Carson's POV
It's been six years at sobrang dami na talaga ng nagabago..
I'm still a model and I also own a restaurant and a bar now. Actually sa sobrang dami ng ginagawa ko halos di ko na rin naman napansin na six years na rin pala ang nakakalipas.. sobrang bilis ng panahon.
lovelife? tss.
Well.. it's friday so I decided to go to a bar with my friends. Pagkapasok pa lang namin may lumapit agad na babae sa akin. She wrapped her arms around my waist and kissed me in my cheeks. What's her name again? Nathalie? Natalia? Whatever..
"Babe.." yan naman ang tinatawag ko sa lahat ng flings at nagiging girlfriend ko.. wala nakong oras tandaan pa mga pangalan nila eh. Tsaka di rin naman nagtatagal lahat ng relationships ko.
"Buti naman at pumunta ka ulit dito. Ano nangyare? Ang tagal mo di pumunta dito ah?" she kissed me again but now in my lips.
I responded to her kisses. Yun lang naman ang gusto nila eh.. after nun wala na.
Humiwalay muna ako sa kanya saka ako dumiretso sa table kung nasaan ang mga kaibigan ko.
"Grabe ka talaga Carson! Napaka playboy mo!" - Mico
"Sila naman ang lumalapit hindi ako." kinuha ko ang isang shot glass na may laman na vodka saka inisang logok ito.
"Yung kaibigan mo na si Matt ikakasal na. Ikaw kaya? Mukhang malabo mangyare yun!" - Darryl
"Hindi talaga mangyayare yun. You know me.. I don't take relationships seriously."
"Hayy. Huhulaan ko ang magiging lovelife mo. Balang-araw, magiging baliw ka rin sa isang babae. 'Yong hahabulin mo dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya." - Mico
Been there, done that. Matagal na akong naging baliw sa babae. Pero ano nangyare?
Asar! Naalala ko nanaman sya! Yeah.. ang kaisa-isang babaeng minahal ko--EZRA. The heartless woman who had just thrown away my love like it was unrecyclable trash. She had been my first love and my first heartbreak. Thanks to her, I didn't believe in true love.
How miserable did I get six years ago? Hindi ko tinanggap yung offer sakin para maging model sa France para lang makasama sya! Pero ano ginawa nya? Naapektuhan din ang pag-aaral ko but thank God I graduated.
It was six freakin. years ago, Carson! Just get off your butt and leave those memories behind!
Napatigil lang ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng isang familiar na boses.
"Ahmm Carson?" nilingon ko sya at pinilit na gawing blanko ang expression. Kailangan ko tong gawin para sa sarili ko..
"Bakit?" Bakit ba nagpakita ka ulit?? Di pa ba sapat yung ginawa mo sakin dati?
"Ah wala lang. Nakita kasi kita kanina.. so gusto ko lang siguraduhin na tama nga yung nakita ko."
"Okay."
"Ah.. eh.. Carson may gagawin ka ba bukas? May event kasi si ate--"
"No, busy ako."
"B-busy ka? Ahmm how about monday?"
"Wow. VIP naman ako masyado kung imomove mo yung event ng ate mo para sakin?"
"Gusto lang sana kasi kita makausap."
"Ano naman ang pag-uusapan natin?"
"Gusto ko lang sana--" naudlot ang sasabihin nya ng biglang dumating ang CURRENT girlfriend ko. 1 week pa lang yung relationship namin.. actually hindi ko na dapat patatagalin ng 1 week kaso naging busy ako masyado nitong mga nakaraang araw kaya nakalimutan ko. Siguro pwede na rin ngayon..