55

261 10 0
                                    

LILY

Andito ako ngayon sa may basketball court,manonood kasi ako ng game nila Da—Caleb .

As of I heared,magka-team daw yung tatlo,nasa ibang team si Caleb,gusto ko ngang magtanong kung anong pangalan ng team nila eh,sa mag iisang taon ko kasi dito, ngayon lang ako makakapanood ng basketball game.

Nag-init ang pisnge ko ng magtama ang tingin namin ni Dave,kaagad akong nag iwas ng tingin sa kanya at binaling nalang ang mga mata ko sa right side kung nasaan ang team nila Caleb.

"Akin ka parin Lily"

Napailing ako ng biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Dave kanina,s-sa cafeteria,matapos ang nangyari ay halos hindi na ako mabalik sa katinuan ko,kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.

"Hey"

Napalingon naman kaagad ako sa tabi ko "Ha?" tanong ko.

"You okey miss? Kanina kapa tulala" aniya na halatang may pag aalala sa boses.

Napalunok naman kaagad ako bago mabilis na tumango "I'm okey" sagot ko "Ah,ano nga pala ulit yung pangalan ng mga team nila?"tanong ko naman.

"Yung team ni Dave,The lions,tas yung team naman ni Caleb ay The Tigers" sagot niya habang tinuturo ang magkabilang team.

Napanguso naman ako dahil sa panget ng mga pangalan ng teams nila,I mean,dapat ba animals yung pangalan ng team nila?!

Tumingin ulit ako sa team nila Dave sa left side ng court,nasa gitna ang coach nila habang may hawak na maliit na white board, and I assume na yun yung sulatan nila ng plano nila para sa laro.

Tumingin ako sa right side, kung saan nadoon yung team ni Caleb, at wala namang bago,pareho lang sila ng mga ginagawa,ganoon ba talaga dapat?planadong planado talaga nila ang magiging galawan nila sa laro.

Umagaw sa pansin ko ang isang babaeng nakaupo sa harap, and I assume na isa siya sa mga cheerleaders,tinitigan ko ng maigi ang katawan niya patalikod,short pink hair,sexy,medyo matangkad.. Amethyst.

Sa mga oras na toh ay gustong gusto kong sumugod at ilampasa sa sahig ang pagmumukha ng Amethyst na yun,pero hindi ko magawa at lalong hindi ko rin gagawin lalo pa at buntis siya, mag antay ka lang kapag nanganak ka ng babae ka—wait,diba buntis siya? Ba't kasali siya sa cheer leading squad?

Umiling iling nalang ako at tumingin nalang sa side nila Caleb, ayokong tumingin sa right!andun sila Dave!

"Okey,is everyone ready..?!!!" pag a announce ng speaker,nasa itaas ng court ang isang kwarto kung saan ang speaker,nakikita talaga dito sa baba kung ano ang ginagawa nila sa taas dahilsa salamin lang ang bubong ng buong kwarto.

Naghiyawan naman kaagad ang mga kababaihan,napatakip naman ako sa tainga ko dahil sa sobrang ingay,halos mabingi ako sa hiyawan nila bwesit!!

Nagsimula namang mag cheer ang mga cheerleaders,kanya kanya silang cheer,pero ang mas nagtataka ako ay ang cheerleading nila Amethyst,bakit nasa side nila Caleb si Amethyst?

Kinalabit ko ang katabi kong lalaki at kaagad naman siyang lumingon "Diba dapat nasa side nila Dave si Amethyst?"tanong ko.

Nagkibit balikat naman siya "Nagtataka nga rin ang iba eh, matagal ng cheer leader si Amethyst sa Lions,kaya nakakapagtaka na bigla nalang siyang napunta sa Tiger,pero yung sabi sabi dito sa school,may gusto daw si Amethyst sa isa sa mga members ng Tigers,yung iba naman sabi pinagseselos daw ni Amethyst si Dave." pagpapaliwanag niya naman.

Tumango nama ako "Pero teka, diba buntis si Amethyst?bakit siya sumali sa cheerleading squad?"

"Sabi niya mag tu-two months palang naman daw siyang buntis kaya okey lang daw yun" halata ring hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Amethyst.

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon