43

220 14 0
                                    

LILY

Malakas ang simoy ng hangin, mga huni ng ibon at tunog ng mga puno na nahahanginan ang maririnig sa paligid.

Nakangiti kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya at ipinikit ang mga mata ko,hindi parin talaga nagbabago ang epekto ng lugar na ito sa'ken.

Masayang masaya naman si Brian at manghang mangha sa ganda ng tanawin dito sa dating playhouse namin ni Caleb.

Nasa itaas kasi ng malaking puno ng Nara ang treehouse namin ni Caleb,at galing dito sa itaas ay tanaw na tanaw namin ang magandang syodad,at ang magandang bulaklak sa paligid ng puno at ang mabangong amoy ng mga halaman.

"Picturan mo'ko Bruce!!"sigaw naman ni Brian kay Bruce at pilit itong hinila papunta sa may bintana ng treehouse habang inaabot ang camera sa kanya, tumawa naman si Bruce at kinuha ang camera bago pinic-turan si Brian

"How do you feel?"tanong ni Caleb habang hinahaplos ang buhok ko

Tumingin naman ako sa at ngumiti "Comfortable,as always"sagot ko at pinikit ang mga mata ko

"Hm.."

Napatingala naman ulit ako sa kanya ng maramdaman ko na para bang may nakatitig sa'ken,at tama nga ako.

"Bakit?"tanong ko naman sa kanya

"Narealize ko lang na mas gumanda ka talaga kesa nung mga bata pa tayo" aniya at hinalikan ang noo ko

Nag init naman kaagad ang mga pisnge ko at nag iwas ng tingin sa kanya.

"Nahiya ka pa!"aniya at tumawa "But Lily,I'm serious,mas gumanda ka talaga,kaso..naging duwag kana ngayon"

Agad naman akong humiwalay sa pagkakaakbay niya at tumingin sa kanya ng nakataas kilay.

"G ago!hindi ako duwag!" inis kong sabi sa kanya

Tumawa naman siya bago muling sumiryoso ang mukha"Sino ba ang nagpapakatanga sa isang lalaki?" nakataas kilay niyang tanong

Bigla naman akong nanlumo, pakiramdam ko ay nanunumbalik na naman yung sakit na nararamdaman ko..

"Hindi ko toh sinasabi para maghiwalay kayo,I'm telling this for your own good,tignan mo nga ang sarili mo!hindi 'yan ang Lily na kilala ko!yung Lily na kilala ko, hindi nagpapaapi,hindi nagpapatapak,matapang!"

Napatungo naman ako dahil sa sinabi niya,nagsimula na namang bumuhos ang mga luha ko, pakiramdam ko ay may libo libo na namang karayom ang tumutusok sa puso ko,bakit ba hindi maubos ubos tong mga luha ko?!

"Lily,tang ina ba't umiiyak kana naman!!"tarantang tanong ni Brian habang hinahagod ang likuran ko

"B-bumaba muna kayo.." sabi ko habang patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko.

Nagkatinginan naman sina Brian at Bruce,bago tuluyang tumingin saken.

"Lily,are you sure?we could stay-"

"Please."pagputol ko pa sa sasabihin ni Bruce.

Bumuntong hininga naman siya bago tumango,tumingin siya kay Brian at sumenyas,kaya pareho silang bumaba ng tree house.

Agad naman akong hunagulhol ng marinig ang yapak nila sa mga tuyong dahon sa baba ng treehouse.

"Sshh,come here,come here" agad na lumapit si Caleb saken at ipinalibot ang mga kamay sa balikat ko.

Hinaplos niya ang buhok ko habang yakap yakap parin niya ako.

"H-hindi k-ko rin alam.."patuloy ang pagtulo ng mga luha ko habang patuloy naman ang paghagod niya sa likod ko "H-hindi naman..a-ako ganito eh..h-hindi ko  m-maintindihan kung bakit h-hindi ko siya m-magawang iwan..n-nahihirapan ako eh.."

"You really love him that much huh?" tanong niya

Tumango naman ako at mas binaon pa ang mukha ko sa dibdib niya.

"And I can feel that he loves you too,but I can also feel that he loves Amethyst more than you."

Bigla naman akong natauhan sa sinabi niya,napatingala ako sa kanya na may pagdududa at pagtataka sa mukha.

"Amethyst is Dave's ex-girlfriend"

"A-ano?"

Mas lalo pang bumilis ang tibok mg puso ko dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko ay mas lumalala ang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko ay lahat ata ng sakit at pait ay tumama sa puso ko.

"Si Dave,siya yung laging kinikwento saken ni Amethyst kapag pumupunta siya ng States, dating nakatira dito si Amethyst, pero nang mag first year college siya,lumipat sila ng States"

"H-hindi..k-kasi..pareho kami ng school na p-pinapasukan ni Dave, wala akong nakikitang kasama niya noon na kamukha manlang ni Amethyst.." pilit kong pagtatanggol sa paniniwala ko

"Dahil magkaibang eskwelahan naman talaga ang pinapasuka nila noon."

Umiling iling naman ako "Caleb naman eh..alam ko namang naduwag ako oo na!pero wag mo naman akong gawing tanga!!" inis kong sabi sa kanya

"Kung sa tingin mo nagsisinungalaing ako,isipin mo ngang mabuti kung bakit ganun nalang siya mag alala kay Amethyst?" panghahamon niya

"H-hindi nakapunta si Dave sa bahay n-nung gusto s-siyang makita ni mama,k-kasi dumating si Amethyst at walang mag aasikaso sa kaniya,t-tapos h-hindi siya nag r-reply sa mga t-text ko,k-kasi lowbat ang p-phone niya,h-hindi siya nakapunta sa first monthsary namin k-kasi emergency na naman,at si Amethyst ang e-emergency na yun..t-tapos ngayon..pinahiya n-niya ako sa harap ng maraming estudyante, h-halo ipamukha niya sa'ken na ang sama sama kong tao..."

"At hindi kaba nagtataka na ginagawa niya ang lahat ng yan para lang kay Amethyst samantala ikaw ang girlfriend niya?" tanong niya

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa tanong niya, unti unti kong napagtagpi ang mga sinabi niya at mga palusot ni Dave..

Mas lalong bumuhos ang mga luha ko,at mas lalong naninikip ang puso ko.

Isa lang ang ibig sabihin nun, napatingin ako kay Caleb na halatang alam na din ang iniisip ko.

"Mahal parin niya si Amethyst."

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon