Chapter 9
Ako?Magsusuot ng bikini?!
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, kulang na lang ay lumabas siya sa rib cage ko.
Ako daw kasi ang bagay na maging model ngayong nasa boracay kami, kasi daw maganda daw ang katawan ko sabi ni Brian.
Ewan ko kung dapat ba akong magpasalamat o mainis?Dahil habang sinasabi niya 'yon panay ang tingin niya sa'kin mula ulo hanggang paa.
"Uy Lily!" Biglang bumukas ang pinto ng catage na tinuluyan ko,"Hoy ba't di kapa nakabihis?!" Gigil na tanong ni Brian.
Kinunutan ko siya ng noo,"Akala niyo ba talaga susuutin ko yan?!" Gigil kong itinuro ang red na two piace na panty at bra.
"Bakit?" Ang natatawa pa niyang tanong,"Sexy ka naman ah,bilis na!" Pangungulit pa niya at hinagis sa'kin ang two piece.
"Ayoko sabi!Hindi ba pwedeng croptop nalang or something?!'Wag naman ganyan..." May bahid ng pagmamakaawa sa boses ko.
"Hm..."humawak pa siya sa baba niya at umaktong nag-iisip,"Bruce!Dave!" biglang sigaw niya at sumilip sa labas ng pinto.
Umupo ako sa maliit na kama ng catage at pinag-cross ang mga kamay ko sa dibdib ko.
"What?!" Boses ni Dave,tuluyan niyang binuksan ang catage at tumambad ang nakakunot-noo na si Dave,"Ba't di kapa naka bihis?!" bulyaw kaagad ni Dave.
"Well,maybe kasi ayokong magsuot ng bikini-bikini na yan?!" Sigaw ko sabay taas kilay.
"At sino naman ang nagsabi na magsusuot ka ng bikini?" Ang nakataas kilay din na tanong ni Dave.
"Eh sabi mo kanina e!" Parang bata kong pagrereklamo.
"Tss..." Umiling iling siya,"I was just teasing you"
"Teasing mo mukha mo!" Bulyaw ko, "E bakit pinipilit padin ako ni Brian na suutin 'to?!" Sumbong ko naman.
Napatingin naman ako kay Brian na ngayon ay ngising ngisi na,habang si Bruce at Dave naman ay nagkatinginan sabay sinipa ni Dave si Brian at binatukan naman ni Bruce si Brian.
"Pff.." Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang sarili kong tumawa, parang mga bata.
"What's so funny?" Biglang tumayo si Dave sa harapan ko,dahilan para mapaatras ako sa kama.
Bwesit!Nakakatakot pala talaga siya,ang tangkad niya pala masyado, ngayon ko lang narealize.
"Wala!Parang bata kasi kayo,sigi na ano susuutin ko?!Gusto ko ng umuwi!" Pagsisinungaling ko pa,ang totoo,ayaw ko pa talagang umuwi, gusto ko pang maligo.
"Here,wear this,"walang buhay ang boses ni Dave sabay hinagis sa'kin ang isang kulay pulang dress.
Red dress siya na above the knee lang, tapos tube 'yong sa taas,at fitted sa may tiyan.
"Wala ba 'tong,"nag-iwas ako ng tingin,"ahm,pantakip sa may braso?" Tanong ko.
"No,maganda ang katawan mo kaya huwag mo 'yang ikahiya." Direktang sabi ni Dave dahilan para kaagad na mag-init ang pisngi ko.
"Yeah,and you're cute too," dagdag naman ni Bruce,"Specially when..." bigla siyang lumapit sa'kin,sabay pinisil ang pisngi ko,"you're blushing" dugtong niya.
Pakiramdam ko ay matutunaw ang puso ko dahil sa sinabi niya,hindi ako makatingin ng diretso dahil sa hiya.
"Tara na,bilisan mo ng magbihis" bilin ni Dave saka mabilis na umalis kasama sila Brian at Bruce.
Tss...sungit!
Dali-dali akong bumaba sa pagkakaupo ko sa kama at agad na isinarado ang pinto at dumiretso sa salamin para tignan kong babagay ba sa'kin ang dress.
BINABASA MO ANG
Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)
Ficção AdolescenteAng sabi nila,mahirap daw magkaroon ng boyfriend na gwapo,hot,and at the same time sobrang yaman. Kasi maraming babae daw sa paligid ang magkakagusto rito at magtatangkang agawin siya sa'yo. Pero ang mga taong nasa paligid nga ba ang nakakatakot pag...