59

261 9 0
                                    

LILY

Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni Dave,nanginginig ang katawan ko habang naa intertwined ang mga kamay namin, pinaglalaruan niya ang mga daliri ko,habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela.

Hindi ko maiwasang kabahan lalo pa't kaming dalawa lang dito sa kotse,hindi naman sa natatakot ako na baka may mangyaring kababalaghan,kundi natatakot ako na baka kung anong masabi ko.

Baka masabi ko kung gaano ako kasaya na umamin siya,masaya ako na kahit na sa kabila ng mga nangyari ay bumalik parin siya at nagpaliwanag.

Ngayon ay naliwanagan na ako na kaya niya lang nagawa iyon ay dahil nag aalala lang siya kay Amethyst at sa baby niya.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagsinungaling si Amethyst sa nangyari sa cr, bakit niya sinabing mang aagaw ako? At bakit siya nagsinungaling kay Dave na ako ang sumugod sa kanya?

Humanda talaga saken ang Amethyst na yan,nagsisimula na akong magduda sa kanya,sigurado akong may tinatago ang babaeng yun,at kaylangan ko 'yung malaman.

"Lily?"

Napalingon naman kaagad ako kay Dave na nagmamaneho, "Ha?"tanong ko.

"Tulala ka,is something bothering you babe?" tanong niya.

Pakiramdam ko ay tumatalon talon ang puso ko dahil sa pagtawag niya ulit saken ng babe, medyo matagal na din kasi simula ng maghiwalay kami.

"Anong babe pinagsasasabi mo?!" tanong ko sa kanya at binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Bigla namang bumagal ang takbo ng sasakyan saka siya tumingin saken,"What?!ofcourse you're my babe,you're my girlfriend!" depensa niya.

"Hoy!"umusog ako palayo sa kanya "EX mo'ko!EX!!"saad ko at pinagkrus ang mga kamay ko sa dibdib ko.

"What?!"bigla niyang inapakan ang manibela dahilan para umabante ang katawan ko,buti nalang at may seatbuilt.

"Anong what?!"tanong ko naman sa kanya.

"I t-thought-"

"Ano ka sini-swerte?ulol!napatawad lang kita pero wala pang tayo ulit!"sumandal ako.

Hindi ko alam kung anong meron at bigla siyang ngumisi,isinandal niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang side ng bintana dahilan para makulong ako sa bisig niya.

"Inshort you want me to court you again?"tanong niya habang hindi parin nawawala ang ngisi sa labi niya.

"E-ewan ko sa'yo,k-kung gusto mong m-"napalunok ako dahil palapit ng palapit ang mukha niya saken "m-maging tayo ulit."muli akong napalunok ng dumampi ang mga labi niya sa labi ko.

Gago!nakakarami na siya ngayong araw ah!

Nang humiwalay siya ay kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. "Namimihasa ka ah,hindi pa nga tayo ulit."umirap ako.

"Well,dapat masanay ka na kasi araw araw kitang hahalikan,and besides,I'm a hundred percent sure na mapapasagot ulit kita gaya ng una."aniya at kumindat.

Umirap ako"Bagyong Dave."bulong ko.

"What was that babe?"nakangisi niyang sabi.

"Wala."agad kong sagot.

Pinagpatuloy niya ang pagmamaneho,at naramdaman ko nalang na gumagapang na naman ang isang kamay niya papunta sa kamay ko na nasa hita ko.

Sinamaan ko siya ng tingin," 'wag kang manyak!" inis kong sabi at tinabig ang kamay niya,pero kaagad niyang nahuli ang kamay ko at kaagad iyong hinawakan.

"Pampagana." aniya at hinila ang kamay ko palapit sa labi niya at hinalikan ang likod noon.

Nag-iwas naman kaagad ako ng tingin at itinuon nalang ang pansin ko sa labas ng sasakyan.

"Babe alam mo nung iniwan mo'ko,It felt like my world colapse on me,sobrang sakit nun,hindi ko nga alam kung paano ako makaka move on,specially when I saw you being courted by that Caleb."aniya at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

Napabaling ulit ang atensiyon ko sa kanya,"Courted?magkaibigan lang kami."pagtatama ko sa kanya.

"Pero..the way he kiss your cheeks, it's-"

"Pinagseselos ka lang ng gagong yun."napatakip kaagad ako sa bibig ko dahil sa nasabi ko,bwesit ka talaga Lily!ang tabil ng dila!

"So..?pinagseselos niyo 'kong dalawa ey?"aniya habang masamang nakatingin sa'ken.

"I-idea niya naman yun,hindi saken."sagot ko habang kagat kagat ang ibabang labi ko.

"And you cooperated with him."aniya sa walang tono na boses,ramdam ko ang unti unting paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

Nag-iwas nalang ako sa kanya ng tingin, nanatili kaming tahimik habang umaandar ang kotse,tanging ang pagsulyap lamang sa daan ang ginagawa kong libangan para hindi mapansin si Dave na nakaupo sa tabi ko habang hawak hawak ang isang kamay ko.

Habang patuloy na umaandar ang kotse, napansin ko ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki at isang babae sa daan hindi kalayuan sa amin,at mukhang may pinag uusapan sila.

"Ahm,D-Dave,"hinawakan ko siya sa braso habang nakatingin parin sa dalawang bulto ng tao na nag uusap.

"What is it babe?"dinig kong sabi niya, hindi kona napansin na tinawag pala niya akong babe dahil na rin sa paghihinala sa dalawang tao na nag uusap.

"I-ipara mo dali!"utos ko sa kanya habang hindi parin tinatanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya at nakatuon parin ang tingin ko sa dalawang bulto ng tao sa daan.

Agad naman siyang sumunod at dahan dahang ipinarada ang sasakyan sa gilid, medyo may kalayuan kami sa dalawang bulto ng tao sa daan,kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha nila, lalo pa't gabi na.

"SIYA NA BA YUNG PINALIT MO SAKEN!" sigaw ng babae sa lalaki.

I knew it!sabi na eh!kilala ko talaga ang dalawang iyan!pero hindi ko mawari kung sino sila..

Namilog ang mga mata ko ng bahagyang lumingon ang babae at para bang napansin na ata nila ang sasakyan ni Dave.

Kaagad na hinugot ng lalaki yung babae at kaagad na pumasok sa kotse,bago ito tuluyang humarurot.

Pinakatitigan kong maigi ang plaka ng kotse,pero hindi ko rin mabasa dahil sa madilim nga.

"Hey,what's wrong?"maamo at mahinahong tanong saken ni Dave, kasabay nun ay naramdaman ko ang kamay na humagod sa likuran ko.

Kaagad ko siyang nilingon,"Nakilala mo ba sila?"tanong ko at tinuro ang kotse na umaandar na.

"No,but I think I know them,there voices sounds familiar"aniya."Why?"tanong niya habang nakahawak parin ang kamay niya sa likod ko.

"Hindi ko alam,pero..feeling ko..ah basta!umuwi nalang tayo!" pag aaya ko at sumimangot.

Bahagya siyang natawa nanagpabilis naman mg tibok ng puso ko."You're just being paranoid baby,maybe it's because those two also looks like a couple that's having a misunderstanding..just like us before." saad niya ay tumawa saka bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Gago!"inis kong sabi at pinagkrus ang mga kamay ko sa dibdib ko.

Tumawa naman siya,"Iuuwi na kita,baka kung anong isipin ni tita ni ginagawa natin."tumawa siya saka pinaandar ulit ang kotse.

Hindi ko man nakita ang mga mukha nila,alam ko at nararamdaman ko na kilala ko sila,para sa'ken hindi naman big dea kung kilala ko sila,pero may kung ano saken na naghihikayat na kilalanin sila,hindi ko ma-explain,pero parang may kaylangan akong malaman tungkol sa kanila.

At may isa akong palatandaan kung sino ang babae kanina,habang nasa malayo kami kanina,napansin ko ang pulang porseras na may pendant na pulang heart,masyadong makislap ang pendant na iyon kaya kahit malayo ay kita ko.

Yun ang palatandaan ko,iyon ang kaylangan kong hanapin,ang porseras.

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon