10

599 25 0
                                    

Chapter 10

Lily,I like you.

Parang naging isang  sirang plaka ang sinabi sa'kin kanina ni Bruce, paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang mga salitang binitawan niya.

Hindi ko maiwasang mapamura sa isip ko dahil sa nangyayari sa'kin.

Ito na naman ako e!Kaunting mga salita lang lumalambot agad ako!Ba't ba an rupok ko!Pucha!

"Lalim"

Halos mahulog ako sa kama ko dahil sa malalim at mapang-asar na boses na iyon,mabilis naman akong lumingon sa pinanggalingan ng boses, at kaagad na kumunot ang noo ko nang makita kung sino iyon.

"Ano kaylagan mo?!Ha?!Lintik kang Dave ka?!" Gigil kong tanong sa kanya.

"Easy there babe,I just came to check on you." Paliwanag niya at tumayo sa harapan ko at pinag-cross ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib.

Bumuntong hininga ako,"Okey naman ako,lumabas kana." Direkta kong sabi sa kanya.

Kinuha ko ang kumot ko sa sahig at tinakpan ang mga binti ko,nakashorts kasi ako ngayon,balak ko sana kasing mag night swimming,pero nagbago isip ko dahil sa sinabi ni Bruce kanina.

"Lily,can we talk?" Parang kinapos ako ng hininga dahil sa tanong niya.

Kainis naman e!Simpleng tanong lang 'yon Lily!Simpleng tanong lang!Auh!

"I'm here to talk seriously." Pagputol niya sa iniisip ko.

Seryoso ba siya?

Sino kaya 'tong lalaking 'to?Asan kaya ang totoong Dave?

Hinawi ko ang kumot na nakatakip sa mga hita ko at tumayo,dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya habang tinitignan siya ng mabuti.

Ang asul niyang mga mata,ang mabalahibo niyang kilay,ang mamula-mula niyang labi.

"Li—"hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang mabilis kong idampi ang palad ko sa pisngi niya.

Halata ang gulat sa kanyang mukha, nanlalaki ang mga mata niya,halatang halata padin ang bakas ng palad ko sa pisngi niya dahil sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya.

Humawak siya sa baba niya at iginiya ang ulo niya paharap sa'kin dahil medyo tumagilid iyon dahil sa sampal ko.

Bumuntong hininga niya,at biglang tumaas ang sulok ng kanyang labi.

Oh boy...Mukhang siya nga ang totoong Dave!Punyeta anong ginawa ko?!

"D-Dave?" Nauutal kong tanong dahil sa gulat na din,dahil hindi ko inaasahang siya pala talaga ito,akala ko nananaginip lang ako!

Tanga ka Lily!!Tanga ka!!

"Alam mo ba ang bago kong motto Lily?" Tanong niya,habang hindi parin nawawala ang delekado niyang ngiti sa labi.

"H-hindi." Sagot ko.

Tangina!Ba't ako nauutal?!

Biglang nandilim ang kanyang mga mata,ang kanyang ngisi sa labi ay hindi parin nawawala.

Nagsimula siyang maglakad palapit sa'kin,dahilan para kapusin ako ng hininga,bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.

Habang patuloy siyang humahakbang palapit sa'kin,ako naman ay humahakbang paatras.

Kumunot ang noo ko nang bahagyang tumama ang ulo ko sa matigas na bagay,at doon ko lang narealize na nakadikit na pala ako sa bubong ng catage na tinutuluyan ko.

Mas lalong lumapad ang kanyang ngisi dahilan para mas lalo akong kabahan.

Magrereklamo na sana ako,pero agad akong natahimik sa gulat nang bigla niya akong ikulong sa kanyang mga braso.

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon