12

494 21 0
                                    

Chapter 12

“Nasa chocolate hills nga tayo!” Tili ko dahil sa ganda ng tanawin,sabay pabirong sinuntok si Brian sa balikat.

“Tangina ang sakit nun!” reklamo naman niya at madramang hinaplos ang braso habang nakasimangot.

“Ang OA mo naman!Ang ganda lang kasi talaga!Hindi pa kasi ako nakapunta dito eh,ano?Pwede ako parin picturan niyo dito?” Suggest ko naman,pero hindi parin sila nagsalita.

"Uy!" Napasimangot naman ako dahil sa hindi nila pamamansin sa'kin.

Kanina kopa talaga napapansin,akala ko baka may tampuhan lang sila,pero bakit parang pati sa'kin galit din sila?!

“Uh...h-hoy!” tawag ko,napatingin naman sila sa'kin,malalamig ang mga mata bago nag-iwas ng tingin.

Hindi ko alam,pero sa tingin nila, hindi ko maintindihan kung anong ibig sabibin,pakiramdam ko galit sila, pero parang may iba pa.

“Lily,hayaan mo muna 'yan,tara mag date tayo," biro pa ni Brian sabay inakbayan ako.

Sisikmuraan ko na sana siya,pero hindi na 'yon natuloy dahil naunahan ako ng malakas na sigaw ni Dave.

“Tangina mo!” pagmumura pa ni Dave kasabay ay ang biglang paghila niya kay Brian.

“Wow!Relax!” Nagtaas pa ng dalaw niyang mga kamay si Brian na para bang sumu-surrender na siya kay Dave.

“Lily,ikaw at ako dito,” saad ni Bruce sabay ngumiti,ngumiti din naman ako pabalik sa kanya at tumango bilang pag-sang ayon.

“No you're not,ako at si Lily” ma-awtoridad namang sabi ni Dave at hinawakan ang pulsuan ko.

Naikunot ko ang aking noo dahil sa biglang inasal niya,pinagsalinan ko silang dalawa ng tingin.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko,nang makitang halos magpatayan sila ng tingin.

“Ah...” wala akong ibang nagawa kundi ang tumahimik na lamang dahil walang matitinong salita ang lumalabas mula sa bibig ko.

“Kayo na sa beach,kami naman dito,” mariin na sabi ni Bruce at hinawakan din ang kabila kong pulsuan.

Parang naku-kuryente ako sa mga hawak nilang dalawa,naninindig ang balahibo ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

“Aray ko ano ba...” Napaungot na ako dahil unti unti ng humihigpit ang pagkakahawak nila sa pulsuan ko.

Pilit kong binabawi ang pulsuan ko, pero mas lalo lang nilang hinihigpitan ang hawak doon.

“Bitawan mo siya Dave,nasasaktan na si Lily!” May bahid ng gigil at iritasyon ng boses na sabi ni Bruce.

“At bakit ako ang bibitaw?Ikaw ang bumitaw,ako ang nauna.” Ganti naman ni Dave.

“Hindi porket ikaw ang nauna,ibig sabihin sa'yo na agad.”

“At bakit hindi?Finders keepers nga diba?So back off!” tinulak ni Dave si Bruce,pero hindi natinag si Bruce at nakahawak parin sa pulsuan ko.

Ngumisi at umiling si Bruce,“Hindi bagay si Lily,at lalong hindi siya bagay sa'yo.”

Halos literal na mahulog ang panga ko dahil sa sinabi ni Bruce,pakiramdam ko ay may nagliliparan na mga paru-paru sa tiyan ko.

“Tangina mo Bruce!Baka gusto mong ipatanggal kita sa grupo?!" Pagbabanta ni Dave dahilan para mapakunot noo ko.

“And do you really think that stupid thing will scare me?" Maangas namang tanong ni Bruce dahilan para manlaki ang mga mata ko.

What the heck?!Anong gyira 'to?!

“Aray ano ba...nasasaktan na ako...” Saway ko sa kanila habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak nila sa pulsuan ko.

Pakiramdam ko naiipit na ang mga ugat ko dahil sa higpit ng pagkakahawak nila.

