entry #29 Lights..Camera..KISS! ♥

137 4 0
                                    

Bakit ganun yung nararamdaman ko?

Katangahan ba yung ginawa ko?? Pero.......wala talaga ako masabi eh. naguguluhan pa ako.

Ilang araw na rin yung lumipas after nung pagtatapat nga sakin ni Carson. Actually hindi ko rin alam kung bakit wala akong sinabi about dun sa confession nya...masyado kasi akong nabigla at naging speechless. Sabi nya kahit maging friends lang daw kami okay lang sa kanya. Nag-sorry sya kasi baka nagulo nya nanaman daw yung isip ko. Pero kasi.....

Hay! Ewan ko! Ang gulo! >.<

Napaisip din ako kung ano ba talaga nararamdaman ko kay Carson. Oo siguro special sya sakin...dumating pa nga sa point na umiyak ako dahil sa kanya di ba? (Aquaitance Night) Pero hindi pa ako sigurado eh...kailangan ko muna alamin.

"Hoy mga ateng! Para kayong mga nalugi ah?? hahahaha!" sabay kaming napatingin ni Zarah kay Mine na halatang blooming. Basta after nung 'date' nila ni Matt ganyan na sya...si Zarah naman after nung Aquaintance night parang palagi na lang may hinahanap.

"IKAW KAYA MAGKAROON NG KOMPLIKADONG LOVELIFE!" oops! bakit ko ba sinabi yun??? OMO!!

"Wow ha! At may lovelife ka na pala ulit ngayon??" tanong ni Mine.

"Hayy wala yun. ewan ko ba. masyado lang siguro akong lutang kaya kung anu-ano na nasasabi ko."

Maya-maya biglang lumapit samin si Matt kasama si Carson. as usual tumabi si Matt kay Mine tapo s si Carson umupo sa tapat ko pero hindi sya tumitingin sakin at hindi nya rin ako binati manlang or kahit ngumiti.

"Sorry nga pala nung last time...nabigla la-----"

"You don't have to apologize. Wala ka naman ginawang mali eh. Ako dapat mag-sorry kasi ginulo nanaman kita."

"Hindi naman sa ganun."

"Ezra. Look, okay lang talaga. No need to explain. I just want us to remain friends..if it's okay with you?"

Friends?? Siguro nga yun lang.

"Yeah. Sure. Friends :)" tumango lang ako at ngumiti ng pilit. hayyy.

Matagal kaming natahimik ni Carson hanggang sa marinig ko na lang yung bell. Nagpaalam na kami at dumiretso sa next class namin.

2:30pm uwian na namin..hayy nakakatamad pang umuwi. Yayain ko kaya gumala tong sila Mine?

"Friends..gala tayo? kakatamad pa umuwi eh."

"Zarah!" tawag ni Mine kay Zarah kasi parang bigla itong naging statue sa kinatatayuan nito. Biglang may lumapit samin na lalake at nag-hi kay Zarah.

"Zarah right? Ikaw yung nakasayaw ko nung party? :)" tanong nung lalake kay Zarah pero nakatulala lang ito.

"Wuy. Zarah.." tinapik ko si Zarah para matauhan sya.

"Ah. eh. OO! ako nga y-yun. hehe" ano ba nangyayare kay Zarah?? Tsaka sino tong guy na to?

"Natatandaan mo pa ako? :)" tanong nung guy.

"Oo naman. Ikaw si Erwin di ba?" naaptingin ako kay Zarah. Grabe ngayon ko lang sya nakitang ganyan! nagba-blush ba sya? :D tsaka 'Erwin' pala name nung guy.

"Ehem!" natawa ako kay Mine kasi obvious na nagpaparinig sya kay Zarah hahaha!

"Ah Erwin. Friends ko nga pala. Si Ezra at Mine :)"

"Nice to meet you girls :)"

"Same here :)" sagot namin ni Mine. Biglang nag-ring yung phone ni Mine at may kinausap. Maya-maya nakita ko na lang na palapit na sila Matt kasama si Carson.

Be Your Everything  ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon