entry #17 World War!! XD

156 4 0
                                    

7:00 na ng gabi pero wala pa rin si Alexis sa condo nya...kaya naman si Ezra sobrang nag-aalala na

"Asan na ba yun si Alexis? Ano na kaya nangyare dun??"

Yuji Calling...

"Ezra..asan ka? wala ka daw sa inyo?"

"ahh...oo eh."

"asan ka?"

"uhmm...nandito ako sa condo ni Alexis.."

"Anong ginagawa mo dyan?? gabi na ha?"

"Yuji...boyfriend ko si Alexis kaya okay lang naman siguro kung nandito ako...tsaka nag-promise naman sya na ihahatid nya ako pauwi"

"ah sige..basta kung may kailangan ka tawagan mo lang ako.."

"okay. thanks"

Hayy...asan na kaya si Alexis??

From: Alexis

Ezra sorry hindi kita mahahatid sa inyo...marami pa kasi kailangan gawin dito...

"Nakakainis naman...sinabi ko lang yung about kay Yuji nagkaganyan na sya...di tuloy ako mapalagay...tama kaya na sinabi ko pa yung kay Yuji??"

Inayos na ni Ezra yung mga gamit nya at umalis na ng condo ni Alexis..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kinabukasan sa St. Louis University....pinatawag lahat ng freshies para sa isang announcement..

"Ano ba meron?" tanong ni Sam kay Zarah

"Ang alam ko magkakaroon daw ng aquaintance night...parang ganun? ewan!"

"Sa darating na friday magkakaroon tayo ng Aquaintance Night para sa mga freshies..pero invited naman lahat ng year levels kaso yung party na yun para talaga sa freshies..magkakaroon ng mga programs tsaka kung anu-ano pa..formal attire nga pala ang isusuot.." announce ng president ng St. Louis University sa lahat ng freshies..

Pagkatapos ng announcement nagkanya-kanya ng alis ang mga students auditorium..bigla naman nakatanggap ng text si Ezra

From: Alexis

Bee asan ka? sabay tayo mag-lunch? :)

To: Alexis

Nandito ako sa labas ng auditorium :)

From: Alexis

okay wait for me :)

Maya-maya nakita na rin ni Ezra si Alexis na paakyat ng auditorium kaya lumapit na sya dito

"Saan mo gusto kumain?" sabay akbay ni Alexis kay Ezra

"canteen na lang tayo..nakakatamad lumabas ngayon.."

"sige :)" hinawakan ni Alexis yung kamay ni Ezra at sabay na silang naglakad papuntang canteen

Pagdating nila ng canteen napansin ni Ezra na parang andaming nakatingin sa kanila...tapos naalala nya magka-holding hands pala sila ni Alexis!!

Sinubukan bumitaw ni Ezra pero mas lalong humigpit yung pagkakahawak ni Alexis sa kamay nya

"Alexis..pinagtitinginan na nila tayong lahat.."

"Don't mind them..atleast alam nilang akin ka"

"ha? ano bang pinagsasasabi mo?"

"gusto ko malaman nilang lahat na girlfriend kita at ako ang boyfriend mo..kaya hayaan mo silang tumingin dyan..di naman natin ikakamatay yan"

Be Your Everything  ♥ (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon