36

249 15 0
                                    

LILY

Tahimik akong nakaupo dito sa sofa,katabi ko si Dave,at si Caleb,at nasa harap naman namin si mama,nakaupo sa single sofa habang masamang nakatingin samin

"Ma-" "Tita" magkakasabay naming sabi pero agad din kaming tumahimik

"Nakaka dissapoint kayo" malamig na sabi ni mama

Parang patalim iyong tumama sa puso ko,ang ayaw ko sa lahat ay ang nadi-dissapoint ko si mama

"Lily,alam mo bang pwede kang matanggal bilang scholar diyan sa skwelahang 'yan?!" galit na tanong ni mama

Tumango naman ako.

"Tita wala p-"

"Wag kayong sasabat kapag di kayo ang kinakausap!!" pagputol ni mama sa sasabihin sana ni Dave sabay turo pa sa kanilang dalawa

Tumingin ulit sa'ken si mama "Alam mong mahirap lang tayo, at nagpapakahirap ako lagi na magtrabaho para lang may pang project ka,sa allowance at baon mo,tapos made-deans office ka lang?!"

Nagsimula ng maipon ang mga luha ko sa gilid ng mga mata ko, nanginginig na din ang labi at mga kamay ko

"S-sorry po ma.." tumayo ako saka naman niyakap si mama

"Nakung bata ka!" niyakap naman ako pabalik ni mama "magpasalamat ka at kahit damulag kana eh baby parin kita" hinagud naman ni mama ang likod ko

Natawa naman ako at isiniksik pa ang mukha ko sa leeg ni mama at patuloy sa pag iyak at sa pagso sorry

"Wag ka na ngang umiyak!'di kaba nahihiya sa boybren at diyan sa kababata mo?!"

Bilib talaga ako kay mama,kahit na pinagagalitan niya ako,nagagawa niya parin akong mapatawa

"Sige na umakyat kana sa kwarto mo,ako ang kakausap sa dalawang toh"

At doon bigla na naman akong kinabahan,tumingin kaagad ako kay mama na may pagtutol sa mga mata

Pero mas tinaliman niya ang tingin sa akin "Akyat"

Wala na akong nagawa kundi tumayo at tumingin kela Dave at Caleb,saka naglakad paakyat sa hagdan

Nang malapit na ako sa taas, tumingin ulit ako kay mama, bigla siyang lumingon sa'ken,at laking gulat ko ng bigla siyang kumindat

Hala ano na namang pinaplano nitong si mama!!

Nagtago ako sa likod ng pader para hindi nila ako makita at palihim na nakinig sa usapan nila

"Ikaw Caleb?!bakit mo hinalikan ang anak ko ng walang pirmiso?!" rinig kong sigaw ni mama

Bigla ko namang naalala ang ginawang paghalik sa'ken ni Caleb, pero agad ko iyong winaksi sa isip ko at nagpatuloy lang sa pakikinig sa usapan nila mama

"S-sorry tita,I can't help it,it has been years,but she's still here in my heart"

Napahawak naman ako sa dibdib ko kung saan nakalocate ang puso ko dahil bigla iyong tumibok ng mabilis,baka ma heart atack na ako nito!!

"Patingin nga ng puso mo kung nandiyan ang anak ko?!"

"Pff.." pinigilan ko ang sarili kong tumawa,tinakip ko yung kamay ko sa bibig ko

"At ikw Dave?!Anong pumasok sa kokote mo at binugbug mo ng ganito si Caleb?!kawawa naman amg gwapo niyang mukha!"

Napangiwi naman kaagad ako dahil sa sinabi ni mama,so pinagtatanggol niya pa si Caleb?!

"But tita!she kissed Lily!MY GIRLFRIEND!!" pagtatanggol naman ni Dave sa sarili niya

"Ede sana sinuntok mo sa tiyan o sa ibang parte ng katawan!" sagot naman ni mama na mas nagpatawa sa'ken

Buti nalang at dalawang kamay ko ang nakatakip sa bibig ko

"Sorry po" magkasabay namang sabi ni Dave at Caleb

"Oh siya!kapag naulit toh!automatic ipapa-kick out ko kayong dalawa sa buhay ng anak ko!"

"Opo!hindi na mauulit!"

Namilog ang mata ko nang magkasabay na magsalita si Caleb at Dave,ganoon ba sila katakot kay mama?

"Hm..oh sigi magsiuwian na kayo at gabi na,papatulugin kona yung anak ko,at ikaw Dave,siguraduhin mo lang na hindi mo pinaglalaruan ang anak ko kundi mapuputulan ka talaga naiintindihan mo ba?!"

Napalunok naman ako sa tanong ni mama,kainis naman,bakit paba kasi ako nakikinig?!

"Don't worry tita,loyal ata toh, hindi ko po niloloko at lalong hindi ko lolokohin si Lily,at mas lalong hindi ko siya haayaang maagaw ng mga ahas sa paligid"

Mas lalo namang lumalapad ang ngiti ko sa labi,hindi ko rin mapigilan ang mapakagat labi, baka kasi matawa ako eh

"Oh siya,umuwi na kayo,at tandaan niyo lahat ng sinabi ko ha?!"

"Opo tita"magkasabay ulit na sabi ni Dave a Caleb

Natatawa naman akong umiling bago dahan dahang naglakad papasok sa kwarto ko

Nang makapasok ako ay kaagad kong nilock ang pinto saka tumalon sa kama at agad na tinakpan ng unan ang sarili kong mukha

"Ahhhhhhhh!!!!!" hindi kona napigilan ang sarili ko,lintik talaga! ngayon lang ako nakaramdam ng ganito!

G ago ang weird sa feeling!oo noon kinikilig din naman ako kay Caleb, pero..iba kay Dave eh..may something sa kanya na wala si Caleb kaya ako nagkakaganito.

'ting'

Napatingin ako sa bulsa ko ng tumunog iyon,kinuha ko kaagad at binasa ang nag pop sa lock screen

Dave Fuenta
Hi babe,wag kana mag alala,okey na kami ni tita,tsaka hindi na din siya galit sa'yo,sunduin kita bukas ah,muwah,I love you!

Lintik talaga ang lalaking ito! hindi talaga pumapalyang bulahin ako!

Habang ngiting ngiti ako,biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kaninang umaga,mabuti nalang pala at hindi nagtanong si Dave kung sino ang sumundo sa'ken, siguro nakalimutan na niya kaka iyak niya kanina,parang bata talaga

Seven thirty PM,hindi pa naman masyadong gabi eh,kaya bumaba muna ako at dumiretso sa kusina

"Nak"

"Ah!" napatili na naman ako ng bigla nalang sumulpot si mama, "Ma naman eh.."

Tumawa naman si mana at umiling iling "Anak,sana hindi na maulit ang nangyari kanina ha, lahat ng sinabi ko totoo,pabiro man pero totoo lahat ng 'yun,wag mo sanang pabayaan ang pag aaral mo dahil lang sa pag ibig ha?"

Tumango naman ako "Opo ma, promise"

"Yan ang anak ko,oh sige, kwento kana kung pa'no humalik si Caleb?" bigla naman akong nabulunan sa sarili kong laway at tumingin kay mama "Oh ano? Sino mas masarap humalik?si kababata ba o si boyprend?"

Napanguso naman ako,kahit talaga ano kaseryoso si mama, hindi talaga mawawala ang pagiging mapagbiro niya

"Dali na..kwento kana.." pangungulit pa niya"Uy..kinikilig siya.." tinusuktusok pa niya ang bewang ko

"Ma naman.." reklamo ko habang iniiwasan ang bawat pagtusok ng kamay ni mama sa bewang ko

"Oo na..private na yun,ganyan ka na ngayon,porket malaki kana" kunyaring nagtatampo pa ang boses ni mama

And Ofcourse,alam ko namang nag papaawa lang si mama,at ako naman itong maawain,lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya

"Well,mas masarap humalik si Dave"

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon