Zarah's POV
"Nakoooo! Nasaan na kaya yung si Ezra?"
Pagkatapos mag-walkout ni Ezra kanina tumayo na rin ako para sundan sya.. baka kung ano mangyare dun. I mean sa kanila ni Carson... baka maulit yung nangyare dati nung kasal nila Matt at Mine. Nagulat na lang kami nasa dagat na silang dalawa at basang-basa tapos si Carson lasing pa nun.
"Zarah.." napalingon naman ako bigla dun sa nagsalita.
"Erwin? Ano ginagawa mo dito?"
"Nag-alala kasi ako.. kaya sumunod ako sayo. Nakita mo na ba sila Ezra?"
"Ah.. h-hindi pa." shiz! bakit ako nauutal?? BAKIT AKO KINAKABAHAN?!!
"Saan kaya sila nagpunta.. loko talaga yung si Alexis bigla na lang umalis."
"Ah.. eh oo nga." asar! Zarah umayos ka nga!
"Zarah... alam ko dapat matagal ko na to ginawa.. gusto ko lang sana humingi ng patawad sa nangyare sa atin dati."
"Erwin matagal na yun.."
"Pero kasi.. nagi-guilty pa rin ako sa ginawa ko. Sinaktan kita... kaya sorry. Matagal ko na dapat nasabi to pero alam mo naman after nung nangayre.. hindi na tayo nagkausap pa. Sana mapatawad mo ako."
"Aaminin ko.. sobrang nagalit talaga ako sayo.. kasi nasaktan ako eh. Pero tulad nga ng sinabi ko sayo kanina matagal na yun.. wala na yun sakin. Matagal na kitang napatawad. Tsaka pareho naman na tayong okay di ba? Masaya naman tayo sa mga buhay natin... siguro hindi lang talaga tayo para sa isa't-isa. May boyfriend nako ngayon at masaya kami... ikaw rin may girlfriend ka na kaya kalimutan na lang natin yung nangyare dati."
"Pwede pa rin ba tayo maging magkaibigan?"
"Oo naman!"
"Friends?" inilhad nya ang kamay nya para makipag shake hands.. "FRIENDS!" inabot ko ang kamay nya bilang simula ng bagong friendship namin.
"Tara na.. hanapin na natin sila.. baka kung ano na nangyare dun."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ezra's POV
"Carson!" whew! nandito lang pala sya sa bar! buti na lang at nahanap ko rin sya..
palapit na sana ako sa kanya pero...
bigla nyang hinalikan yung kasama nyang babae...