LILY
41 missed calls
Caleb:
Lily,please let's talk.Lily,please,alam kong mali ang ginawa namin,but please,let me explain my side,let us explain.
Lily please sumagot ka naman.
Marami pa ang messages ni Caleb sa'kin,pero hindi na ako nag sayang nang oras na basahin pa ng isa-isa 'yun.
Agad kong nilagay sa bag ko ang cellphone ko at inihanda ang sarili sa panibago na namang araw sa buhay ko.
Pagkatapos nang pag-uusap namin ni mana kagabi,gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko, pakiramdam ko ay nabunutan ako ng karayum sa puso. Ang odd nun ah.
Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili,halos hindi ko makilala ang sarili ko sa kapal ng eyebags ko.
Hindi na ako magtataka kung bakit ang lalaki ng eyebags ko,halos buong gabi akong umiyak,inilabas ko lahat ng sama ng loob ko,lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Ngayon ko lang narealize na okey lang pala ang umiyak,na kapag feeling mo down na down kana ay pwede kang umiyak.
Ang akala ko noon,kung matapang ka ay dapat hindi ka iyakin,pero ngayon narealize ko,na ang pinakamainam na gamot para mawala ang sakit na nararamdaman ng isang tao ay ang pag-iyak.
Sa nabasa kong article,sabi dun, kapag umiiyak ka daw,nailalabas mo ang sama ng loob at sakit na nararamdaman mo,kumbaga ang mga luha mong lumalabas mula sa mata mo ay ang mga sakit na nararamdaman mo.
Kapag wala ng luha,wala nang sakit.
"Nak!" "ah!"
Napahawak ulit ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba!
Bwesit naman eh!bakit ba lagi nalang ganito?!kapag nananahimik ako saka naman magsasalita si mama!nagugulat tuloy ako!
Kitang kita ko ang tawa na gustong kumawala kay mama,pero halata din na pinipigilan niya ito.
Napasimangot naman ako bago lumapit sa kanya at kaagad siyang niyakap,hinaplos naman ni mama ang buhok ko at bago dumampi ang labi niya sa noo ko.
"Baba kana,inaantay kana ni Dave." pabulong na sabi ni mama habang sinusuklay ng kamay niya ang buhok ko.
"Ma,sa tingin mo—magiging masaya ba talaga ako?" hindi kona napigilan ang sarili kong magtanong.
Nagbaba naman ng tingin sa'kin si mama at bahgyang tumawa,"Oo naman anak,pagsubok lang ang lahat ng nangyayari sa'yo,magiging maayos din ang lahat,okey?"may pag aalo sa boses ni mama.
Nag aalangan man ngunit tumango nalang ako,"Sige po ma,baba na po ako" pagpapaalam ko at pinilit ang sarili kong ngumiti.
"Oh sige,"hinagud ni mama ang likuran ko,"basta anak,tandaan mo, lahat ng sugat,hindi basta bastang naghihilum,kaylangan din nito ng panahon. 'wag mong pilitin ang sarili mo."
Nanunubig ang mga mata ko sa sinabi ni mama,parang sinasabi niya sa'kin na ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay mawawala din basta maglaan lang ng panahon,parang sinasabi niya sa'kin na 'wag kong pilitin ang sarili kong maging okey, kasi magiging okey ako pagdating ng panahon.
"Salamat ma,"niyakap ko siya ng mahigpit, "baba na po ako ah." pagpapaalam ko.
"Oh sige na at kanina kapa hinihintay ng boybren mo,dito na muna ako sa taas at lilinisin ko muna yung kwarto ko." aniya at hinalikan ang noo ko.
Napaawang naman kaagad ang mga labi ko sa sinabi niya,"Ma,hindi kona po boyfriend si Dave,k-kaibigan nalang."bwesit ba't ako nautal!"tsaka ma ako nalang magliligpit ng kwarto niyo."
"Naku naman anak!"bahagya niya akong sinundot sa tagiliran at umiwas naman kaagad ako na natatawa, "kaibigan kaibigan,naku!napagdaanan kona 'yan,tsaka ako na magliligpit ng kwarto ko,'wag kana mag abala pa,sige na alis kana."
