namang nanlambot ang mga balikat niya at umamo ang kanyang mukha,kitang kita ko ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Sana pala,h-hindi na kita nakilala kung masasaktan lang ako ng ganito,k-kaya pala h-hindi mo magawang magbigay ng oras sa'ken,k-kaya pala ambilis mong kumilos kapag si Amethyst na ang pinag uusapan..k-kasi siya parin, siya parin ang mahal mo.."
"Lily that's not true!" tinangka niyang hawakan ang mga kamay ko pero kaagad akong umatras at iniwasang madikit sa kahit anong parte ng balat niya.
"Sana nung una pala sinabi mona sa'ken,dapat nung una pala hindi kanan nanligaw kung gagamitin mo lang pala ako para makalimutan siya"
"Lily hindi 'yan totoo!minahal kita!"
"MINAHAL?!So ngayong bumalik na siya!siyana ulit yung mahal mo?!"sigaw ko"mas lalo kong nalalaman na mas gago ka pala kesa sa inaasahan ko!" malakas na dumampi ang palad ko sa pisnge niya "Hindi na ako magpapakatanga sa'yo,h-hindi na ako magsasayang ng oras sayo, ngayon narealize kona,n-na hindi ko ko kaylangan ng lalaking kagaya mo,k-kasi may isag tao naman p-pala na andiyan para sa'ken.."
Napansin ko ang pagtikom ng mga kamao niya at ang pag iigting ng kanyang panga.
"Sino?!yung Caleb na yun?!siya ba?!eh gago rin yun!iniwan ka niya diba!"
"Oo,pero bumalik siya,hindi kagaya mo,andiyan nga,pero hindi ko naman maramdaman ang presensiya mo"
"What do you mean?" at napansin ko na realization hit him "N-nakikipaghiwalay k-ka ba sa'ken L-Lily?" he asked.
"Bakit hindi?"tanong ko
"Lily please!this is just a misunderstanding!we can fix this!"
"Misunderstanding mo mukha mo gago!"tumalikod ako sa kanya, ngunit ng papaalis na ako, naramdaman ko ang mga mabibigat na braso na pumalibot sa mga balikat ko,at ang ulo na nakasandal sa leeg ko
"We can fix this,I'm so sorry Lily, oo ako na ang may kasalanan, ako na yung may kasalanan, please wag mo lang akong iwan"
Ramdam ko na mas sumasakit ang puso ko,dahil alam ko na kahit anong sabihin niya,si Amethyst parin ang mahal niya,na kahit anong gawin ko,yung babaeng parin ang mahal niya.
"Lily please..mahal na mahal kita, may pangarap pa tayo diba?"
Kinalas ko ang mga braso niyang nakayakap sa'ken,at mapait akong ngumiti "Hindi ko nga napansin na may tayo pala eh" pagkasabi ko nun ay hindi kona sinubukan pang lumingon at tuluyan ng naglakad papalayo..
Sa paborito kong lugar sa eskwelahan namin,doon kami naghiwalay.
Kinabukasan pagkatapos ng first monthsary namin, saka kami naghiwalay.
Kung kelan inamin kona sa sarili ko na mahal na mahal ko ang gagong yun,saka kami naghiwalay.
Kung kelan mahal na mahal kona siya,saka ko piniling bumitaw.
Kasi mas pipiliin kong masaktan, kesa sa magpakatanga.
Mas pipiliin kong pakawalan ang lalaking mahal ko,kesa sa patuloy siyang ikulong pagmamahal na hindi niya kayang suklian.
————————————————————————————————————————————————
Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!
BINABASA MO ANG
Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)
Novela JuvenilAng sabi nila,mahirap daw magkaroon ng boyfriend na gwapo,hot,and at the same time sobrang yaman. Kasi maraming babae daw sa paligid ang magkakagusto rito at magtatangkang agawin siya sa'yo. Pero ang mga taong nasa paligid nga ba ang nakakatakot pag...