LILY
Nakaupo ako ngayon dito sa kama ko,habang hawak ang cellphone ko at pa-scroll-scroll lang,alas dose na nga eh,hindi kasi ako makatulog dahil sa dramahan namin kanina ni Bruce
Hindi ko nga maintindihan ang mga pinagsasasabi niya kanina, hindi naman ako inlove kay Dave eh,d-diba?
Siguro nagkataon lang na..k-kapag nandiyan siya bumibilis ang tibok ng puso ko,siguro nagkataon lang na kapag nandiyan siya,hindi ako mapakali,siguro nagkataon lang na kapag nandiyan siya,nahihirapan akong huminga
*ting*
Nabaling ang tingin at atensiyon ko sa phone ko na hawak hawak ko,may isang message?
Dahil sa kyuryusidad,binuksan ko iyon,at napangiti ako ng makitang naka unblock na ako sa account ni Bruce,and wait what?
Brian Voltez added you to the group
Napangiwi kaagad ako at pinindot ang group chat,dapat pala ay hindi kona in-unblock si Brian,sa tagal kasi ng friendship namin ni Brian, kanina ko lang naalalang i-unblock siya
Brian:
Uy online si Lily oh!Dave:
Hi my lily babe,I guess you're back😉Napangiwi kaagad ako dahil sa chat ni Dave sa group chat,but somehow..tumatalon na naman ang puso ko
Bruce:
Hi lily pad..Napangiti naman agad ako at nagreply
LILY:
Hello..kamusta kayo?Awkward ba yung chat ko?wala na kasi akong ibang maisip na i-chat!
Brian:
Finally you've unblocked me,I can't believe that we have been GOOD friends for weeks and you just unblocked me JUST NOW!!!Natawa naman ako sa reply ni Bruce,kaya nag type na ulit ako
Lily:
Sorry I forgot😅Dave:
Lily babe pansinin mo naman ako..*pout*I rolled my eyes,ang drama talaga ng lalaking toh
Lily:
Ang drama mo promiseBruce:
Lily sunduin kita bukas ah😉Hindi ko alam kung talagang gusto aong sunduin mi Bruce o talagang nanti-trip siya ngayon,pero wala namang masama,friends naman daw kami eh
Lily:
Okey sigi,walang problemaDave:
Tang*na ka Bruce!!akala koba sabi mo hindi muna siya lalandiin!! Nag-usap na tayo!!humanda ka talaga sa'ken bukas!!Bruce:
Relax,I was just teasing youAno kayang problema ng mga toh? at ano daw?nag-usap na sila?!iba rin ang mga toh ah..
Brian:
Aba aba...I smell something fishy..😉ay di bale pala,nagluluto pala ng isda si ManangParang baliw naman akong tumawa dahil sa kalokohan ni Brian
Lily:
Ang corneyDave:
Ako ang susundo sa'yo bukas😡Napalunok naman kaagad ako dahil sa emoji na gamit ni Dave, galit ba talaga siya?
Lily:
Tulog na ako ha,bye byeDave:
Goodnight my lily babe..Brian:
Goodnight😘Bruce:
Goodnight Lily padDave:
Hoy tang*na ka Brian!!Natawa naman ako sa reply ulit ni Dave at saka pinatay na ang data ng phone ko,saka humiga sa kama at natulog na..hay...hindi ko alam kung bakit pero parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan
Siguro dahil yun sa usapan namin ni Bruce,hindi ko alam pero sobrang sarap sa pakiramdam na okey na kami ni Bruce
And si Dave...hindi ko parin maintindihan yung nararamdaman ko,siguro aantayin ko nalang na yung puso ko mismo ang makasagot sa sarili nitong tanong
Sinadiya kong gumising ng maaga para maaga din akong makapasok, siguro na inspired lang ako kasi alam kong bati na kami ni Bruce
"Nak,ingat ka ah,tsaka kumain ka sa tamang oras ha!tsaka sinasabi ko sa'yo okey lang na magka boyfriend ka pero 'wag na 'wag ka muna mag aasawa ha!" bilin ni mama habang pababa ako ng hagdan at siya nag aayos din ng dadalhin niya para sa trabaho niya
Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi ni mama"Ma..sabi ko naman sa'yo diba,wala pa akong balak mag boyfriend,at lalong wala akong balak na magbuntis noh!kaya relax kalang ma,tiwala ka lang sa'ken okay.." sabi ko sabay halik sa pisnge niya
"Oh sigi,may tiwala ako sa'yo,ingat ka ha.."bilin ni mama
Nagmano naman ako"Opo ma, kayo din po ingat"paalam ko bago lumabas ng pinto ng bahay
Halos mahulog ang panga ko nang makita ko ang isang sasakyan na kulay pula na nakaparada sa tapat ng bahay namin,at hindi naman ako ganoon katanga para hindi malaman na isang sports car iyon, at pagmamay-ari iyon ni Dave!
At tama nga ako ng biglang umangat ang pinto ng kotse at lumabas doon si Dave na, naka-uniform?
"Babe!!sakay na!!"sigaw niya
Napatingin naman kaagad ako sa piligid ko dahil sa lakas ng sigaw niya,baka may nakarinig na mga kapitbahay at magchismisan na naman
"Sshh!!"tinakpan ko kaagad ang bibig niya gamit ang dalawa kong kamay "Anong ginagawa mo dito?!" inis kong tanong sa kanya
"Susunduin ka,"tumalim ang mga mata niya at tumingin sa paligid "halika na baka dumating pa si Bruce"aniya at pinapasok ako sa kotse niya,hindi na ako naginarte pa,alam ko namang kukulitin parin niya ako kahit umayaw ako eh
"Ano ulam niyo?"tanong ko sa kanya habang nagda-drive siya
Hindi ko alam pero..parang nabubuhay yung pagkamakulit sa loob ng katawan ko eh,actually... kay Caleb ko lang naman toh naramdaman eh,oo masyado pa kaming mga bata noon,pero yung puso ko at isip,masyado ng mature
"Kaldereta"sagot niya habang nakatingin padin sa daan
Napanguso naman ako,amboring kasi eh,kaya kung ano ano tuloy ang naiisip kong itanong eh
Magsasalita na sana ako kaso naunahan niya ako,at ang mga salita niyang yun ang nagpatulala sa'ken sa hangin
"Nililigawan padin kita,I'm just informing you in case you don't know" sabi niya at napatuloy lang sa pagdadrive
Grabe talaga ang lalaking ito,ang galing niya talagang mambola, pero itong puso ko naman nakikisama din kainis!!
"Bakit hindi mo kasama sina Brian at Bruce?" tanong ko
Napakunot noo naman siya habang nagmamaneho"Bakit ba sila lagi ang iniisip mo?pwede bang ako naman?ako yung nandito eh"
Parang sampal ang mga salita niya sa akin,pakiramdam ko nagising yung konsensiya ko,oo nga naman kasi,siya yung nandito,kaya dapat siya yung iniisip ko
Pero siya naman talaga eh,siya naman talaga ang iniisip ko, alangan namang sabihin ko sa kanya yun?!
"Lily,may pag-asa ba ako sa'yo?"
biglang tanong niyaMas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong niya,hindi ko tuloy maiwasang ngumiti dahil dun! kainis naman kasi!
"Oo" hindi ko alam kung bakit sinabi ko iyon,pero hindi ako nagsisisi na sinabi ko iyon ng makita ko siyang ngumiti
Gusto ko sana siyang asarin,kaso wag nalang,kasi baka mag bad mood siya at mawala yung ngiti niya,paminsan minsan lang naman ngumingiti ito eh
Pagkatapos ng sinabi kong iyon ay hindi na ako nagsalita,nauutal kasi ako eh,sobrang kaba kasi ang nararamdaman ko
"Thank you for giving me a chance" aniya habang nagmamanegho
Napangiti lang ako at tumingin sa labas ng bintana ng kotse niya, sana hindi mo sayangin ang chance na binigay ko
————————————————————————————————————————————————
Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!
BINABASA MO ANG
Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)
أدب المراهقينAng sabi nila,mahirap daw magkaroon ng boyfriend na gwapo,hot,and at the same time sobrang yaman. Kasi maraming babae daw sa paligid ang magkakagusto rito at magtatangkang agawin siya sa'yo. Pero ang mga taong nasa paligid nga ba ang nakakatakot pag...