Natawa naman kaagad ako at umiling, "Ma naman..kaibigan ko an ngalang siya."
"Oh siya sabi mo eh."sinundot niya ulit ako tagiliran ko,"ingat kayo ah," lumabas na kami ni mama ng kwarto, "at 'wag gagawa ng milagro,bata kapa.."
"Ma naman.."nag iinit ang pisnge ko at tumawa.
"Oh siy,bumaba kana talaga, baka inaamag na yung boybren mo dun." tumawa naman si mama bago pumasok ng kwarto niya.
Napailing-iling naman ako,palagi talagang ganito si mama,kahit kelan, hindi talaga siya nabigong pasayahin ako sa oras na nalulungkot ako.
Bumuntong hininga ako bago tuluyang bumaba ng hagdan,hindi pa man ako tuluyang nakababa,ay nakita kona kaagad si Dave na nakaupo sa sofa,may hawak na bulaklak, chocolates at may isang maliit na box na kulay red sa kanang kamay niya.
Tinititigan niya ang mga yun na para bang may iniisip na malalim, napailing nalang ako bago tuluyang bumaba,medyo nilakasan ko ang yapak ko nang sa ganon ay marinig niya at makuha ko ang atensiyon niya.
Kaagad naman siyang tumingala, nang tumingala siya ay hindi ako makagalaw dahil sa itsura niya, pulang pula ang mga mata niya,at kahit lagyan niya ng foundation ang pisnge niya,kitang kita ko parin ang kulay lila na balat sa kanyang mukha sa may pisnge niya at banda sa labi niya.
"B-babe,p-para sa-"
Hindi kona siya pinatapos sa pagsasalita at kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit,hindi ko din mapaliwanag kung bakit ko toh ginagawa,pero gusto ko kasi siyang yakapin,kapag kayakap ko kasi siya, kumakalma ang katawan ko.
"Ihahatid mo ulit ako?" malumanay kong tanong sa kanya habang nakayapos parin sa kanya.
Tumingala ako sa kanya at siya naman ay nakatingin sa'kin dahilan para magtama ang mga mata namin.
"Y-yeah,l—let's go?" parang kinakapos siya sa paghinga,hindi naman mahigpit yung yakap ko para hindi siya makahinga diba?
Tumango tango ako bago bumitaw sa pagkakayakap sa kanya,inilagay niya ang isang kamay niya sa likod ng bewang ko at iginiya ako palabas ng bahay.
Habang naglalakad,hindi ko maiwasang tignan ang mga dala niya, hindi ko maiwasang isipin kung para kanino ang mga 'yan,hindi niya naman binigay sa'kin,kaya para kanino?
Tsaka bakit naman niya ibibigay sa'kin 'diba?wala namang kami eh..
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa naisip ko,imbes na unti unti na akong sumasaya,bakit parang nalulungkot na naman ako?!
"Get in babe."binuksan niya ang pinto sa shot gun seat,tumingin muna ako sa kanya at sa mga dala niya,bago tuluyang pumasok.
Dahan dahan niya naman iyong isinara at pumunta sa driver's seat.
Nang makapasok siya,kaagad niyang ini-start ang kotse at nagsimula na na magmaneho.
Nasa mga hita ko ang nga kamay ko ay nilalaro nito ang isa't isa,habang patuloy ang pagkirot ng puso ko.
Bakit naman ganito?!
Maya maya lang ay naramdaman ko ang dahan dahang pagpara ng kotse, napatingin naman kaagad ako sa gawi niya ng may pagtataka sa mukha.
"Babe,"bigla niyang kinuha ang chocolates,chicharon bulaklak,at ang maliit na red box at biglang inabot sa'kin,"happy second monthsary."
Sht!Oo nga pala!!
————————————————————————————————————————————————
Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!
BINABASA MO ANG
Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)
Novela JuvenilAng sabi nila,mahirap daw magkaroon ng boyfriend na gwapo,hot,and at the same time sobrang yaman. Kasi maraming babae daw sa paligid ang magkakagusto rito at magtatangkang agawin siya sa'yo. Pero ang mga taong nasa paligid nga ba ang nakakatakot pag...