LILY
"Ingat ka diyan nak ha,'wag gagawa ng milagro"
Napangiwi nalang ako dahil sa text ni mama,ano ba naman kasi ang mga pinag-iiisip ni mama!
Nakahiga ako ngayon dito sa sofa,si Dave,ayun tulog na tulog na,gusto kong umuwi kaso di ko naman magawa kasi umuulan na din sa labas
Tapos itong si Dave din kasi,hindi ko alam pero di ko magawang iwan! siguro kasi nako-konsensiya ako kasi dahil sa'ken naglasing siya ng ganiyan
Napahawak ulit ako sa ibabanh labi ko,kanina pa ako hawak ng hawak sa labi ko,'di ko mapigilan,ilang beses na din kasi niya akong nahalikan bwesit!
Bumagon ako at lumapit sa malaking mesa sa tabi ng kama ni Dave,kanina akala ko study desk toh,kaso mali pala,kasi may malaki ding computer na nakapatong dito at maraming games yung naka install,tsk.
Kiuha ko yung gunting sa ibabaw, pati nadin ang glue at mga cartolina and cardboard,total hindi naman ako makatulog,gagawa nalang ako ng projects namin
Inilapag ko lahat ng gamit sa sahig, pati nadin ang mga pictures na kinuha namin sa mga lugar na pinuntahan namin
Nagsimula na akong maggupit ng mga designs,gumupit ako ng flowers, butterflies,at gumawa din ako ng ibon na gawa sa tinupi tuping mga colored papers
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Dave ng idiin niya ang halik niya sa labi ko
Nakahawak ang isa niyang kamay sa likod ng ulo ko,dahilan para madiin pa lalo ang mga labi ko sa kanya,at ang isa niyanh kamay ay naka palibot sa bewang ko
Tang-na!"napamura ako dahil sa naalala ko,bwesit naman!!ba't di ko magawang kalimutan!
Tumingin ako sa gawi ni Dave na nakahiga sa kama,mahimbing parin naman ang tulog niya,parang bata.
Ibinalik ko yung atensiyon ko sa ginagawa ko,patuloy lang ako sa paggupit ng mga designs,kumuha din ako ng mga glitters para mas maganda
Kinuha ko yung mga pictures at doon napangiti ako,nakita ko ang picture namin ni Brian sa may bohol,ngiting ngiti siya dito kasi inaasar niya sila Dave at Bruce,ga*o talaga
Bahagya akong tumawa at iginilid muna ang larawang iyon,pinulot ko ang kasunod na picture,at ganoon nalang ang ngiti ko ng makita ko ang pictures namin ni Bruce
Nakaakbay siya sa'ken habang nakangiti,at ako..pulang pula yung pisnge ko!!
Agad ding nag init ang pisnge ko at iginilid kaagad ang picture nayun, mahihirapan ata ako nito..
Sinimulan ko ng idikit ang mga pictures sa photo album,ang cute nga ng photo album namin kasi mukha siyang garden
Mula sa labas hanggang sa loob, malaki din itong photo album kaya solid ang mga design ko,tsaka color yellow green kasi kaya bagay yung garden
Habang nagdidikit ako ng mga pictures,parang may kulang,hindi ko alam pero parang may kulang
Tumingin ako sa paligid ko,at doon, nakita ko ang lima pang mga pictures na nahulog sa mesa
Tumayo kaagad ako at pinulot ang mga iyon,laking pagsisisi ko ng makita ang pictures na iyon,yun nag pictures namin ni Dave sa boracay
Napalunok ako ng makita ko ang kamay niya sa larawan na nakapalibot sa bewang ko at ang ulo niya ay nakapatong sa leeg ko
"Gosh.."yun nalang ang nasabi ko bago tuluyang idinikit ang mga larawan
Kumuha ulit ako ng isa pang picture, at kung ano mang nararamdaman ko kanina ay kaagad ding nawala,mabilis akong napakunot noo at halos punitin ko ang picture na nasa kamay ko
At sino naman ang babaeng ito?!
Huminga ako ng malalim at tinignan ang iba pang mga pictures,ganoon nalang ang kirot sa puso kong naramdaman ng makita ko ang mga litrato
Si Dave,m-masayang kasama ang isang babae,pareho silang nakangiti, magkayakap,at ang iba naman ay nakaakbay siya sa babae
Ramdam ko ang paninikip ng puso ko, parang may kung anong mga tumutusok sa puso ko,base sa litratong toh...ang saya niya,i-ito yung ngiti ni Dave na ni minsan 'di kopa nakita kapag magkasama kami
Inilapag ko ulit ang litrato at tumingin sa gawi ni Dave,mahimbing parin siyang natutulog..
Tumingin ako sa orasan,twelve AM, mahina akong natawa at umiling, ano tong nararamdaman ko?sakit?
Bwesit..bakit naman ako masasaktan? tss..buti nga at may nakapagpapasaya na sa kanya eh,para tigilan na niya ako sa kalokohan niya
Pinulot ko ang mga pictures na wala namang kwenta at ibinalik sa ibabaw ng mesa,muli kong tinignan ang mga litrato,ang ganda naman ng babae
Umupo ulit ako sa sahig,nagpatuloy nalang ako sa paggugupit ng mga designs para sa photo album namin
Sino kaya yung babaeng kasama ni Dave sa picture?imposible namang kapatid o pinsan niya,ang sweet nila eh,yung sweet na pang jowa material
Pa'no kung...girlfriend niya yun?
"Ah!" Napahawak ako sa daliri ko na dumudugo na ngayon,aksidente kasing lumagpas ang paggugupit ko sa colored paper at napunta tuloy sa daliri ko
Ansarap sumigaw ng mura!humanda talaga ang mga g-gong toh bukas,di manlang tumutulong?!!
At lalo kana Dave,humanda ka talagang h-yop ka,ilang beses mo'kong hinalikan tapos may iba ka palang babaeng nakahalikan na!!!at mukhang mahal na mahal mo pa!!!
Tumayo ako at kumuha ng tissue sa ibabaw ng mesa ni Dave,at pinunasan kaagad ang dugo na nasa daliri ko
Tumingin ako sa photo album na ginagawa ko,buti nalang at hindi natapunan ng dugo,pero yung sahig oo
Inis akong yumuko at pinunasan din iyon,pagkatapos ay lumapit ako sa kama ni Dave saka nilagay doon ang photo album
Okey na siguro toh,hindi kona kayang gumupit pa ng iba pang mga designs, ansakit na ng daliri ko
Huminga ako ng malalim at sinimulang ligpitin ang mga kalat ko sa sahig
Pagkatapos ay ibinalik kona ang mga gamit na pwede pang gamitin sa ibabaw ng mesa ni Dave
Napakunot noo na naman ako ng makita ko ang picture ni Dave at ng kung sino man ang babaeng ito
"Hindi pala babaero ah."inis na bulong ko sa sarili ko,kinuha ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto ni Dave
Tumila na naman ang ulan kaya pwede na akong umuwi,ayoko ng magtagal pa dito,bwesit!
Ngayon palang wala ng pag-asa si Dave sa'ken,p umaasa nga ba siya sa'ken?o baka naman pinagtitripan lang ako ng g-gong toh?!
————————————————————————————————————————————————
Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!
BINABASA MO ANG
Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)
Teen FictionAng sabi nila,mahirap daw magkaroon ng boyfriend na gwapo,hot,and at the same time sobrang yaman. Kasi maraming babae daw sa paligid ang magkakagusto rito at magtatangkang agawin siya sa'yo. Pero ang mga taong nasa paligid nga ba ang nakakatakot pag...