08

593 26 4
                                    

Chapter 8

"Ano ba!'Wag mo nga akong pagtripan!" Mas umusog pa ako sa gilid ng upuan hanggang sa nakadikit na ako sa bintana,dahil walang tigil si Brian sa pags-spray sa'kin ng mabaho niyang pabago.

Pagkalabas na pagkalabas ko kasi ng bahay kanina,amoy na amoy kona kaagad ang pabango niya,kaya medyo nalait ko 'yong amoy ng pabango niya.

At dahil do'n,walang tigil niya akong kinukumbinsi na bawiin ang sinabi ko tungkol sa pabango niya.

Syempre tumanggi ako,kaya naman walang tigil niyang inii-spray ang pabango niya sa'kin para daw patunayan na hindi mabaho ang pabango niya.

"Ito naman,simple lang naman ang gagawin mo,bawiin mo ang sinabi mong pang-iinsulto sa pabango ko!" Gigil niyang sabi at ini-spray ulit ang pabango niya sa mukha ko.

"Hindi ko babawiin!Totoo naman talaga!Sa inyong tatlo,pabango mo ang laging nangangamoy!Halos mabahing nga ako dahil sobrang kiliti sa ilong niyanh pabango mo!" Gigil ding sigaw ko sa kanya.

Kaninang umaga sobrang saya ng gising ko,ang saya ko pa ngang nagto-tooth brush at naligo dahil walang pasok.

Not until naka-receive ako ng text galing kay Dave na ngayon nalang daw kami aalis,at pupuntang Boracay, San Juanico Bridge at sa Tagaytay.

Nagulat man ako,wala parin akong nagawa,kaya tinawagan ko nalang si mama at nagpaalam na ilang araw akong hindi uuwi,at isang malaking himala na pumayag siya ng ganoon kabilis,lalo na no'ng banggitin ko na kasama si Bruce,costumer niya daw kasi si Bruce,kaya alam niyang mabait na bata,aalagaan daw ako.

Tss..kung alam mo lang ma...

"Iniinsulto mo talaga ang pabango ko! How could you?!" Madrama siyang himawak sa dibdib niya,"My girls love them you know?!" Sigaw niya sa backseat sabay spray ulit sa'kin ng  pabango niya.

Argh!Parang bata!

"Well,I'm not your girls,kaya wag mo'kong pilitin na magustuhan 'yang lintik mong pabango!"

Tumingin ako sa salamin at halos sumabog ako ng tawa ng makita ko na magkasalubong ang kilay niya.

"You've just insulted my baby!" Gigil niyang sigaw at ini-spray-han ulit ako ng pabango niya.

"Ah!" Napasigaw ako ng tumama ang spray sa mata ko.

Aray aray araaaay!!!

Napahawak agad ako sa kaliwa kong mata at naramdaman ko na may mainit na tubig na tumutulo galing sa mata ko.

Pinahid ko iyon gamit ang kanang kamay ko,at hindi kopa man natitignan,alam ko na luha iyon.

"Aray ko.." Mahina kong hikbi habang  nakatakip parin ang palad ko sa mata ko.

Napapikit ako ng maramdamn kong mas lalong humahapdi ang mata ko.

Tang ina ang sakit!

"Lily?" Hindi ko man makita, naramdaman ko naman na bahagyang huminto ang pag-andar ng van na sinasakyan namin.

"Uy Lily?Okey ka lang?" Boses iyon ni Brian.

Bwesit!Ikaw kaya spray-han ko sa mata niyang pabango mo!

Gusto ko man siyang suntukin ngayon,hindi ko magawa kasi ang hapdi talaga ng mata ko,ramdam ko din na nanunubig nadin ang isa ko pang mata.

Hindi ako nagtangka na magsalita dahil alam kong hikbi lang ang lalabas doon,at ayokong makita nila akong umiiyak,lalo na itong si Dave na nasa driver's seat.

"Babe?" Parang nabato ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Dave.

Did he just called me babe?Nope, imagination ko lang 'yon.

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon