Chapter 11
Tahimik lang akong nakaupo dito sa backseat ng van katabi si Brian,si Dave ang nagmamaneho,at si Bruce ang nasa front sit.
Hindi ko alam pero parang may kung anong nagtutulak sa'king lumayo sa kanilang dalawa,siguro dahil alam kong magkaibigan sila.
Dahil kung totoong pareho silang may gusto sa'kin,pwedeng masira ang pagkakaibigan nila.
Napalingon ako sa pwesto ni Brian dahil bigla siyang humalakhak na parang tanga,at hinampas pa ako sa braso.
"Ano ba?!Ano trip mo?!" Gigil kong tanong sa kanya.
Napansin ko namang napatingin si Bruce samin pati si Dave,sa rear view mirror.
"If you guys don't know,mukha kayong mga tanga na nag-iiwasan." Pang-aasar ni Brian habang walang sawa parin na tumatawa.
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya,tumingin kaagad ako sa mga nanginginig kong mga paa.
"Hindi kami nag-iiwasan." Walang buhay kong sabi habang hindi sinusubukang tumingin sa front sit.
"Oh yeah?"napatingin agad ako kay Brian sabay nag-taas ng kilay.
"Kaya pala kanina ang saya nating dalawa na kumakain tapos pagdating ni Bruce at Dave bigla ka nalang umalis!" Pambubulgar niya sa nangyari kanina.
"Kasi nga busog na ako,"mabilis kong pagtanggi sa binibintang niya.
"Ano 'yon?Isang subo palang ng sopas busog kana?Ang astig ah,sa'n mo nabili 'yang sikmura mo?" Pang-aasar niya ulit.
Pinukol ko siya ng masamang tingin, "Busog sabi ako,kaya wag mo'kong inaasar kung ayaw mong matamaan sa'kin" Pagbabanta ko at isinandal nalang ang ulo at likod ko sa upuan.
Ipinikit ko ang mga mata ko dahil nakaramdam ako ng kaunting antok, hindi kasi ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga sinabi nina Bruce at Dave.
"Ang taray talaga,palibhasa mayro'n siya ngayon,"pang aasar pa ni Brian.
Agad akong napadilat ng mata at mabilis na pinukol siya ng masamang tingin,dahil tawa siya ng tawa.
Kanina kasing umaga,lumabas muna ako sa catage na tinutuluyan ko,kasi medyo nagutom ako at wala namang stock na pagkain sa loob ng catage.
Magkakatabi lang ang catage na tinulugan namin,kaya nang pagkalabas ko,nakita ko kaagad ang mga gago na kagigising lang din dahil sa mga singkit nilang mata.
Mabilis ko silang tinarayan at naglakad nalang ulit,ewan pero parang wala ako sa mood kaninang umaga,lalo pa nang makita ko ang pagmumukha nila.
Bumili na ako ng pagkain sa malapit na tindahan sa catage namin,okey naman sana eh,kaso napapansin ko talaga na sa halos lahat ng lugar na dinadaanan ko,napapatingin agad sila sa likod ko at nagbubulungan.
At huli na nang malaman ko kung bakit,may tagos pala ako,kaya mabilis din akong tumakbo pabalik sa catage ko,habang tumatakbo ako at tarantang taranta na,tawa ng tawa lang ang mga gago.
Yun pala ay una palang nakita na nila na may tagos ako,tapos hindi manlang sinabi!
Kaya hanggang ngayon,itong si Brian ay hindi na ako tinatantanan sa pang aasar niya.
"Lily oh,"napatingin naman agad ako sa front sit dahil sa boses na iyon.
Napatingin ako kay Bruce na may hawak na king sized burger at inaabot sa'kin.
"Ahm,p-para sa'n yan?" di ko na napigilan ang magtanong.
"Sabi ni Brian 'di ka kumain kaninang umaga,baka kasi magutom ka." Napakagat naman ako sa ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.
Ang bilis kaagad ng tibok ng puso ko, at ang inis ko sa kanila dahil sa nangyari kaninang umaga ay unti-unting natutunaw.
Concern ba siya sa'kin?
"Ah,S-salamat,"dahan dahan ko namang kinuha ang burger na binibigay niya,nag-iingat na hindi dumampi ang nakakakuryente niyang balat sa akin.
"Lily 'wag mong kainin yan,may niluto ako diyan,'yon kainin mo." Seryosong sabi naman ni Dave,pero ang tingin niya ay nasa daan padin.
"And why the fuck not?!" mabilis na reaksyon ni Bruce sa sinabi ni Dave.
"Kasi wala namang effort 'yang burger na yan,'yong sa'kin meron." Mariing sabi ni Dave kay Bruce
Nag-igting naman kaagad ang panga ni Bruce,kasabay nang pagtikom ng kanyang mga kamao,habang nakatitig kay Bruce.
Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi ni Dave.
Hindi ko alam pero masama ang kutob ko.
May mali,kaninang umaga kasi pagkagising ko,masaya naman silang tatlo e,nagtatawanan pa nga sila dahil nakita nila akong may tagos,pero ngayon...kung magsalita sila sa isat isa,parang magkaaway sila...
"‘Yan kainin mo Lily."Pagpupumilit ni Bruce at sumilay sa labi niya ang matamis na ngiti.
Pucha!
"S-sige,"ngumiti naman ako pabalik at tinanggal ang pagkakabalot ng burger.
Habang tinatanggal ko iyon,napansin ko ang dalawang mata sa salamin na matalim na nakatingin sa'kin na para bang sinusundan ang bawat galaw ko.
Nag-init kaagad ang pisngi ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin, tumingin ako sa burger na ngayon ay handa ko ng kagatin.
"Ah!" napatili ako ng biglang marahas na huminto ang van kaya naman nahulog ang burger na bigay ni Bruce.
"What the fuck dude?!" Gigil na sigaw ni Brian,"Papatayin mo ba kami?!" sigaw ni Brian kay Dave sabay binatukan ito.
"May dumaan na pusa." Paliwanag niya bago pinagpatuloy ang pagmamaneho.
"If I know,sinadiya mo 'yon." Dinig kong bulong ni Bruce.
Napatingin ako sa burger na ngayon ay nasa maruming sahig na ng van at may mga alikabok at putik na.
"S-sorry Bruce" Pinulot ko kaagad iyon at pinatong sa gilid ng upuan ko.
"Hindi ko 'yon sinadiya,ayoko lang talagang masagasaan ang pusa." Sabi ni Dave na para bang galit na galit.
"It's okey Lily,I'll buy you another one,"saad ni Bruce sa'kin,bago tumuon ang tingin niya kay Dave,"at 'di ko din alam Dave na cat lover kana pala ngayon." Sarkastikong sabi ni Bruce.
Pareho silang mataim na nakatingin lang sa daan,si Dave na mahigpit ang kapit sa manibela at si Bruce na nakatikom kamao.
"’Wag mona munang kausapin, maawa ka." Bulong ni Brian sa'kin.
Napatingin naman ako kay Brian na ngayon ay parang may nagbago din sa templa niya,kani-kanina lang ay inaasar pa niya ako,pero ngayon, biglang sumeryoso ang mukha niya.
"B-bakit?" nauutal kong tanong sa kanya,mabilis naman agad siyang lumingon sa akin,pero buntong hininga lang ang isinagot niya.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari,sobrang gulo,hindi ko maintindihan kung bakit sa isang iglap ay silang tatlo ay bigla nalang na magbabago?
Hindi na sila ang dating mga pala asar na 'the three badboys' kuno maliban kay Dave at Bruce,si Brian lang ang di gaanong nagbago.
May mali,hindi ko mapunto pero ano?
H-hindi kaya...alam na nila pareho?
❦︎
BINABASA MO ANG
Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)
Ficção AdolescenteAng sabi nila,mahirap daw magkaroon ng boyfriend na gwapo,hot,and at the same time sobrang yaman. Kasi maraming babae daw sa paligid ang magkakagusto rito at magtatangkang agawin siya sa'yo. Pero ang mga taong nasa paligid nga ba ang nakakatakot pag...