“Bitawan mo na sabi siya!Tangina ka!” Sigaw ni Dave at pilit akong hinihila palayo kay Bruce.

“Ikaw ang bumitaw!” Sigaw din ni Bruce at pilit din akong hinihila.

“Pucha!” napatigil kami pareho at mabilis na dumapo ang tingin namin kay Brian na may iritadong tingin, “kami nalang ni Lily pi-picturan!" sigaw ni Brian.

Nagkatinginan si Bruce at Dave bago tuluyang binitawan ang pulsuan ko, napahawak naman ako doon at hinaplos haplos iyon dahil humahapdi.

Sinamaan ko ng tingin si Brian nang hawakan niya ang kamay ko at parang sinadiya niya iyong ipakita ito kela Dave at Bruce.

Kinindatan niya lang ako bago tumingin sa gawi nila Dave,“Hoy Dave ikaw kumuha ng picture at ikaw naman Bruce,chill ka muna mga tangkna kayo!” utos sabay mura niya sa mga ito.

Tahimik na sinunod ni Dave ang sabi ni Brian at ni-ready ang camera at ang stand nito,in-adjust niya iyon at inayos ang anggulo.

“Hoy!” pabulong kong tanong sa kanya,“Anong nangyayari?!” nakataas kilay kong tanong sa kanya.

Bumuntong hininga siya at umiling, “You should find it out yourself” sabi niya sabay tapik sa pisngi ko.

“Umayos kayo!” halos mapatalon ako dahil sa malakas na sigaw ni Dave.

“Hoy tang ina ka Brian!Bitawan mo ang kamay ni Lily!Baka anong isipin nila ma'am kapag napicturan kayong nakaganyan!” Pangsisita naman ni Dave sa magkahawak kamay namin ni Brian.

“Oo na,” bumitaw naman si Brian sa pagkakahawak sa kamay ko at tumingin kami pareho sa camera at pilit na ngumiti.

Habang nagpi-picture,hindi ko maiwasang mapatingin kay Bruce na nakaupo sa damuhan habang matalim na nakatingin sa'min ni Brian.

Napalunok ako at tumingin nalang ulit sa camera.

“Lily gayahin mo'ko” utos ni Brian habang nakatayo kami sa medyo mataas na parte ng isang hill at parang tinatantiya ng kamay namin ang bundok.

Ginaya ko naman siya,agad namang nag-flash ang camera sa mukha namin,“Tama na yan.”

Agad naman kaming nagkatinginan ni Brian at nakunot ang mga noo,“Uy teka!Ang daya niyo!Do'n sa beach ang daming picture eh!Tapos sa'min dalawa lang?!” reklamo pa ni Brian.

“Wala akong pake,” walang buhay na sabi ni Dave at hinagis ang camera kay Brian,agad naman niya itong nasalo.

Muntik pang matumba si Brian dahil sa kawalan niya ng balanse.

Tinignan ni Brian ang mga kuha,kaya tumingin na din ako.

Nang makita namin ang mga makuha, pareho kaming nagkatinginan at napakunot noo.

“Tang ina talaga Dave!” pagmumura ni Brian at halos ibat niya kay Dave ang camera.

Paano ba naman kasi?!lahat ata ng pictures namin,natatakpan ang ni Brian ng daliri ni Dave?!

Mabuti nalang at may mga pictures kaming dalawa sa phone niya,kaya naisip ko na 'yon nalang ang gamitin para sa project namin.

Napatingin ako kay Dave na ngayon ay naglalakad na pabalik sa van, kasunod niya si Bruce.

Parang pinipiga ang puso ko dahil sa malamig na pakikitungo nila sa'kin,“Brian...” tumingin ako sa kanya na may nagtatanong na mga mata.

"Magkaaway sila dahil sa babae." 'yon lang ang sabi niya bago sinundan din sila Dave at Bruce sa van.

Babae?nag aaway sila dahil...sa isang babae?...dahil...ba 'yon sa'kin?

“Lily tara na!” Dinig kong sigaw ni Dave kaya mabilis akong tumakbo pabalik din sa van.

❦︎

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon