19

361 19 0
                                    

LILY

"Salamat po ate"sabi ko,tumango naman agad siya

"Kung may kaylangan ka pa iha, tawagin mo nalang ako ah" tumango din ako

"Sigi po,salamat ulit"

"Sigi ma'am,baba na ako"nagpaalam na si ate at bumaba

Bwesit..ansakit ng tuhod ko sa haba ng hagdan nila,papayat agad siguro ako kung magbabalik balik ako

Binuksan ko yung pinto ng kwarto daw ni Dave,ang ganda naman..pang mayaman talaga

"Lily babe.."parang nabuhay yung mga balahibo ko

Oo nga pala!si Dave nga pala!!

"Andito ako,gago"sabi ko at lumapit sa kamang kinahihigaan niya,anlaki ng kama,sana all

"Lily babe.."huminga ako ng malalim bago tumabi sa kanya

"Huhubarin ko muna yang T-shirt mo ah,pupunasan muna kita"

He 'hmmed',hinawakan ko ang dulo ng T-shirt niya,napalunok muna ako,bago iniangat iyon

"Upo ka muna Dave"utos ko,at sinunod naman agad niya

Nanghihina siyang umupo sa kama, isinandal niya yung ulo niya sa balikat ko

"Kamusta ka Lily?"malambing niyang tanong

Iniangat ko yung kamay niya para maalis yung T-shirt niya

"Lily babe..pansinin mo naman ako.." bigla kong naramdaman ang mga kamay niya sa hita ko

Tinapik ko kaagad iyon,at inalis yung kamay niya sa hita ko,tuluyan ko ng nahubad ang T-shirt niya

Kinuha ko yung palanggana na may maligamgam na tubig,isinawsaw ko yung panyo at piniga iyon

Humiga siya bigla at nagtalukbong ng kumot,napanguso naman agad ako, sinubukan kong tanggalin,pero iniipit niya ata

"Dave,'wag ka makulit"sabi ko habang sinusubukan paring tanggalin ang kumot

"Hindi mo'ko pinapansin eh.." suminghap ulit siya

Bwesit talaga ang g-gong toh, pinapahirapan pa ako

"Bilis na"sabi ko habang hinuhugot parin ang kumot paalis sa kanya,pero ang g-go ayaw parin lumabas

Ngumuso ako"Bahala ka sa buhay mo! aalis na'ko!!" inis kong sabi,akmang tatayo na ako ng biglang hawakan niya ang pulsuan ko

Umupo siya sa kama habang nakatingin lang sa'ken,nakakaawa naman toh

"Wag kana umalis lily babe,"hinaplos niya yung kamay ko sa mukha
niya"dito ka nalang"

Huminga ako ng malalim,bwesit amoy alak!!

"Basta 'wag ka makulit ah"utos ko, pinigaan ko yung panyo,at sinimulan siyang punasan

"Lily babe,gusto mo kumain..?" malambing na tanong niya habang pinupunasan ko siya sa mukha

"Hindi."sagot ko naman

"Gusto mong manood ng TV?"tanong niya ulit

Bwesit!!an daming tanong!

"Hindi."sagot ko ulit

"Gusto mong yakapin kita?"tanong niya ulit

"Oo."my eyes widened"H-hindi."pag- iiba ko ng sagot ko at pinunasan nalang siya ulit

"Mahal kita"napalunok ako bago tumingin sa kanya

"H-ha?"nauutal kong tanong

"Mahal kita,sayang lang.."bigla siyang suminghap "k-kasi,si Bruce yung gusto mo,simula pa nung nagkita tayo,nagustuhan na kita,kaso nung nalaman kong may gusto ka kay Bruce,sobrang nasaktan ako,kaya binully tuloy kita"

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon