LILY
"Nakangiti tayo ngayon ah?" panunukso pa ni Brian habang naglalakad kami papasok sa school
"Narealize ko lang kasi na matagal na panahon akong naging malungkot" sabi ko at nagpatuloy lang sa paglalakad
"Anong matagal na panahon?eh lagi ka kayang naka bungisngis, maliban nalang pag dumadating si Dave"at tumawa pa ang g*go
Sinamaan ko siya ng tingin"Ang ibig kong sabihin ay naging malungkot ako sa loob ko,"tinuro ko ang puso ko"hindi yun nakikita ng ibang tao at hindi rin nila nararamdaman yun,ako lang ang nakakaramdam,ganyan naman kasi ang mga tao eh,porket naka ngiti,feeling agad nila masaya ang isang tao,minsan nga kapag nagjo-joke sila at nakakasakit yun, ngumingiti parin ako,pero deep inside,sobrang nasasaktan ako, halos buong buhay ko,naging plastic ako,pinaplastic ko ang nararamdaman ko sa harap ng maraming tao,pero ngayon, magpapakatotoo na ako"
"Ang drama mo"sabi niya at inakbayan ako
Inis ko siyang hinampas sa dibdib"Ang haba ng speech ko tas yan lang ang sasabihin mo!!"inis kong sabi
Tumawa naman Siya "Pinapatawa lang kita,pero sa totoo lang,masaya ako para sa'yo" aniya at hinalikan ang noo ko
"Alam mo napag-iisipan na tayo ng nga estudyante dito na may relasyon tayo" seryosong sabi ko
"Sus,kapag nagkagusto ako sa'yo, ibig sabihin duling ako nun" sabay tawa naman siya
Sinamaan ko siya ng tingin"Maka duling ka naman!!ganun naba ako kapanget?!"inis kong tanong sa kanya
"Oo"at tumawa ulit siya
Umawang naman ang labi ko, tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko,bwesit siya.
"Uy masyado ka namang pikon!" hinabol niya ako,pero binilisan kopa ang lakad ko "Uy Lily!!" dinig kong sigaw niya
Napatawa nalang ako at tumakbo, gusto kong inisin si Brian eh
"Aray ko!!"tili ko ng bigla akong mauntog sa matigas na bagay,or maybe nauntog ako sa matigas na poste
"Next time,you should look at your way" dinig kong sabi ng isang boses lalaki
Napatingala naman ako,at doon napakagat labi,nagbaba ako ng tingin at agad na tumayo
"S-sorry Dave"nahihiyang sabi ko at inayos ang palda ko
"Uy Lily!pikon ka talaga kahit--" dinig kong sabi ni Brian pero agad siyang tumigil ng mapansin niyang nakatingin si Dave sa kanya
Napataas kilay naman ako
"Ah Lily,una na ako ha!" mabilis na sabi niya at kumaripas ng takbo papunta sa gawi ng room namin
Nakakapagtaka naman na bigla bigla nalang umaalis si Brian tuwing dumadating si Dave o kaya naman si Bruce
"Ano?"nakataas kilay kong tanonf sa kanya
"Simula ngayon,ako na ang maghahatid sa'yo pauwi at susundo sa'yo papunta dito"sabi niya at biglang hinawakan ang kamay ko
Mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko,pakiramdam ko ang init ng buong paligid ko
"Tara na malelate na tayo"sabi niya at hinila ako
What's happening again?
Habang hinihila niya ako palapit ng palapit kami sa room namin,at habang palapit kami ng palapit, unti unti kong naririnig ang mga bulong bulungan sa loob ng klase
Maya maya lang ay biglang sumilip sa pinto ang isa sa mga kaklase ko, at parang gulat na gulat pang nakita ako at agad na pumasok
Anong meron?
BINABASA MO ANG
Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)
Teen FictionAng sabi nila,mahirap daw magkaroon ng boyfriend na gwapo,hot,and at the same time sobrang yaman. Kasi maraming babae daw sa paligid ang magkakagusto rito at magtatangkang agawin siya sa'yo. Pero ang mga taong nasa paligid nga ba ang nakakatakot pag...