38

206 11 0
                                    

LILY

Dalawang oras,mahigit dalawang oras na akong nakaupo dito sa upuan ng restaurant na sinasabi ni Dave, ang sabi niya kasi sa'ken ay mauna na daw akong pumunta.

Tumingin ako sa paligid,unti unti nang nag aalisan ang mga tao, pinagtitinginan na din ako ng mga tao sa paligid,at yung tingin nila, napaka judge mental!

"Ma'am"

Nagtaas naman ako ng tingin,at nakitang ang kaparehong waiter ito na kanina pa pabalik balik dito sa table ko

"Hindi pa po ba kayo o-order?"  tanong niya ulit,ang paulit ulit niyang tanong sa'ken mula pa kanina nang dumating ako, siguro ay naka sampung balik na siya sa table ko

"Kuya may inaantay pa po ako eh" pag ulit ko din sa sagot ko, pakiramdam ko ay nasa isang CD kami na paulit ulit na reni-rewind ang nangyayari, paulit ulit siyang nagtatanong,at paulit ulit din akong sumasagot

"Ma'am,baka po hindi na po dumating ang inaantay niyo" sabi niya at bahagyang tumawa, nagkatinginan sila ng ibang tao sa restaurant at sabay sabay ding nagtawanan

Mga g ago toh ah!

"Kaya nga po BAKA diba,kasi hindi sigurado,so 'wag po kayong mag alala okey?tsaka ano bang kinakatakot niyo?akala niyo ba magnanakaw ako?!

"Hindi naman po sa ganoon ma'am,pero ma'am isang oras nalang po ay magsasarado na kami" pagpapaliwanag niya

"E mamaya pa naman yun diba? hindi pa naman ngayon diba?" nakataas kilay kong tanong

Bumuntong hininga naman siya at tumango tango "Ofcourse ma'am, we're just right here waiting for your orders"aniya at yumuko saka bumalik sa pwesto niya

Tinignan ko ulit ang cellphone ko at tinignan ang message box, pero wala parin,hindi parin siya nag text,o nag missed call manlang!!

Tinignan ko ang itaas ng phone ko at tinignan ang oras,nine thirty PM,napabuntong hininga nalang ako.

Ilang minuto ang lumipas,pero ganoon padin!hindi parin siya nagtetext o nagmi missed call manlang!

Ang usapan namin ay Seven PM! tapos ngayon ano?!alas nuwebe na lintik!!kung alam ko lang!ede sana hindi na ako nag dress!!argh!!

Pa'no ba naman kasi?sinabi ko kay mama na pupunta ako dito sa restaurant ngayon dahil monthsary namin,at ayun,mas naging excited pa siya kesa sa'ken!

Pinasuot niya saken yung bagong bili niyang dress para daw sa'ken at ni-lipstickan ba naman ako?! bwesit!feeling ko tuloy kumakain ako ng lipstick!!

Kahit nga sa pag-inom ko ng tubig, feeling ko nagkaka strawberry flavor yung tubig,kasi yung nilagay ni mama na lipstick,ewan kung lipstick yun,pero parang lipstick eh,may flavor daw,sabi niya.

"Miss,baka naman 'di na dadating 'yang date mo?" dinig kong sabi nung isang lalaki sa bandang likod ko,at sumang ayun naman kaagad ang mga tao sa paligid

"Oo nga miss,naku mga bata talaga ngayon!"

"Oo nga,kami noon,hindi kami hinahayaan ng mga magulang namin na lumabas ng gabi na"

Bumakas naman kaagad ang kalungkutan sa mukha ko, pakiramdam ko ay napaka desperada kong tignan,kaya lang naman ako nagiintay dito kahit gabi na kasi ang sabi ni Dave ay dadating daw siya kahit anong mangyari.

Sabi niya kahapon kahit daw o bumagyo dadating siya,eh ngayon? maayos naman ang panahon,ba't hindi parin siya dumadating!

"Naku Miss umuwi ka nalang, naawa na kami sa'yo eh"

"Oo nga miss,balik ka nalang bukas kapag sure na na dadating yung date mo"

At nagtawanan naman sila na para bang isang joke ang pag aantay ko dito,mga g ago talaga!!at isa pa yang si Dave!!

Bahala na,bahala siya sa buhay niya, pangalawa na toh,nakaka
g ago na,ayoko ng ganito,bahala siya kapag nagkasalisi kami!

Tumayo kaagad ako at kinuha ang maliit na bag ko saka ibinalik doon ang cellphone ko,inayos ko din ang dress ko na above the knee at nakayukong lumabas ng restaurant.

Lintik nakakahiya!!

Mapait naman akong napangiti habang naiisip na pangalawang beses na toh,pangalawang beses na siyang nangako na dadating siya,pero hindi naman pala.

Pakiramdam ko tuloy pinaglalaruan lang nila ako, pakiramdam ko pinagtatawanan na nila ako sa mga oras na toh.

Bakit ba kasi ako pumayag na maging boyfriend ang lalaking iyon?eh alam ko na ngang g ago yun eh!eh kasi nga..mahal ko na talaga siya..

Mapait akong tumawa at pinahid ang mga luhang tunutulo mula sa mga mata pababa sa pisnge ko, tumingin ako sa kanan at kaliwa, pero wala talagang mga trycyle na dumadaan,gabi na rin kasi.

Medyo malayo din kasi ang restaurant na toh sa bahay namin eh,at ang bahay din nila Dave malayo din,napapagitnaan kasi ang restaurant na toh ng bahay namin ni Dave.

Kung malapit lang ang bahay nila,ede sana sumugod ako dun at sinuntok na ang g agong iyon.

Kawawa naman ako.

Wala sa sariling tumawa ako bago napailing iling,maglalakad na nga lang ako,twenty nine houses lang naman ang lagpas ng bahay namin sa restaurant na toh eh.

At yung bahay naman nila Dave,eh thirty one na bahay ang lalakarin bago marating ang bahay nila,sa side kasi nila Dave,malalaki bahay, kaya ang hirap maglakad,baka mapudpud paa ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng mga yapak sa likod ko,tang ina sinusundan ako!!

Binilisan ko naman ang lakad ko, pero habanh binibilisan ko ang lakad ko,ay naririnig ko din ang mabilis na mga yapak sa likod ko, kaya agad akong tumabko

Lord help me..Lord I love you tulungan mo'ko....

Mas palapit nang palapit ang mga yapak kaya binilisan kopa ang pagtakbo,pero nabigo ako.

"Ah!" napatili ako ng bigla nalang may bumuhat sa'ken,nakasuot siya ng itim na hoodie at itim cap
"TULOOOONG!!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakakarga ng lalaking toh sa'ken

"Relax,I won't hurt you" bulong niya

"G ago anong relax?!kidnapping toh!!tuloooonnnggg!!!"sigaw ko ulit,pero ewan ko kung nabingi ba ang mga tao dito dahil ni isa ay manlang dumating para tulungan ako

"Lil,relax ka lang"

Napatigil ako sa pagpupumiglas sa pagkakakarga ng lalaki nang marinig ko ang sabi niya,Lil? isang tao lang amg tumatawag saken niyan,at..kaboses na kaboses niya pa iyon!!

"Lintik ka Caleb!!ibaba mo'ko!!!"

Tumawa naman siya ng malakas at naramdaman ko nalang na naipasok na niya ako sa isang kotse.

"Bwesit ka!!" sigaw ko habang pinagsususuntok ang braso niya

Umilag ilag naman siya "Wuy relax!!aray!!"

"Anong relax?!akala ko mamamatay na akong g ago ka!!" sigaw ko ulit

"Relax okey!"he cought my wrists "Dahil hindi ka sinipot ni Dave, tayo nalang ang magde-date" pilyo siyang ngumiti at hinalikan ang noo ko

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon