42

204 12 0
                                    

LILY

"Amethyst"tawag ko sa pangalan niya

Lumingon naman siya sa'ken,ay kitang kita ko ang pamumula ng mga mata niya,at kitang kita ko din sa mga mata niya ang galit at sakit na nararamdaman niya.

Napaatras naman kaagad ako dahil sa talim ng mga titig niya, hindi ko alam kung bakit tumitingin siya sa'ken na para bang malaki ang kasalanan ko sa kanya.

"Kasalanan mo toh!!"biglang sigaw niya at dinuro ako

Kung hindi lang siya buntis,ay paniguradong nasampal ko na sa pagmumukha ang babaeng toh, anong karapatan niyang sisihin ako at duruin pa!!?

"Amethyst wala akong alam sa sinasabi mo,kaya padaanin mo ako dahil baka malate na ako" mahinahon kong pakiusap sa kanya

Pero ang tigas ng ulo ng babaeng toh at patuloy lang na humarang sa pintuan.

"Anong wala?!ikaw ang nay kasalanan ng lahat ng toh!" sigaw niya at dinuro ulit ako.

Sumusobra na ang babaeng ito ah, pasalamat talaga siya at buntis siya.

Bumuntong hininga ako bago pilit na dumaan sa gilid niya,hanggang sa makalabas ako ng pinto.

Narinig ko naman ang pagsigaw niya sa loob ng CR,at umiling lamang ako.

"Hayop ka!!"

Dahil sa sigaw na yun na nanggagaling sa likuran ko,agad akong lumingon at mabilis na umilag sa palad ni Amethyst.

"Gago!!"bigla akong napamura dahil sa hindi malamang dahilan ay bigla niya akong sinugod at sinabunutan."Tang ina bitawan mo'ko!!"tili ko habang pilit na inaalis ang pagkakasabunot ng kamay niya sa buhok ko

"Kasalanan mo kaya nawala ang lahat sa'ken!!!mang aagaw ka!!!" sigaw niya habang patuloy akong sinasabunutan

"Gago!!bitawan mo'ko!!"pilit ko siyang tinukulak pero ang higpit ng hawak niya sa buhok ko.

Nagsimula na ding magsilapitan ang mga estudyante sa paligid namin,at parang walang pakialam na pinanonood kami.

"Ang landi mo!!mang aagaw ka!! Ang kati kati mong babae ka!! Siguro ganyan ang tinuturo ng nanay mo sa'yo!!manang mana ka sa nanay mong kabet!!"

Bigla namang kumulo ang dugo ko dahil sa pangdadamay niya sa nanay ko,ayos lang sa'ken na ganituhin niya ako dahil buntis siya,pero wag na wag niyang idadamay ang mama ko,dahil pagdating sa magulang ko, walang buntis buntis.

"Wag mong idamay ang mama ko!!" buong lakas ko siyang tinulak at malakas na dumampi ang kamao ko sa pisnge niya,agad naman siyang tumama sa pader

"Tabi!tumabi kayo!!"boses iyon ni Dave,kaya agad akong napalingon sa grupo ng mga estudyante na nakatingin samin

"Fck!Ami!!"agad na nilapitan ni Dave si Amethyst at agad siyang pinangko.

Nag inarte naman kaagad ang hinayupak ang umiyak ng umiyak habang sinusubsob ang mukha sa dibdib ni Dave.

"D-Dave..s-she punched me.." sumbong naman ng hinayupak na si Amethyst kay Dave

"Ggo!!eh ikaw--"

"Lily naman!!" napaatras ako sa biglang pagsigaw ni Dave "Alam mo namang buntis si Amethyst diba!!dapat hindi muna pinatulan! Alam kong galit ka sa'ken!!pero 'wag mo naman siyang idamay pati ang bata!!"

Parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko,pakiramdam ko ay nabagsakan ako ng langit at lupa.

Ansakit!hindi ko akalain na mas kakampihan niya ang hinayupak na yan,hindi manlang niya ako inantay na magpaliwanag,hindi ko akalain na ganoon ang pagkakakilala niya sa'ken.

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon