LILY
"Nak,kamusta naman kayo ni Dave?" tanong ni mama
Nasira kaagad ang araw ko dahil sa tanong ni mama,ayaw ko ngang marinig ang pangalan niya eh!
"Maganda po yung bahay nila"sagot ko at sumubo ulit ng kanin na may gulay
"Kamusta kayo ni Dave?"pag-uulit naman ni mama
"Ang laki po ng bakuran nila"sagot ko at uminom ng tubig
Sumandog ulit ako ng gulay na pakbet at nilagay sa plato ko,favorite ko talaga tong gulay na toh eh
"Kamusta nga kayo ni Dave.."halata na ang inis sa boses ni mama,kaya pinipigilan ko nalang ang sarili kong tumawa
"Tapos andami po nilang maids"sagot ko at sumubo ulit
Huminga naman ng malalim si mama, senyales na sumuko na siya sa tanong niya,alam kasi ni mama na ayaw ko na nagkikwento tungkol sa pag-ibig
"Kamusta ang project niyo?"tanong ni mama habang patuloy din siya sa pagkain
"Ayos naman po ma,"uminom ako ng tubig at tumayo,"kaso ang hindi ayos ay yung nawala po kami sa gubat pero hindi mo manlang ako hinanap" may pagtatampo sa boses kong sabi
Pagdating ko kasi dito sa bahay,si mama masaya lang na kumakain at nanonood ng TV,tapos yung una niyang tinanong ay kung nag enjoy daw ba kami sa travel namin
Tapos nung tinanong ko siya kung hinanap ba niya ako,yung sinagot niya ay bakit ba daw niya ako hahanapin?
"Sorry na nga anak,hindi ko naman kasi alam kasi nga may tiwala kasi ako sa mga kasama mo na 'di ka nila papabayaan,o tignan mo,'di ka pinabayaan ni Dave 'diba?" pinukol ko ng masamang tingin si mama
"Bakit ba ma botong boto ka kay Dave?" nilagyan ko ng tooth paste ang tooth brush ko "Eh babaero yun eh?!" sabay nagmumug ako at nagsimulang mag toothbrush
"Pa'no mo naman nasabing babaero? hindi naman lahat ng gwapo e babaero" pagtatanggol pa ni mama
Huminga ako ng malalim "Ma,kahit panget nga ngayon babaero na!eh ayun pa kayang gwapong g*go?!" inie kong sabi at nagmumog ulit
"Hay nako anak!gusto mo bang tumandang dalaga?!"tanong ni mama habang nililigpit ang pinagkainan
"Ma..h-hindi naman ako t-tatandang dalaga eh,babalik naman siya" may bahid ng lungkot sa boses kong sabi habang pinupunasan ang basa kong pisnge
"Hay nako anak!Nine years old ka palang ng umalis siya!!diyos ko naman anak!'yang relationship niyo na ata ang pinakamatagal sa lahat ng relationship na na-encounter ko!!" tinapik pa ni mama yung balikat ko
"K-kahit na ma,nangako siya sa'ken na babalik siya" pagdadahilan ko at isinuot ang I.D ko
"At kung hindi?anak..eighteen years old kana!nine years munang inaantay yang si Caleb!diyos ko!" iniabot niya sa'ken ang bag ko at kinuha ko naman agad iyon
"Ma naman..hayaan niyo na ako"halos mangiyak ngiyak kong sabi
Imbes kasi na i-cheer up ako ni mama, mas dinadown pa niya ako kainis naman eh
"Oh siya sigi na,ingat ka sa eskwela, at papasok na din ako sa opisina" pabirong sabi ni mama
Tumawa naman ako sa word na 'opisina',yung opisina niyang palengke,ewan koba dito kay mama!
"Sigi ma,ako din papasok na sa opisina,alam mo naman,hinihintay na ako ng mga impleyado ko" pagbibiro kopa,at pareho naman kaming tumawa
"Oh siya,ako din alis na ako,ingat ka ha,tandaan mo,pwede ka mag boyfriend pero 'wag ka muna gumawa ng apo ko ha?!" napanguso naman kaagad
BINABASA MO ANG
Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)
Roman pour AdolescentsAng sabi nila,mahirap daw magkaroon ng boyfriend na gwapo,hot,and at the same time sobrang yaman. Kasi maraming babae daw sa paligid ang magkakagusto rito at magtatangkang agawin siya sa'yo. Pero ang mga taong nasa paligid nga ba ang nakakatakot pag...